Part 5

4 2 0
                                    

Part 5

Evelyn's Pov

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin ngayon. Sa loob ng maraming taon hindi ako kahit kailan nakaramdam ng sakit o nagkaroon ng sakit man lang , kaya't sobrang nakakapanibago ito ngayon.
Bakit ngayon ay biglaan ang kirot ng aking dibdib ? Pinilit kong tiisin ang sakit ngunit hindi ito nawawala. "Siguro ay kailangan ko ng makainom ng dugo" wika ko sa aking sarili.

Matapos kong masiguradong wala na si Nathaniel sa labas ay pinilit kong makalakad at makaalis roon upang humanap ng maaaring maging biktima.
Kaagad akong nagtungo sa madalim na parte ng simbahan at roon naghintay ng pagkakataon.

Makalipas ang ilang minuto ay may mangilan ngilan ng tao sa lugar , ng sa wakas ay makita ko ang isang lalaking mag isang naglalakad. Lumabas ako sa aking pinagtataguan at sinadya siyang bungguin.

"Ow sh*t I'm sorry hindi kita kaagad na napansin" wika niya.

"A....ayos lang ako" sabi ko at nagkunwaring nanghihina.

"Ayos ka lang ba talaga ? May masakit ba sayo ? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital ?" Sunud sunod na tanong niya sa akin.

"H....hindi na , a...ayos lang talaga ako" wika ko saka marahang ngumiti. Alam ko sa pagkakataong ito hindi na siya lalayo sa akin.

"Nais mo bang samahan na kita kung saan ka pupunta ? Hindi ko naman magagawang hayaan ang isang magandang dilag na kagaya mo na maglakad lamang rito ng mag isa." Sabi nito na nagpangiti sa akin. Laking pasasalamat ko dahil gumana ang plano ko .

Nagsimula kaming maglakad at idinaan ko siya sa madilim na parte ng kalsada.
"Napakadelikado ng daang ito , bakit dito ka dumaraan ?" tanong niya sa akin.

"Ito kasi ang pinakamalapit na daan pauwi , sanay na rin naman akong dumaan rito kaya kabisado ko na ito" pagsisinungaling ko.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakakita ako ng isang abandonadong bahay , nang makalapit kami roon ay nagkunwari akong nahihilo. Kaagad na nataranta ang lalaking kasama ko at sinamantala ko iyon upang makuha ang kutsilyong nakatago sa aking pantalon , pagkatapos ay kaagad ko siyang sinaksak sa leeg.

Hinila ko ang katawan niya papunta sa loob ng abandonadong bahay at doon ko sinimulang sipsipin ang kanyang dugo. Napakasarap sa pakiramdam habang patuloy ako sa pag inom ng kanyang dugo.
Pakiramdam ko ay lumalakas akong muli.

Makalipas ang ilang minuto ay nagawa ko na ang sapat kong gawin kaya't umalis na ako at nagmamadaling makauwi. Ayokong may makakita sa akin sa lugar na iyon.
Mabilis naman akong nakarating sa bahay at kaagad na naligo , nakapagpahinga na rin ako pagkatapos.

Kinabukasan nagising ako ng may kumatok sa aking pinto , pagbukas ko nito ay bumungad sa akin si Nathaniel at kaagad na bumati. "Magandang umaga Evelyn , kamusta na ang pakiramdam mo ?" Wika niya.

"Maayos na , pasensiya kana sa nangyari kahapon marahil ay dahil sa pagod kaya bigla akong nakaramdam ng ganoon." Pagsisinungaling ko.

"Mabuti naman at okay kana. Heto nga pala para sayo , niluto ko yan para sa almusal masyadong marami kaya naisip na rin kitang bigyan." wika nito.

"Hi girl" maarteng wika naman ng kasintahan ni Nathaniel.

"S..si Brenda nga pala Girlfriend ko" pakilala niya rito. "Babe her name is Evelyn" wika naman niya ng harapin ito.

"Hi Evelyn , can we come inside ?" maarte na namang sabi nito.

"Pasensiya na hindi pa kasi ako nakakapag...." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla ng pumasok sa loob si Brenda.

"I'm sorry for her" nakangiting wika nalang ni Nathaniel.

"Okay lang sige , pumasok kana rin" sabi ko na lamang dahil wala na akong magagawa , nasa loob na rin naman si Brenda.

"You did a great job in here huh , imagine magmumukha pa palang bahay to" sabi ni Brenda.

"Babe!" mariing wika ni Nathaniel.

"What ? Pinupuri ko nga siya diba?" Sabi ni Brenda at tumingin sa akin. Ngumiti na lamang ako bilang sagot.

Naging iritado ako sa presensiya ni Brenda dahil masyado siyang nakikialam sa mga gamit ko , kaagad namang napansin iyon ni Nathaniel kaya't nilapitan niya si Brenda at pinahinto.

"Babe hindi magandang ugali ang makialam ng gamit ng may gamit"sabi pa ni Nathaniel rito.

"Tinitignan ko lang naman" wika naman ni Brenda.
Hindi na nagsalita si Nathaniel marahan na lamang niya itong hinila palapit sa pinto ng biglang may mapansin si Brenda. "Is that blood ?"tanong niya.

Kinabahan ako ng makita ang bagay na tinutukoy ni Brenda , iyon ang damit na suot ko kagabi. Hindi ko na nga pala nagawang iligpit iyon kagabi dahil sa sobrang pagod.

"That's blood right ?" pag uulit ni Brenda.

"Hindi iyon dugo" wika ko. "Nagluto kasi ako kagabi , natapunan ako ng sauce kaya ayan" dagdag ko at ngumiti.

"Brenda masyado kang nagiging over acting." Sabi pa ni Nathaniel kay Brenda.

"Well it looks like blood , ano bang masama eh sa akala ko dugo" mataray ma wika pa nito.

"Sige Evelyn mabuti pa aalis na kami , pasensiya na sa abala" paalam ni Nathaniel.

Paglabas nila ay kaagad ko namang isinara ang pinto at dali daling inilublob sa tubig ang damit na nakita ni Brenda.
Kung nagkataon na nilapitan niya ito at tinignang mabuti malalaman nilang dugo nga ito , ano na lamang ang magiging dahilan ko sa oras na iyon.

Mula noon ay naging mas maingat na ako sa aking mga ikinikilos , hindi ko hinahayaang may iba pang makapasok sa loob ng tinitirhan ko.

****
Nathaniel's Pov

Ilang araw na rin ang nakakalipas mula ng huling mag usap kami ni Evelyn , mula ng araw na hatiran ko siya ng almusal ay naging madalang na rin ang paglabas niya sa kanyang kwarto.
Wala naman akong maisip na dahilan kung bakit ganoon na lamang ang ikinikilos niya hanggang sa isang araw ay nakita ko siyang binuksan ang bintana ng kanyang kwarto. Kaagad akong lumapit at binati siya.

"Hi Evelyn , long time no see ah. Nasa iisang bahay lang tayo pero ang dalang kitang makita. Hindi ka yata masyadong lumalabas ?" sabi ko sakanya.

Ngumiti lamang siya at sinabing. "Wala naman akong gagawin sa labas kaya mas gusto kong magstay lang muna rito , isa pa wala rin naman akong pupuntahan".

Napaisip ako sa sinabi niya at nagkaroon ako ng ideya. "Gusto mo bang sumama sakin ?"tanong ko.

"Saan ?" Maiksing tanong niya pabalik.

"May bahay bakasyunan kami sa kabilang bayan maganda roon , presko at siguradong magugustuhan mo roon. Kung gusto mo lang naman sana."paliwanag ko sakanya.
Ilang segundong naging tahimik si Evelyn kaya't muli akong nagsalita. "Kung gusto mo pag isipan mo muna , sabihan mo lang ako kapag okay sayo. Anytime pwede kitang isama roon"dagdag ko.

"Sige pag iisipan ko salamat" wika niya at kaagad nang lumayo sa may bintana. Hindi na ako nag abala na muli pa siyang kausapin dahil baka maabala ko pa ito.
Matiyaga na lamang akong naghintay sa magiging desisyon niya. Ewan ko ba kung bakit ayokong hinahayaan siyang mag isa , pakiramdam ko kase kailangan niya ng makakasama.

---
Continue....

Purita ✨

The Secret of Evelyn GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon