chap. 02

19 3 0
                                    


chap. 02


"Uy, tara na?"


Itinaas ko ang kamay ko para sabihin mauna na muna siya. May balak akong daanan at alam ko na maiinis lang siya kapag malaman niya ang gagawin ko.


"Ikaw, Aviva, sasabunutan na talaga kita sa kalokohan mo! Kapag hindi nagpaparamdam, hayaan mo! H'wag ka rin magparamdam!" aniya. Napangisi na lang ako sa narinig mula sa kaibigan saka tumalikod para tumungo sa kabilang building.


Medyo maaga ang break namin ngayon dahil sa hindi pagpasok ng isang professor. At ang alam ko ay patapos na rin ang subject nila Ethan kaya maaabutan ko siya kung sakaling magpupunta ako.


"Sumunod ka sa baba, ha? Bilisan mo! Pagkain muna bago boyfriend!" rinig kong dagdag sigaw na paalala ni Alice sa'kin na hindi ko na nalingunan.


Sa lumang shortcut na lang ako dumaan para mas mabilis ako. Sa bandang dulo kasi ng floor namin ay may nagko-konekta sa building ng engineering kaya mas mabilis kung doon ako dadaan. Bahala na ang ibang napapatingin sa akin dahil sa ibang uniporme na meron ako.


Isa-isa kong sinilip ang nakapaskil sa taas ng pintuan ng bawat classrooms na madadaanan. Hindi ko gaanong kabisado ang daan dito sa kabila kaya nalilito pa kung saan ang classroom nila. Ang kaninang paghahanap ay naantala nang makita ang isang grupo ng mga kalalakihan na mayroong kasabay na dalawang babae sa magkabilang gilid.


Naglalakad sila patungo sa direksyon ko. Natigil ako sa paglalakad nang makita si Ethan na kausap iyong isang babae sa gilid niya. Pareho silang nakangiti na parang may nakakatuwang pinag-uusapan. Lumipat ang tingin ko sa isang lalaki na nasa likod niya. Bahagyang napaawang ang labi ko nang makitang nakatingin rin siya sa akin. Sandali lamang iyon dahil agad niyang tinignan si Ethan na nasa harap at lumapit dito. Nakita ko ang pagbulong niya ng kung ano dahilan kung bakit sila na ngayon ang nag-uusap.


"Ethan!" I called his name.


Shocked. That's the first thing I noticed after calling his name. He looked at me shortly then to the girl beside her. Nagmadali siyang maglakad patungo sa'kin dahilan kung paano napasunod ng tingin ang ilan niyang mga kasama, maging iyong babae na kanina niyang kausap.


"Hey," he greeted.


I smiled and tried to forget about the doubts I had yesterday and awhile ago.


"Hi, busy?" tanong ko saka iniayos ang necktie niya na medyo nasa gilid ng marating niya ang pwesto ko. Napansin niya iyon at hinayaan lang ako sa ginagawa.

When the Spring Begins (Spring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon