Part 6
Dalawang araw na mula ng yayain ko si Evelyn sa aming bahay bakasyunan ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin ulit siya nakikita.
I feel a little bit worried kase baka may sakit siya kaya she stays inside the house for a long time.
Wala naman akong magawa kundi ang makiramdam lang.Hanggang sa pagsapit ng tanghali , I was cleaning the car when she finally come near me and ask. "Tuloy parin ba yung pag aaya mo sa aking mamasyal sa bahay bakasyunan ninyo ?" .
I smiled and answered her. "Oo naman , ikaw na nga lang ang hinihintay ko". Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Sasama ako , kailan ba tayo aalis ?" seryosong tanong niya.
"Mamayang hapon ?" Patanong na sabi ko.
Marahan siyang tumango at sinabing. "I'll get ready then."Labis namang napuno ng excitement ang puso ko dahil sa pag uusap naming iyon ni Evelyn. I don't understand pero mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya , sa oras na hindi ko siya makita sobra akong nag aalala para sakanya sa hindi ko malamang dahilan.
****
Evelyn's Pov
Tahimik at maayos naman ang pananatili sa bagong lugar na kinaroroonan ko pero para bang inip na inip ako na nasa loob lamang ng bahay.
Sa loob ng maraming taon madalas akong nasa loob lamang ng mga bahay na tinitirhan ko ngunit kaiba ang pakiramdam na ito ngayon. Sa sobrang pag iisip ay hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan si Nathaniel at tanungin tungkol sa pag aaya niya sa aking pamamasyal.Nakaramdam ako ng labis na saya ng sabihin niyang maaari kaming umalis ng hapon ng araw ring iyon.
Kaagad akong bumalik sa aking kwarto at naghanda ng mga dadalhin ko ngunit labis akong natagalan sa pagpili ng susuotin ko."Ano ba itong nangyayari sa akin dati rati ay di ako nahihirapang pumili ng susuotin ko pero bakit ngayon parang gusto kong magsuot ng mas magandang damit na babagay sa akin." Nagtatakang wika ko sa aking sarili. Ilang oras rin akong nagtagal sa pagpili ng damit ng sa wakas ay mapili ko ang pulang bestida na labis na bumagay sa akin.
Pagkatapos kong magbihis ay kaagad kong tinungo ang kwarto ni Nathaniel upang ayain na siyang umalis ng mas maaga.
Pagbukas ni Nathaniel sa pinto ay mababakas sa kanyang mukha ang labis na pagkagulat."E.. Evelyn n...napaka ganda mo" nauutal niyang wika.
"Salamat"nakangiti kong sabi. "Pwede na ba tayong umalis ngayon ?" tanong ko.
"Eh...eh.. oo naman. Sige antayin mo na ako sa kotse may kukunin lang ako. Susunod agad ako" sagot niya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at nakangiti akong naghintay sakanya sa loob ng kotse. Makalipas lamang ang ilang minuto ay sumunod na rin siya."Let's go" nakangiting sabi niya , ngumiti naman ako pabalik.
Habang nasa biyahe kami ay naisip kong magtanong sa kanya tungkol sa kanila ni Brenda , para rin hindi kami parehong mainip sa biyahe.
"Matagal na ba kayong magkasintahan ni Brenda ?" Pagsisimula ko.
"Medyo , mag dadalawang taon na rin kasi kami." sagot niya. "Ikaw ba may boyfriend ka ba ?" Pabalik niyang tanong sa akin.
"Wala" wika ko kasabay ng pagngiti. "Actually never pa akong nagka Boyfriend as in." Dagdag ko pa.
"Seryoso ba yan ?"tanong ulit ni Nathaniel.
"Oo naman. Mukha ba akong nagbibiro ?" sagot ko.
"Hindi naman , ang hirap lang kasi paniwalaan na hindi ka pa nagkaka boyfriend. Ang ganda ganda mo kaya" sabi pa ni Nathaniel at ngumiti.
"Tingin mo talaga maganda ako ?" tanong ko ulit sakanya.
"Oo naman at sigurado ako imposibleng walang lalaking magkakagusto o magmamahal sayo." sagot naman niya.
"Magmamahal ?" ulit ko sa sinabi niya.
