Chapter 1
(Taong 1966)
"Anak darating ang araw na mawawala ako ngunit bago iyon nais kong lumigaya ka anak" Barbara (mother of Evelyn) said to her daughter.
"Iyon din po ang nais ko ang maging maligaya sa buhay na ito" Evelyn answered.
"Kung ganoon anong nais mo anak upang ikaw ay maging masaya ?" inosenteng tanong ni Barbara sa anak.
"Sa oras na ako ay magdalaga gusto kong manatili ang aking kabataan at kagandahan. Ayokong tumanda at mamatay tulad ninyo inay" seryosong wika ni Evelyn sa kanyang ina. Labis namang nagulat si Barbara sa sinabing iyon ng kanyang anak.
Si Evelyn ay mabait at masunuring anak ngunit labis niyang ikinagulat na sakabila ng maamo nitong mukha ay may kakaibang buhay itong hinahangad.
"Ngunit anak ang mga tao ay walang kakayahang manatiling bata , lahat tayo ay tatanda at mamamatay. Kaya't hindi maibibigay ng inay ang nais mo anak" Wika na lamang ni Barbara sa anak ngunit marahan lamang ngumiti ang anak at sinabing.
"Ayos lamang iyon inay dahil ako'y may natuklasan nang paraan upang mangyari ang aking ninanais" sagot ni Evelyn na nakapagpataka sa kanyang ina.Labis naman na nagtaka si Barbara ngunit hindi na lamang niya ito pinansin , inisip na lamang niyang dala lamang iyon ng imahinasyon ng kanyang anak.
Makalipas ang isang linggo ay nangyari ang hindi inaasahan nagkaroon ng malubhang sakit si Barbara at malapit na itong mamatay.
"Malulungkot ako sa inyong magiging pagkawala inay ngunit sisiguraduhin kong ako ay mabubuhay ng panghabang buhay at magiging masaya" wika ni Evelyn sa naghihingalong ina. Hindi na man lang nagawang magsalita pa ni Barbara at ito ay nalagutan na ng hininga. Isang matipid na ngiti naman ang mababakas sa labi ni Evelyn ng makita niyang nawalan na ng buhay ang kanyang ina.
****
(15years after)
(Taong 1981)Nasa edad na 25 taong gulang na si Evelyn at nais na nitong maisakatuparan ang kanyang kahilingan , kaagad niyang pinuntahan ang matandang nangako sa kanya ng katuparan ng kanyang hiling pagsapit ng kanyang ika 25 na kaarawan.
"Ito na ang araw na sinasabi mo. Isa na akong ganap na babae , walang anumang karanasan at namuhay ng mag isa sa loob ng labing limang taon" sabi ni Evelyn sa matandang kaharap na kailanman ay hindi nagpakilala sakanya.
"Sigurado kana ba sa nais mo ? Buo na ba ang iyong desisyon ? Sa oras na tanggapin mo ang kapalarang ito wala ng paraan upang mabawi pa ito." Paliwanag sakanya ng matanda.
"Hindi ko gagawing itaya ang buhay ng aking ina kung sa huli ay aatras ako sa bagay na ito. Matagal ko na tong pinag isipan kaya't wala na akong balak umatras pa sa ating usapan" seryosong sagot ni Evelyn sa matanda.
"Kung gayon inumin mo ito" saka iniabot ng matanda ang isang basong tila dugo ang laman , nagdalawang isip man si Evelyn ay ininum parin niya ito. "Ngayon para sa huling hakbang mamayang alas dose ng gabi kailangan mong pumatay ng isang lalaki , iinumin mo ang kanyang dugo at kainin ang kanyang laman" dagdag ng matanda.
Labis na nagulat si Evelyn sa sinabi ng matanda nais pa sana niyang magtanong ngunit ng lingunin niya ito ay tuluyan na itong naglaho.
Gulong gulo ang isip na naglakad si Evelyn pauwi sakanyang bahay , hindi niya alam kung kaya ba niyang gawin ang sinabi ng matanda. Naguguluhan na siya sa desisyong napili niya ngunit bigla niyang naalala ang sinabi ng matanda sakanya "
Sa oras na tanggapin mo ang kapalarang ito wala ng paraan upang mabawi pa ito." At napagtanto ni Evelyn na kailangan niyang sundin ang tinuran sa kanya ng matandang babae.Pagsapit ng alas dose ng gabi gaya ng sinabi ng matanda ay umalis si Evelyn at nagtungo sa isang madilim na pasilyo at dito tahimik na nagmasid sa taong maari niyang biktimahin.
"Isang beses lamang ito kaya kailangan ko itong gawin ng tama para sa ninanais kong buhay" sabi ni Evelyn sa kanyang sarili.
Mawawalan na sana siya ng pag asa nang marinig niya ang isang lalaking papunta sa lugar na kanyang pinagtataguan. Halatang lasing ito dahil susuray suray ito sa paglalakad kaya't ng makalapit ito sa kanya ay hindi na siya nagdalawang isip na magpakita."Aba kahit pala sa ganitong lugar ay makakatagpo ako ng isang magandang dalaga" wika ng lasing na lalaki.
"Nais mo bang samahan kita sa iyong pupuntahan?" Nang aakit na tanong ni Evelyn.
"Kung nais mo akong samahan , sino ba naman ako para tanggihan ang isang napakagandang binibini" sabi pa ng lalaki.
Marahang napangiti si Evelyn dahil hindi man lang siya nahirapan sa kanyang plano. Nang makarating sila sa pinakamadilim na parte ng lugar na iyon ay kaagad inilabas ni Evelyn ang dalang kutsilyo.Hindi na niya hinintay na mapansin pa siya ng lalaki kaagad niya itong sinaksak at ginilitan sa leeg upang hindi na makalaban pa.
Sakabila ng takot ay sinimulang higupin ni Evelyn ang umaagos na dugo ng lalaki.Labis na nagtaka si Evelyn ng mga oras na iyon dahil sa kabila ng takot ay wala na siyang nararamdaman pang kakaiba. Hindi man lamang siya nakaramdam ng pandidiri bagkus ay labis niyang nagustuhan ang lasa ng dugong kanyang nalalasahan. Gaya ng sinabi ng matanda ay hinigop ni Evelyn ang dugo ng lalaki at kinain ang laman nito. Pagkatapos ay kaagad ng umalis roon , naiwan lamang rito ang gutay gutay na katawan ng lalaki.
Nakarating siya sa isang ilog at roon hinugasan ang kanyang katawan upang mawala ang dugo na kumalat sa kanya. Pagkatapos nito ay kaagad na siyang umuwi.
Pag uwi niya ay laking gulat niya ng nasa loob ng kanilang bahay ang matandang babae."P..paano kang nakapasok rito?" tanong ni Evelyn.
"Wala na iyong halaga , ngayong nagawa mo na ang huling hakbang ganap ng mapapasaiyo ang ninanais mong walang hanggang kabataan , ngunit sa tuwing ikalawang huwebes ng buwan ay kailangan mong uminom.ng dugo ng tao at kumain ng laman upang mapanatili ang iyong buhay at kabataan" wika ng matanda at kaagad na itong naglaho.
"Teka !!!! Hindi!!! Hindi pwede ang nais mo!!!! Nasaan ka lumabas ka !!!! Hindi mo sinabi sa akin na ito ang kapalit ng lahat!!!" Sigaw ni Evelyn ngunit hindi na muling nagpakita pa sakanya ang matanda .
Mula ng araw na iyon ay sinimulan na lamang ni Evelyn na sulitin ang bago niyang buhay. Dahil sa naging kapalit ng kanyang kahilingan ay mas naging iwas sa mga tao si Evelyn.
Mabilis na lumipas ang panibagong 40 taon ay nagpatuloy si Evelyn na mabuhay sa edad na 65 taong gulang ay mukha parin siyang 25 taong gulang. Upang mapanatili ang kanyang katauhan ay sinunod niya ang sinabi sa kanya ng matanda.
Kinailangan niyang magpalipat lipat ng tirahan tuwing ika 5 taon upang walang makakilala sa kanya.
Walang ibang ginawa si Evelyn kundi ang mamasyal sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan at magpakasaya sa buhay na kanyang tinatamasa.--
Purita ✨
BINABASA MO ANG
The Secret of Evelyn Grace
Mystery / Thriller"Tandaan mo walang taong malinis. Lahat tayo ay may itinatagong baho at ang bahong iyon balang araw ay mangangamoy" Evelyn said to Nathaniel. **** Matagal nang namumuhay si Evelyn ng mag-isa. Wala na itong mga magulang ngunit hindi ito naging dahila...