Chapter 4
Nathaniel was driving for almost half an hour when he finally stops near the beach.
"This is what I'm telling you" Nathaniel said with excitement.
"Ang ganda rito" tanging nasabi ko dahil sa labis na pagkamangha sa lugar na ito. I've seen a lot of beautiful places pero tila bago sa aking paningin ang ganda ng lugar na ito. "Napakasarap pagmasdan ng dagat" dagdag ko pa.
"Halika pumunta tayo roon" sabi ni Nathaniel saka inilahad ang kanyang palad na tila ba nanghihikayat. Nagdadalawang isip man ay iniabot ko rin sa kanya ang aking kamay.
Nagulat pa ako ng mahila ako ni Nathaniel ng magsimula itong tumakbo palapit sa dagat."You really like this place huh?" wika ko.
"Yup , ito yung lugar na madalas kong puntahan sa tuwing may problema ako" nakangiting sabi ni Nathaniel habang pinagmamasdan ang dagat.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang mukha ng mga oras na iyon , tila ba may kung anong nagsasabi sa akin na patuloy lamang siyang pagmasdan.
Nagulat pa ako ng bigla siyang humarap sa akin. "Is there something wrong ?" nagtatakang tanong niya."Ahmmm... W...wala I was just loving the view in here" nauutal na sagot ko.
"I see , masaya naman ako kase nagustuhan mo rin rito. Maybe this place would be one of the reason for you to stay here for a long time." nakangiti niyang sabi.
"Yes maybe" matipid na wika ko at muling pinagmasdan ang dagat.
Patuloy kami sa pag uusap ni Nathaniel sa kung ano anong mga bagay kaya't hindi na namin napansin ang oras.****
Nathaniel's Pov"We really have a great time , palubog na agad ang araw" wika ko ng mapansin ang oras.
"Oo nga pasensiya kana halos buong araw tuloy ako ang kasama mo" nakangiting sabi ni Evelyn.
"It's fine kahit isang taon pa kitang makasama basta nakikita kitang nakangiti ayos lang" sabi ng isip ko na nagpangiti rin sa akin. "Okay lang wala rin naman sana akong gagawin ngayon , buti nalang nakasama ako sa pagpasyal mo" wika ko ng makaramdam ng hiya dahil sa naisip ko.
After a few minutes naglakad na kami pabalik ng kotse at nagdesisyon ng umuwi. Habang nasa biyahe hindi ko mapigilang sulyap sulyapan ang napakagandang mukha ni Evelyn.
Siya yung babaeng hindi nakakasawang pagmasdan , natural ang kanyang ganda at sa tuwing ngingiti siya parang may isang libong paru paro sa aking tiyan na nagdadala ng kiliti. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito na lamang ang pakiramdam ko sa isang babaeng ngayon ko lamang nakilala at nakasama.
"Nathaniel ! Nathaniel ? I think we need to go a little bit faster kase busina na ng busina yung kotse sa likuran natin" nahihiyang sabi ni Evelyn.
"Ow... Ahm...." Napansin ko agad na napkabagal na pala ng andar namin dahil sa labis kong pag iisip sa kanya. "I'm sorry , may iniisip lang kasi ako pasensiya kana" pagsisinungaling ko.
"Okay lang , pero yung driver sa likuran natin mukhang hindi okay" sabi niya kasunod ng kanyang pagtawa.
Tila ba nakaramdam ako ng napakalakas na kuryente ng marinig ko ang tawa ni Evelyn. Para itong musika sa aking tenga na napakasarap pakinggan. Napansin niyang natagalan ang pagtingin ko sakanya kaya huminto siya sa pagtawa. "I'm sorry" sabi niya sa pag aakalang na offend ako sa pagtawa niya."Okay lang , nagulat lang ako kase I never heard a laugh na kasing ganda ng tawa mo" sabi ko ng hindi ko na napigilan ang nais kong sabihin. "Oh my God ! Ano ba tong mga kinikilis at sinasabi ko nakakahiya" wika ko sa sarili ko.
"Salamat"malambing na sabi naman ni Evelyn.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay , tinulungan ko si Evelyn na dalhin sa loob ng kanyang kwarto ang lahat ng mga pinamili niya. Sa hindi inaasahan ay nasira ang isang plastik ng mansanas kaya nahulog ang mga ito sa sahig.