"Oo sigurado ako may isang taong magmamahal o mamahalin ka balang araw" dagdag pa niya."Kahit kailan hindi ko pa naramdaman ang mahalin at magmahal." Malungkot na sabi ko.
Nathaniel look at me and said. "Okay lang yan malay mo malapit mo ng makilala yung taong magmamahal sayo" pagpapagaan niya sa loob ko.Bigla akong natahimik at napaisip sa usapan naming iyon ni Nathaniel.
Mula ng naisin ko ang buhay na mayroon ako ngayon pakiramdam ko nawalan ako ng pagmamahal , pakiramdam ko hindi na ako marunong magmahal.
Siguro kabilang na sa tadhana ko ang mamuhay mag isa dahil wala ng sinuman ang magnanais ng ganitong klaseng buhay.Sino nga ba namang matinong tao ang magnanais mabuhay ng matagal na ang kapalit ay pagkuha sa buhay ng iba. "Marahil kapag nalaman ni Nathaniel ang sikreto ko lalayuan niya ako." sabi ko sa isip ko.
Tila bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang tinig ni Nathaniel.
"Evelyn nandito na tayo" masayang wika niya.
Nawala ang lahat ng isiping iyon sa akin ng makita ko ang napakaaliwalas na paligid na kinaroroonan namin.
"Napakalawak ng lugar na ito para itong isang mansiyon hindi bakasyunan" wika ko.
"Yan rin ang sabi sa akin ni Alex noon" sabi naman ni Nathaniel.
"Alex ?" tanong ko.
"Kaibigan ko si Alex kuya siya ni Brenda" paliwanag niya sa akin. "Mabuti pa pumasok na tayo sa loob na tayo magkwentuhan" dagdag pa niya.
Kaagad niyang kinuha ang mga gamit na dala namin , tutulungan ko sana siya sa pagbubuhat pero tumanggi siya dahil hindi raw hinahayaang magbuhat ang isang prinsesang tulad ko.
Nakangiti akong sumunod lamang sa kanya papasok ng bahay."Napakaganda nito at napakalaki" manghang sabi ko.
"Lola ko ang may ari ng bahay na ito. Naluma na ito dahil sa katandaan pero dahil kay Mama gumanda ulit ito" nakangiti niyang sabi.
"Nasaan pala ang mga magulang mo ?"tanong ko.
"Nasa ibang bansa sila. Nag stay sila sa England para sa business namin. Madalang lang rin silang umuwi rito." Sagot niya.
"Mayaman pala kayo pero bakit nagtitiis kang tumira dun sa paupahan mo ?" tanong ko ulit sa kanya habang naghahanda siya ng makakain namin.
"Gusto ko kasi pagbalik nila Mama maayos na ang paupahan na iyon , ipinagkatiwala kasi nila iyon sa akin." Sagot niya muli.
Labis akong namangha sa pagiging simpleng tao ni Nathaniel , kahit may kakayahan siyang mamuhay ng sagana mas pinipili parin niyang paghirapan ang isang bagay bago niya ito makuha.
Masaya kaming sabay na kumain at tuloy tuloy lamang sa pag uusap hanggang sa sumapit ang gabi. Balak naming mag stay roon ng ilang araw upang higit na masulit ang pagpunta namin roon.Alas otso ng gabi ay nagpunta na ako sa silid na ibinigay sa akin ni Nathaniel upang aking tulugan , ngunit makalipas ang ilang minuto ay sumunod siya sa akin.
"Matutulog kana ba ?" tanong niya.
"Hindi pa naman ako inaantok , bakit ?" wika ko.
"Halika sa sala muna tayo naghanda ako ng wine" sabi pa niya at sabay kaming bumaba papuntang sala.
Masaya kaming muling nag uusap habang pinagsasaluhan ang wine na inihanda niya.
Hindi naman mawala ang sayang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko siya.---
Continue....Purita ✨
BINABASA MO ANG
The Secret of Evelyn Grace
Mystery / Thriller"Tandaan mo walang taong malinis. Lahat tayo ay may itinatagong baho at ang bahong iyon balang araw ay mangangamoy" Evelyn said to Nathaniel. **** Matagal nang namumuhay si Evelyn ng mag-isa. Wala na itong mga magulang ngunit hindi ito naging dahila...