43

341 11 1
                                    

Naihly POV

 Nang sabihin ni Queen na hindi na tuloy ang meeting ay umuwi na ako. Gusto ko ng mag pahinga dahil nakakapagod ang laha ng mga nalalaman ko. Bakit ngayon pa ito nang yayari kung kailan ang gulo gulo. Sana bumalik na ang alaala ni Yhunie.Gusto ko ng makilala na niya kami. Kasi ang hirap malaman na hindi ka niya kilala kahit na pangalan mo ay hindi niya alam. Sana bumalik na kami sa dati.Yung walang iniisip at walang pinopriblema.

 Kasi nakakapagod na ang mga nangyayari ngayon. Pag dating ko sa bahay ay dumeretso na ako sa loob.Aakyat na sana ako ng may marinig akong nag sasalita galing sa kusina. Ayaw kong makinig pero maxy tumutulak sa akin na makinig. Kusang nag lakad ang paa ko malapit sa kusina para marinig ang pinag uusapan nila.

"Kate may nalaman ako." sabi ni Mom kay tita Kate.

"Ano naman iyun?." tanong ni Tita Kate kay Mommy.

"Nalaman ko na si Yhunie at Empress ay iisa." sabi ni Mommy.

Tama ba ang narinig ko? Si Yhunie at Empress ay iisa.Pero paano?. Totoo ba ang lahat ng ito? Nung una siya ang Queen tapos ngayon siya pala ang Empress. Hindi ako makapaniwala.Gusto kong malaman ang katotohanan.Gusto kong maconfirm kung totoo iyun.

"Edi si Yhunie ang anak nila Jenny na matagal na nating pinag hahanap?.

" tanong ni Tita Kate kay Mom.

"Oo siya nga ang anak ni Jenny." sabi ni Mom.

 "Edi kailangan na natin siyang makita at makausap." sabi ni Tita Kate.

"Oo kailangan na natin siyang makita at masabi sa kanya ang lahat." sabi ni Mom.

"Kailangan niyang malaman ang lahat dahil panigurado ay mali ang kanyang mga nalalaman." sabi naman ni Tita Kate.

Nang makita kong tatayo na si Mom ay umalis na ako sa pwesto ko at dumeretso na sa taas. Ano ang ibig sabihin nila? Ano ang dapat niyang malaman? May alam ba sila kay Yhunie? Kilala ba nila Mom ang pamilya ni Yhunie?. Ano pa ba ang kailagan kong malaman? May mga malalaman pa ba ako?

Ang hirap hirap na.Parang ngayon ko lang sila nakilala at ngayon ko lang nalalaman ang lahat. Bakit nangyayari ito? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa lumalabas ang lahat?.

Nathaniel POV

 Biglang tumawag sa akin si Leimark at nasa hospital daw si Yhunie dahil naaksidente daw sila. Nang mabalitaan ko iyun ay dumeretso na ako sa hospital para malamam kung ano ang kalagayan niya. Pag dating ko doon ay nasa ICU parin siya kanina pa. Ano ba ang nangyari? Bakit kayo naaksidente? Nag hintay lang kami ng ilang minuto at lumabas na ang doctor.

"Naobserbahan na po namin siya at ililipat na po namin siya sa room para maging komportable ang katawan niya.Ipapaliwanag na lang po namin ang lahat kapag natapos na ang mga test." sabi ng doc sa akin

"Salamat po Doc ng marami." sabi ko sa kanya

"Walang anuman po.Sige po aalis na po ako." sabi niya at umalis na. Inilagay na siya sa room niya at inasikaso. May mga inilagay sa katawan niya at may mga tinusok. Ano ang mga nilalagay nila sa katawan ni Yhunie? Mahalaga ba iyun?

"Nurse ano po ang tinuturok niyo sa kanya?." tanong ko sa kanya.

"Kailangan po iyun ni Emp--." naputol ang sinabi niya dahip dumating na si Queen.

"Sige po Nurse pwede na po kayong makaalis." sabi ni Queen at umalis na siya

"Bakit ka pa nandidito Nathaniel?." tanong sa akin ni Queen.

"Babantayan ko po si Yhunie." sabi ko sa kanya

"Hindi na kailangan.Ako na ang mag babantay dahil matalik na kaibigan noya naman ako." sabi niya sa akin.

The Nerd In DisguiseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora