Chapter 3

3 2 0
                                    

Chapter 3

Pagkatapos ng mahabang kwentuhan at inuman ay nagpaalam na ako kina Alex , nagpaiwan naman si Brenda sa bahay ng kuya niya upang doon na magpalipas ng gabi.

"Take care babe , I know you'll gonna miss me but I have to stay here for tonight." Mahabang paalam ni Brenda.

"Brenda hindi kayo live in Nathaniel" nang aasar na sabi pa ni Alex.

"Kuya naman e , inggit kana naman" nakangusong wika ni Brenda.

Nakangiti na lamang akong sumakay ng sasakyan at kaagad na umalis.
Brenda is a year older than me but she acts as a teenager and that's really irritates me. Matagal ng may gusto sa akin si Brenda at kung di lang dahil kay Alex hindi ko naman siya liligawan , Alex just ask me to do it. In fact sabi naman ni Alex it's okay if hindi ko seryosohin si Brenda dahil maiintindihan naman niya ako he just wanted her sister to be happy pero dahil masyado akong mabait I become serious in our relationship.
Never naman talaga akong nagloko sa relasyon kaya di ko kayang mag two time ng babae kahit pa kagaya ni Brenda.

I came home 10 in the evening , nagtaka ako dahil bukas pa ang pinto ng bagong tenant ko kaya marahan akong nagpunta roon upang malaman kung may problema.

Laking gulat ko ng makitang nakatapi lamang ng tuwalya si Evelyn at kitang kita ang makinis niyang balat at magandang hubog ng katawan. Malakas kong iniiling ang ulo ko upang mabalik ako sa katinuan at magalang na nagtanong.

"Is there any problem?" Tanong ko , nakita kong medyo nagulat pa si Evelyn dahil sa biglang pagsulpot ko.

"Ow ! Thank God your here. Yung shower kasi ayaw gumana even the faucet is not working , I try to fix it but I can't. Isang oras na nga ako rito"reklamo sa akin ni Evelyn.

"Naku ! Pasensiya kana nakalimutan ko palang ayusin yan. Ito rin kase ang reklamo nung umalis na tenant but wait me here babalik ako aayusin ko yan." Wika ko.

"Okay just please fix it fast" sabi ni Evelyn.

Nagmadali naman akong pumasok sa kwarto ko na hindi naman kalayuan sa room ni Evelyn. Kinuha ko ang ilang gamit na maaari kong magamit sa pag aayos at kaagad na bumalik.

Sinimulan ko munang ayusin ang shower upang makaligo na si Evelyn , makalipas lamang ang sampung minuto ay naayos ko na ito.

"Okay na ang shower pwede kana munang maligo habang inaayos ko yung lababo." Sabi ko.

"Salamat. Sige maliligo na ako , kung maayos mo rin yan agad just please kindly lock the door when you leave" malambing na wika ni Evelyn.

"Okay I will" sagot ko at ngumiti.
Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na naman ang napakagandang ngiti ni Evelyn. Ngayon ko lamang siya nakita pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kaba sa tuwing ngumingiti siya.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pag aayos ng gripo at kaagad nang umalis roon ng maayos ko na ito.
I came in my room with a weird feeling , isang pakiramdam na nuon ko lang naramdaman.
"I think I just need a cold shower dala lang siguro ito ng kalasingan" nangingiting wika ko sa aking sarili.

****
Evelyn's Pov

Naging mahirap ang pagpunta ko sa lugar na ito dahil sa layo ng pinanggalingan ko mabuti nalang rin at nabusog ako sa aking huling biktima.

"Mas lalo akong gumaganda at kumikinis sa tuwing nakakakain ako" wika ko habang nasa harapan ako ng salamin matapos kong makaligo.

Sa kabila ng magaan na pakiramdam na nararamdaman ko ngayon ay nangangamba rin ako dahil napapansin ko na tila nagiging kulang na sa akin ang isang tao sa tuwing kakain ako.
Pakiramdam ko ay kailangan ko pa ng laman at mas maraming dugo ngunit marahil nagkakamali lang ako.

Sabi naman sa akin ng matanda isang biktima sa isang buwan ay sapat na para manatili ako sa ganitong katauhan kaya wala akong dapat alalahanin pa.

Maaga akong natulog ng gabing iyon dahil nais kong libutin ang lugar na titirhan ko rin sa loob ng ilang taon.
Kinabukasan maaga akong nagising at nag ayos upang makaalis at makapamili ng mga pagkain ko bago sumapit ang susunod na araw ng pambibiktima.

Palabas na ako sa gate ng makasalubong ko si Nathaniel kaagad siyang ngumiti sa akin at binati ako. "Good morning Evelyn" wika niya.

"Hi , Good morning"balik na bati ko. "Ahm... Oo nga pala nakalimutan ko yung bayad para sa renta , here" saka ko iniabot sakanya ang pera.

"Ang dami naman yata nito."nagtatakang sabi ni Nathaniel.

"Hulog ko yan for 6months para wala na rin akong masyadong alalahanin and siyempre di ka rin mahihirapang maningil" nakangiting wika ko.

"Okay thanks. By the way may lakad ka ?" tanong niya sa akin.

"Wala naman gusto ko lang mamasyal and mamimili na rin ako for food stocks."sagot ko.

"I'm sure bago ka lang rito , do you want me to show you around ?" Pagpiprisinta nito. Ayoko namang tanggihan pa siya dahil baka balang araw mapakinabangan ko rin siya.

"Kung hindi makakaabala sayo , okay lang" sagot ko at ngumiti.

"Okay , then let's go I'll show you a lot of beautiful places here." Wika niya at kaagad akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya.

"Thank you" pasasalamat ko.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko isang kakaibang lalaki si Nathaniel sa lahat ng mga nakilala ko. I've been living for a lot of years pero ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa isang lalaki.
Nasa ganoon akong isipin nang biglang magsalita si Nathaniel.

"Ito yung park ng lugar namin , isn't it beautiful ?" tanong niya.
Labis rin naman akong namangha sa ganda at kaayusan ng kanilang lugar.

"Maganda nga , maswerte pala ako at napadpad ako sa lugar ninyo" sabi ko.

"Wala ka bang kamag anak rito o kaibigan ?" Tanong niya.

"Wala , infact wala akong pamilya my parents died a long time ago so I'm living alone for so long" paliwanag ko.

"Ow that's sad , I'm sorry about that" Nathaniel said.

"It's okay it doesn't hurt anymore nasanay na rin kasi akong mag isa kaya ayos lang"nakangiting sabi ko habang nakatingin lang sa kalsada.

Ramdam kong pinagmamasdan ako ni Nathaniel kaya't minabuti kong huwag na lamang siyang pansinin , mahirap ipaliwanag ngunit noon lamang ako nakakita ng ganoong klaseng titig.

"Narito na tayo sa pamilihan" sabi niya.

"Sige mamimili na ako salamat sa pagsama sa akin" wika ko.

"Hihintayin kita rito may isang lugar pa akong ipapakita sa iyo" nakangiting sabi niya. Ngumiti na lamang ako bilang sagot at naglakad na papasok ng pamilihan.

Marami akong pinamiling mga pagkain pagkatapos ay kaagad akong bumalik kung saan ako hinihintay ni Nathaniel. Nang makita niya akong paparating ay kaagad siyang bumaba ng sasakyan at kinuha ang lahat ng aking dala bagay na labis talagang nakakapagpanibago.

----
Continue...

Purita ✨

The Secret of Evelyn GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon