chap. 01
Napatitig ako sa cellphone na kanina ko pa hinihintay na tumunog. Sa kabila ng dami ng mga customers na nandito ay hindi ko pa rin magawang ituon ang buong atensyon doon. Kanina pa ako nag-aalala dahil sa hindi niya pagpaparamdam sa akin simula noong isang araw. Nagte-text siya pero laging maikli, hindi gaya noon na laging bumaha ng texts dahil sa kakulitan niya.
Nang mabakante ako sa ginagawa ay nagmamadaling tinungo ko ang gilid ng milktea shop kung saan ako nagtatrabaho. Sa pangatlong pagkakataon ay muli kong sinubukang tawagan siya. At gaya kanina ay walang sumasagot nito.
Ang alam ko ay busy ang course nila ngayon dahil sa biglaang pagpalit ng mga teachers. May ilang projects na ipinapapabago at idinadagdag. Pero kahit update man lang sana.
Habang sinusubukang ulitin ang pag-dial sa numero niya ay iniikot ko ang tingin sa loob ng shop, partikular na sa pintuan nito dahil umaasa akong gaya ng dati pupunta siya. Gaya ng dati may surpresa lang siya. Ngunit natapos na lang lahat ng minuto ng break ko, wala pa ring siya na nagpakita o tumatawag.
Laglag ang balikat ay bumalik ako sa counter para asikasuhin ang mga orders. Napabuntong hininga ako saka sumilip sa pintuan na bagong bukas. Isang kilalang lalaki ang nagpatigil sa akin sa ginagawa. Napansin ko ang pag-angat ng mga tingin sa kanya ng ilang mga customers na nandito sa loob, lalo na ang mga kababaihan.
Malalim akong napaisip saka nagpasyang lapitan ito. Sinenyasan ko si Claire, isang kasamahan, para panandaliang pumalit sa pwesto ko.
"Claire, ikaw na muna dito. Sandali lang ako. May kakausapin lang," paalam ko na agad niyang tinanguan.
Nagmamadali akong nagtungo sa pwesto ng lalaking iyon. Hindi ako sigurado kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na kausapin siya gayong hindi naman kami ganon ka-close. Ni hindi nga ako sigurado kung naaalala niya pa ako ba ako. Matagal na nung huli ko siyang nakita sa tuwing lumalabas kami Ethan kasama ang mga kaibigan niya.
Sana mamukhaan man lang ako nito kahit pa siguradong wala naman siyang pakialam sa paligid niya. Pero bahala na nga!
"Aries..." I called his name.
Kanina niya pa napansin ang paglapit ko pero gaya ng dating nangyayari sa aming dalawa ay para lang akong hangin sa paningin niya. Buong pasasalamat ko na lang na sa pagkakataong ito pinansin niya ang tawag ko. Nakatingin na siya at mukhang hinihintay ang sunod kong sasabihin.
"Uh... si Ethan ba? N-nakita mo?" Mahinang tanong ko, bahagyang iniwas ang mata nang mapagtanto kung gaano ka-mali ang paglapit ko sa kaniya. Nang maibalik ko ang mata sa kaniya ay siya naman itong nagbaba ng tingin sa dalang laptop.
Pamilyar sa akin iyong ginagawa niya doon dahil lagi ko na rin iyong nakikita na ginagawa ni Ethan o kaya nung boyfriend ng pinsan ko. Paniguradong bago nanaman itong ginagawa niya ngayon.
"I'm not sure. I didn't attend my class today," he answered while his eyes were still on the screen. His hands moved to type something, making me realize that he's probably busy too.

BINABASA MO ANG
When the Spring Begins (Spring Series #1)
Short StoryAviva Leigh Cervantes never seems to notice other men aside from her current boyfriend. In her eyes, there is only him. Of course, he is her first love. She was young and naive about the world of love when she met him but she knows that her young he...