Part 7
Sa unang pagkakataon naranasan kong makipagtawanan at makipagbiruan. Salamat kay Nathaniel at nararanasan ko itong lahat.
"Alam mo masaya kang kasama." Nakangiti pang wika ni Nathaniel.
"Talaga ba ?" tanong ko.
"Oo naman , huhulaan ko wala pang nagsasabi niyan sayo" wika niya.
"Paano mong nalaman ?" Tanong ko ulit sakanya.
"Napansin ko kasi sayo mahilig kang mag isa at medyo iwas ka sa mga tao. Kaya naisip ko baka wala ka pang naging kaibigan ng pangmatagalan." sagot niya. "I don't want to offend you but I want you to know na ready akong maging kaibigan mo kung kailangan mo." Seryosong sabi niya.
"Thank you Nathaniel pero alam mo tama ka , iwas talaga ako sa mga tao kaya wala akong naging kaibigan kahit kailan. And yes I need one so I consider you" nakangiting sabi ko.
Gusto ko ring maranasan makihalibilo sa ibang tao kaya't kung ang pakikipagkaibigan ang daan roon , tatanggapin kong unang kaibigan si Nathaniel.
Alam kong walang sinuman ang maaaring makaalam ng itinatago kong lihim kaya't mas magiging maingat ako ngayon pero hindi ko na hahayaan na maging mag isa ako."Alam mo sa haba ng panahon na nasanay akong mag isa ngayon ko lang narealize na ang sarap pala sa pakiramdam ng may kasama ka. Yung may malalapitan ka at makakausap."wika ko habang nakatingin sa malayo.
"Huwag kang mag alala ipapakilala kita kay Alex at s iba pa para mas marami kang makilalang iba't ibang tao." Sabi ni Nathaniel. Kukuha pa sana ako ng wine ng makita ko siyang nakatingin sa akin.
Marahan akong ngumiti sa kanya at dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng isang kakaibang bagay sa katawan ko kaya't kaagad kong inalis ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak."I... I'm sorry , h...hindi ko sinasadya" wika niya na halata ang pagkabigla sa kanyang tinig.
"Ayos lang. N....nabigla lang ako. Ahmm... Mabuti pa siguro babalik nako sa kwarto para magpahinga." sabi ko at kaagad na tumayo at naglakad palayo.
Minsan ko pang tinapunan ng tingin si Nathaniel at nabakas ko s kanyang mukha ng lungkot.
"I'm sorry Nathaniel , I don't want to offend you. I'm sorry. " sabi ko sa aking sarili.Pagdating ko sa kwarto ay kaagad kong isinara ang pinto. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib na hindi ko mawari kung ano , para bang ang sakit sa dibdib na makitang malungkot si Nathaniel ng dahil sa akin. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman kaya't mas pinili ko na lamang na magpahinga kaysa mag isip pa ng kung ano ano.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay tuluyan na rin akong nakatulog.
***
Nathaniel's PovHindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko at nagawa kong hawakan ang kamay ni Evelyn. Marahil ay nagalit siya sa ginawa ko , hindi ko alam kung paano siyang haharapin bukas ng dahil sa ginawa ko.
"Bakit ba kasi nagiging padalos dalos ka Nathaniel !!!" naiinis na sabi ko sa aking sarili.
Hindi ko napansin na nakaidlip na pala ako sa labis na pag iisip , napabalikwas na lamang ako ng bangon ng marinig ko ang sigaw ni Evelyn sa taas.Mabilis akong tumakbo papunta sa silid na kinaroroonan ni Evelyn. Nakita ko siyang nakahiga sa kama at patuloy sa pagsigaw doon ko napagtanto na binabangungot siya kaya kaagad ko siyang ginising.
"Evelyn wake up !! Evelyn !!" wika ko at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Bahagya ko siyang niyugyog at roon ay nagmulat siya. Umiiyak siyang bigla na lamang yumakap sa akin at tila ba takot na takot.
"Evelyn tahan na , panaginip lang iyon." Muling wika ko."Ayokong mag isa , please ayokong na ulit maging mag isa. Ayoko na , ayoko na nito. Kung alam kong magiging ganito hindi ko na sana hinangad pa ng bagay na ito." wika ni Evelyn na patuloy sa pag iyak.
Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya pero sinubukan ko na lamang na pakalmahin siya. Inisip ko na dala lamang ng kung anong trauma ang nangyayari sa kanya."Evelyn please kumalma kana. Nandito lang ako , come on Evelyn." wika ko at pilit siyang hiniharap sa akin. "Listen to me , nandito lang ako hindi kita iiwan , hindi ka mag isa nandito lang ako" wika ko saka unti unting kumalma ito sa pag iyak.
Marahan kong pinunasan ang kanyang luha at hinintay siyang muling magsalita. "Mabuti pa hintayin mo ako rito ikukuha kita ng tubig." wika ko , tatayo na sana ako upang ikuha siya ng tubig ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at pigilan akong umalis.
"Please stay , huwag mo akong iwan gaya ng sinabi mo. Please dito ka lang sa tabi ko." Sabi niya na mababakas parin sa kanyang mukha ang takot.
Bumalik na lamang ako sa pagkakaupo sa tabi niya at hinintay na maging mas maayos ang pakiramdam niya."I'm sorry for what happened" sabi ni Evelyn ng tuluyan na itong kumalma."I just have a really bad dream" dagdag pa niya.
"It's okay ang mahalaga okay kana. Medyo tinakot mo nga lang ako."wika ko. "Madalas ba yang nangyayari sayo ?"dagdag ko.
"Minsan lang pero ngayon lang naging ganito kalala" sagot niya.
"Maybe you need more rest , subukan mong matulog ulit. Nasa kabilang kwarto lang ako." I suggest.
"No !! Please stay here. Dito ka lang , m...malaki naman tong kama you can sleep here" inosenteng sabi niya.
I don't think Evelyn know how much beautiful she were kaya hindi niya alam kung paanong ingatan ang sarili niya. Alam kong may tiwala siya sa akin kaya hindi ko iyon hahayaang masira.Marahan akong nahiga sa tabi niya at pinagmasdan siya habang sinusubukan niyang muling matulog.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mapulang labi ni Evelyn na para bang hinihikayat akong hagkan ito. Mabilis kong ipinikit ang aking mata upang mabura sa aking isip ang isiping iyon.
Nang tuluyang makatulog si Evelyn ay pinilit ko na ring matulog.Kinabukasan ay maga akong nagising upang makapaghanda ng pagkain para sa aming dalawa. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay nagkaroon ako ng ideya kung saan ko maaaring dalhin si Evelyn na tiyak kong magugustuhan niya at masisiyahan siya , upang kahit ano pang gumugulo sa isip niya ay mabura na.
---
Continue...Purita ✨
BINABASA MO ANG
The Secret of Evelyn Grace
Mystery / Thriller"Tandaan mo walang taong malinis. Lahat tayo ay may itinatagong baho at ang bahong iyon balang araw ay mangangamoy" Evelyn said to Nathaniel. **** Matagal nang namumuhay si Evelyn ng mag-isa. Wala na itong mga magulang ngunit hindi ito naging dahila...