Kaagad ko yung pinulot isa isa dahil sa pagmamadali ay hindi ko napansing pupulutin na pala ni Evelyn ang isang pirasong natitirang mansanas sa sahig , kaya ng akmang pupulutin ko ito ay hindi sinasadyang magkauntugan ang aming ulo.
Hihingi sana ako ng pasensiya ngunit maayado palang magkalapit ang aming mga ulo kaya't ng humarap ako sakanya ay labis na naging magkalapit ang aming mga mukha.Labis na bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung lalayo ba kaagad ako o mananatili lamang sa posisyong iyon , laking pasasalamat ko nalang ng si Evelyn na mismo ang kusang lumayo.
"Naku ah pasensiya kana hindi kasi kita napansin" sabi ko.
"Okay lang hindi naman masakit" nakangiti niyang sabi. Iniabot ko na isa isa sa kanya ang mga nahulog na prutas ng biglang napaluhod si Evelyn at bakas sa kanyang mukha ang matinding sakit habang nakahawak siya sa kanyang dibdib.
"Evelyn ? Evelyn are you okay?" Nag aalalang sabi ko at inalalayan siyang makatayo. Kaagad ko siyang pinaupo sa upuan na nasa loob ng kanyang kwarto. "Tubig ? Gusto mo ba ng tubig?" tanong ko.
"Okay lang ako salamat sa tulong mo pwede ka ng umalis" tanging naging sagot niya ngunit hindi ko siya nais iwan dahil bakas parin sa kanyang mukha ang sakit.
"I just want to make sure your okay" seryosong sabi ko ngunit mas naging seryoso ang kanyang mukha at walang emosyon niyang sinabing "umalis kana kailangan ko munang magpahinga , salamat sa pag aalala pero makakaalis kana" mariing wika niya.
Ramdam kong hindi niya nais na naroon ako kaya't sinunod ko na lamang ang sinbi niya. Marahil ay hindi siya komportable sa akin dahil kung iisiping mabuti ay hindi niya naman ako lubusang kilala at ganoon rin ako sakanya. Ngunit hindi maalis sa akin ang pag aalala para sakanya.
"May sakit kaya siya ? Baka dahil sa pagod kaya sumakit ang dibdib niya ? Hindi kaya dahil sa pagtakbo namin kanina ? Kasalanan ko to eh" wika ko sa aking sarili.
Ilang minuto akong nanatili sa labas ng pinto ng aking kwarto sa pagsisiguradong hindi na kailangan ni Evelyn ng tulong. Makalipas pa ang ilang sandali ay nakita kong paparating si Brenda.
"Babe , sabi ko na nga ba narito ka lang " masaya niyang salubong sa akin , paglapit niya ay kaagad niya akong hinalikan at kaagad na nagtanong. "Anong ginagawa mo rito sa labas , bakit naka lock ang pinto mo ?" Sabi niya.
"May naging problema kasi kanina but I think okay na ngayon" sagot ko ng hindi man lang naaalis ang paningin ko sa pinto ng kwarto ni Evelyn.
"Kung ganoon halika na , I have something for you. Favorite mo ito tinulungan ako ng ni Ate Vian (fiance ni Alex) na lutuin ito" Brenda said.
Hindi na ako sumagot at kaagad nalang binuksan ang pinto ng aking kwarto at pinapasok na si Brenda. "Babe come here na"tawag niya pa ulit sa akin.
Pumasok na ako ng hindi ko na talagang nakitang lumabas si Evelyn.Pagpasok ko ay kaagad akong naupo.
"Why are you looking sa kwarto nung bagong tenant mo ?"tanong ni Brenda."She just got an emergency bago ka dumating , sinisigurado ko lang na okay siya and she doesn't need help anymore" pagsasabi ko ng totoo.
"You are so matulungin talaga"maarteng wika pa ni Brenda habang inihahanda ang dala niyang pagkain. Hindi naman mawala sa isip ko ang pag aalala para kay Evelyn , hindi ko na lamang ito ipinahalata kay Brenda.
----
Continue....Purita ✨
BINABASA MO ANG
The Secret of Evelyn Grace
Mystery / Thriller"Tandaan mo walang taong malinis. Lahat tayo ay may itinatagong baho at ang bahong iyon balang araw ay mangangamoy" Evelyn said to Nathaniel. **** Matagal nang namumuhay si Evelyn ng mag-isa. Wala na itong mga magulang ngunit hindi ito naging dahila...