chap. 10
He's driving. The whole time we were inside his car, he didn't try to ask me anything. I can see from how his jaw moved that he doesn't like everything that is happening. Although I already calmed down, I couldn't bring myself to talk and ask him where he's trying to take me.
It's already late at night. I'm sure he has a lot of things to do other than driving now.
When I gathered up all the courage I have, I finally found my voice.
"Aries, may pasok pa tayo bukas. Uwi na tayo..."
Wala itong naging imik. Parang tinangay lang ng hangin yung sinabi ko dahil wala naman siyang sagot o reaksyon dito. Narinig niya ba ako?
I lightly tapped his right hand on the steering wheel. I know it affected him by seeing how his lips parted. Is this the first time that I touched him?
Napanguso ako. Hindi sigurado kung matatawa ba ako o kung ano.
"We won't take long," sagot nito. As if naman mapapanatag ako sa sagot niyang yon.
Kaysa kulitin pa siya ay hinintay ko na lang sa kung saan niya ititigil ang kotse. Pinanood ko ang mga ilaw ng building na nadadaanan namin sa labas. Kalahating oras na yata siya nagda-drive kaya ganun din kami katagal na hindi nag-iimikan.
His car stopped. He immediately removed his seatbelt and went out to open the car door for me. I thanked him before looking around the unfamiliar place.
"Wow..." That was my first word after being fascinated by the overlooking view in front of us. With the city lights and dark skies above, I was able to appreciate the night.
Tahimik ang paligid. May iilan lang na napapadaan malapit sa amin pero hindi naman sinadyang tumigil gaya namin.
Isinandal ko ang sarili sa barandilya at napapikit nang marahan na humaplos ang hangin sa balat ko. Dahil sa tanawin sa harap ko parang nakalimutan ko ang lahat ng nangyari. Nakalimutan ko ang pagpunta ni Ethan sa shop. Nakalimutan ko lahat ng sinabi niya. Nakalimutan ko ang kaninang pag-iyak. Hinayaan ko ang oras na lumipas at pinagsawa ang mga mata sa pagtingin sa mga bituin.
"This is the place I run to whenever I have a lot of things to think about. Just looking at the city lights relaxes me."
Nasa tabi ko na siya ngayon. Ang kanang bahagi ng katawan lang nito ang isinandal saka pumaharap sa akin.
Kung bakit kami nandito at kung bakit niya ako sinama ay hindi ko makuhang sagutin. Matagal ko siyang pinagkatitigan bago muling iginala ang mata sa paligid. Nagsimula na naman ang kampon niya sa tyan ko na magwala kahit nasa gilid lang naman siya at walang ginagawa.
"I know there's something going on inside your head. I'm sure you wanted to escape those thoughts too."

BINABASA MO ANG
When the Spring Begins (Spring Series #1)
Short StoryAviva Leigh Cervantes never seems to notice other men aside from her current boyfriend. In her eyes, there is only him. Of course, he is her first love. She was young and naive about the world of love when she met him but she knows that her young he...