Chapter 2
(Taong 2021)
Miyerkules ng hapon nasa isang bar si Evelyn ng lapitan siya ng isang lalaki.
"Hi beautiful , I'm Vince and you are ?" Nakangiting wika sa kanya ng lalaki.
Hindi sana papansinin ni Evelyn ang lalaki ng bigla niyang maalala na swerte na rin siya at may lumapit na sa kanyang bago niyang biktima.Sa tagal na panahon ng namumuhay ni Evelyn sa ganitong paraan ay nasanay na rin sa pambibiktima ng mga kalalakihan. Hindi rin naman siya nahihirapan dahil sa taglay niyang ganda ay kusa siyang nilalapitan ng mga lalaki.
"Hi I'm Evelyn" malambing na sagot naman niya.
"Wala ka bang kasama ?"tanong muli ng lalaki.
"Wala kaya kung gusto mo akong samahan , feel free" nang aakit na sagot ni Evelyn.
"Hmm... I like that , I think I won't go home for tonight I'll just stay here with you" wika naman ni Vince.
Isang nang aakit na ngiti lamang ang isinukli ni Evelyn kay Vince. Habang patuloy sila sa pag inom ay pinag iisipan niya kung anong gagawin niya kay Vince gayong araw pa lamang ng miyerkules.
Hanggang sa makaisip ng paraan si Evelyn.
"Ahm.. I think I have to go may pupuntahan pa kasi ako" wika niya kay Vince."Paano ako iiwan mo ako rito ?" nagkunwaring malungkot ang lalaki.
"I have an idea , here tomorrow night puntahan mo ako sa address na yan then let's have fun." Sabi ni Evelyn na alam na kung paano paikutin ang mga lalaki sa kanyang mga salita.
"That's a great idea , I'll be there" sagot ni Vince sakanya.
Nakangiti namang umuwi si Evelyn dahil sa wakas ay maaari na ulit siyang magpahinga lamang sa bahay , hindi na niya kailangang mag isip pa para sa bibiktimahin niya kinabukasan.
Kinabukasan maagang nagising si Evelyn at nag ayos kailangan na niyang ihanda ang kanyang mga gamit dahil pagkatapos ng kanyang biktima ngayong gabi ay lilipat na siya ng lugar na titirhan.
Alas 9 ng gabi ng dumating si Vince sa kanyang tinutuluyan."Ang dami mong dala saan ka pupunta ? I thought were having fun tonight ?" Tanong ni Vince.
"Oo naman so ano pang hinihintay mo tulungan mo na ako sa dala ko isakay na natin to sa kotse mo." Sabi ni Evelyn na agad namang sinunod ng lalaki.
Kaagad nilang tinahak ang daan palayo sa lugar na iyon. Hanggang sa makalipas ang ilang oras ay muling nagtanong ang lalaki.
"We've been driving for almost 2 hours saan ba tayo pupunta ?" tanong nito.
"Bakit hindi kana ba makapaghintay ?"tanong naman ni Evelyn.
Napangiti naman si Vince at marahang tumango.Pagsapit ng alas dose ay ipinahinto ni Evelyn ang kotse sa isang madilim na gilid ng kalsada.
"Bakit tayo dito huminto ?" muling tanong ni Vince.
"Sabi mo hindi kana makapaghintay , so then here. Ayaw mo ba ?" wika ni Evelyn na nagpainit naman sa lalaki.
Akmang hahalikan na sana siya ni Vince ng ilabas ni Evelyn ang kutsilyong inihanda niya na kanina pa at kaagad na sinugatan ang leeg ni Vince.
Sinubukan pang lumaban ni Vince ngunit unti unti na itong nawalan ng lakas hanggang sa mawalan ng buhay.Sinamantala naman iyon ni Evelyn upang gawin ang kailangan niyang gawin. Pagkatapos ay kaagad na siyang umalis rito.
Kaagad na naghanap si Evelyn ng maaari niyang sakyan at kaagad ng lumayo sa lugar na iyon.
****
Nathaniel Pov"Babe maybe we need to sell this place" pangungumbinsi na naman sa akin ni Brenda.
"Babe hindi ko to basta basta pwedeng ibenta. My parents let me manage this , dito na nga rin ako nakatira kaya bakit ko to ibebenta" ulit ko na naman sa kanya sa pang ilang beses na pagsasabi niya sa akin na ibenta na ang paupahang ibinigay sa akin ng aking mga magulang.
"But babe kita mo naman oh umalis na naman yung bagong nangungupa , this place is so old na kasi" reklamo parin ni Brenda.
"Babe please" iritadong sabi ko , nagpasalamat naman ako ng sa wakas ay tumahimik naman si Brenda.
Kung hindi lang talaga ako naipit sa kaibigan kong si Alex (kuya ni Brenda) hindi sana ako napaparusahan ng ganito sa pagtitiis sa ugali ni Brenda.
Natigilan sa pagrereklamo si Brenda ng may isang babaeng lumapit sa amin."Magandang araw po, nakita ko yung signage sa labas. May bakante parin po ba kayong paupahan ?"magalang na tanong ng napakagandang dilag na nasa harapan ko.
"Yes. And your so lucky kase kakaalis lang nung isang nangungupahan diyan sa room na yan. So check it if you like it's yours" maarteng wika naman ni Brenda.
"Brenda please , let me just assist her then we can go. Wait me at the car" seryosong sabi ko kay Brenda.
"Okay fine just be quick " masungit na sabi pa nito.
"I'm sorry for that , let me show you the room" pagbawi ko sa babae.
Kaagad kong ipinakita sakanya ang bakanteng kwarto na naroon."I like it , by the way I'm Evelyn" pakilala niya sa akin.
"I'm Nathaniel, nice to meet you so paano maiwan na kita naghihintay kasi ang Girlfriend ko. I'll just come back later for the bills"paalam ko. Ngumiti naman siya bilang sagot.
Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba sa kanyang ngiti na labis na nagpakabog ng aking dibdib. Natauhan na lamang ako ng marinig ko ang boses ni Brenda.
"Babe let's go" sigaw niya.
Kaagad akong sumakay ng kotse at sinabihan siyang "Babe hindi mo kailangang sumigaw lalo na kapag nasa labas tayo" seryosong sabi ko.
"Whatever! Kanina pa kase ako nandito. Masyado ka kaseng magalang basta babae eh. But that's the reason why I love you" maarte muli niyang sabi.
Hindi na lamang ako sumagot , kaagad na lamang akong nagsimulang magmaneho. Gaya ng dati ay walang ginawa si Brenda habang nasa biyahe kami kundi ang magkwento ng mga kaartehan niya sa buhay.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating rin kami sa bahay nila Alex."Oh tol kamusta ? Mukhang stress ka ah"bungad sa akin ni Alex.
"As usual tol sino ba namang hindi ma stress diyan" wika ko sabay turo kay Brenda.
"Kaya mo yan tol hahaha"biro pa niya
Ngumiti nalang ako at dumiretso sa loob ng bahay at hindi na nag abalang antayin pa si Brenda dahil alam kong mag uusap pa sila ng kuya niya.
Every Friday nagpupunta kami sa bahay nila Alex para bumisita dahil ito lamang ang day off ni Alex bilang isang pulis. Kahit paano ay nakakapag bonding parin kaming magkakaibigan sa kabila ng kanya kanya naming buhay.
---
Purita ✨
BINABASA MO ANG
The Secret of Evelyn Grace
Mystery / Thriller"Tandaan mo walang taong malinis. Lahat tayo ay may itinatagong baho at ang bahong iyon balang araw ay mangangamoy" Evelyn said to Nathaniel. **** Matagal nang namumuhay si Evelyn ng mag-isa. Wala na itong mga magulang ngunit hindi ito naging dahila...