chap. 06
Tulala akong nakatingin sa kisame habang pinapakinggan ang malakas na pagpatak ng ulan sa labas. Our class was suspended by the local officials today due to the typhoon. I'm not sure if this is a blessing or a curse that I have to stay here knowing that today is supposed to be something special for me and him.
I sighed. Hindi magandang inaalala ko pa iyon.
I checked my phone after hearing a small beep from it. One message came from someone I knew.
Aries:
Are you sure you don't want to talk to him? I can make it happen.
Napasimangot ako. Tignan mo ang isang 'to. Napa-kwento lang ako nung nakaraan pero gusto na ngayon makialam.
I typed my reply.
Me:
Nasabi ko na, 'di ba? Ayaw ko na, Aries. Nothing's gonna work for the both of us already.
Nang mai-send iyon at dali-dali kong ibinababa ang cellphone matapos makita ang pinsan na pababa ng hagdan. Pumwesto siya sa sofa at doon humiga habang kunot noo na nakatingin sa cellphone. May itinitipa ito doon at mahinang bumubulong.
"Edi 'wag kung ayaw. Ano ako, hilo? Kung ayaw mo magreply, hindi ko ipipilit!" Mahinang saad nito na may diin sa bawat salitang sinasabi.
I guess their fight is still going on until now. It's been one week since her boyfriend, Miguel, stopped going here. Hindi muna ako nagtangka na usisahin siya at baka sa'kin pa mapunta ang galit niya ngayon. Nanood lamang ako sa bahagyang pag-iba ng emosyon ng mukha niya - mula sa inis, galit, hanggang sa paiyak na.
Sumandal ako sa upuan at bahagyang nagulat nang padabog itong tumayo at nagmura sa harap ko.
"Tangina! Bahala ka na, gago!" sigaw niya. Hindi yata sinasagot ni Miguel ang tawag niya simula pa kanina kaya hindi mapakali.
Umiling lamang ako. Kahit ganyan si Tris ay nag-alala pa rin ako sa kaniya. Matagal na rin sila ni Miguel at hindi rin biro ang pinagsamahan nila. Kung tutuusin ay mas matagal pa sila sa amin ni Ethan kaya paniguradong nahihirapan din ang pinsan ko. Kahit pa parang may galit si Tris sa mundo dahil sa ugali niya nagagawa pa rin siyang tiisin at pangaralan ni Miguel kaya talagang magkasundo ang dalawa.
Hindi ko lang alam kung ano ang nangyari ngayon. Wala pa kasing anghel na dumadaan sa utak ni Tris kaya wala pa siyang kinu-kwento sa'kin. Hindi naman sa ngayon ko lang sila nakitang magtalo. Pero ito yata ang pinakamalala. Usually, they will meet to fix things up or communicate through calls. Ang kaso sa nakikita ko ngayon ay iniiwasan talaga siya ni Miguel.
"Please, please. Answer the call..." I heard her beg softly while walking nonstop infront of me. Hindi ito mapakali at napahilamos pa sa mukha nang i-decline nanaman ang tawag nito.
BINABASA MO ANG
When the Spring Begins (Spring Series #1)
Historia CortaAviva Leigh Cervantes never seems to notice other men aside from her current boyfriend. In her eyes, there is only him. Of course, he is her first love. She was young and naive about the world of love when she met him but she knows that her young he...