Part 1

6 0 0
                                    

"Kuya wag na baka masagasaan ka eh!"saway sa akin ng kapatid kong si Carlo.

"Okay lang hintayin ko lang mawala ang mga sasakyan para makuha ko yung bola"tugon ko dito.

Naglalaro kami sa park ngayon tapos yung dalawa naming bantay umalis dahil bumili ng pagkain namin magkapatid.

"Kuya malabo mata mo eh baka mapaano ka?"saktong wala ng nadaang kotse at natanaw ko ang bola sa kalsada kaya lumakad na ako para kunin iyong paboritong bola ito ni Carlo kaya dapat makuha koi yon.

"Kuya!!!!!"

Ang alam ko lang ng oras na iyon para akong lumipad kung saan, at pagbagsak ko natanaw ko si Carlo nakahiga sa daan gusto ko man tumayo pero hindi ko magawa hanggang sa mawalan ako ng malay.

"Mama alis na po ako"paalam ko kay mama finals naming ngayon at next month graduation na.

"Hindi ka muna ba kakain?"andoon si papa sa hapagkainan, malaki ang takot ko sa kanya kaya hangga't kaya naiwas ako.

"Hi-hindi na po mama magrereview pa po ako pagdating school mahirap pong bumagsak"

"Ah ganoon ba oh ito allowance mo bumili ka ng makakain mo"

"Teka di ba kakabigay mo lang diyan last week di ba?"sumabat si papa sa usapan namin ni mama.

"Hon ano ka ba maraming binayaran na projects ang anak mo."sagot ni mama.

"Ma wag na po okay lang po salamat po pasensya na"

"Kuya sasabay na ako sayo"tumayo si Carlo at kinuha ang saklay.

"Carlo upo! Tapusin mo pagkain mo"

"Pero papa"

"Papasok ka ng hindi busog sige upo tapusin mo yan ako na maghahatid sayo"

Yumuko lang ako kay mama at saka na ako umalis.

Actually saktong pamasahe ng papasok na lang ang pera ko, marami kasing project na kailangan gastusan kaya naubos din ang allowance ko.

"Uy kuya alis ka na?"saktong baba ni Clarisse ang bunso namin kapatid.

Ngumiti lang ako at saka tuluyan ng umalis.

Sampal at mura yan ang binigay sa akin ni papa kahit nabalian din ako at may sugat, sinisi niya lahat sa akin ang nangyari kay Carlo.

Tama naman siya kasalanan ko i yon.

Tinanggap ko lahat.

Naging mas cold si papa sa akin, kung dati nakakausap at nalalambing ko pa siya pero ng mangyari iyon para akong tae sa kanya.

Una kasi nalaman niyang bakla ako pero hindi pa ganoon kalalim ang galit niya sa akin mas tumindi lang ng mangyari ang aksidente.

Kada makikita niya ako kung hindi itutulak, sasapukin o kaya minumura.

Kaya lahat ginawa ko, umiwas na rin ako sa mga kapatid ko, nagkukulong sa kuwarto, nag-aaral at kahit masama pakiramdam ko never akong nagsasabi, I remember that day noong nasa school ako alam kong masama na ang pakiramdam ko hanggang sa mas lalong uminit ang pakiramdam ko at nawalan ako ng malay ng sabihan ako ni teacher na magsasabi kay mama at papa umiyak ako at nakiusap na wag.

Nakiusap na rin ako kay mama na sa public school na lang ako para tipid, ayaw nila sa una pero pumayag din naman. Yung dalawa sa mamahaling private school pero okay na rin ako para pambayad sa kasalanan ko.

Kahit sa mga katulong naming sabi nila ang giliw ko daw sa kanila noon pero para akong naging ibang tao matapos nga ng aksidente ewan kesa lagi akong nasasaktan ni papa at kapag nakikita ko si Carlo naalala ko ang mali ko nilayo ko sarili ko.

Dumating ako sa school, pawisan dahil kaysa magtricycle papasok sa lugar ng school namin nagmadali na lang akong naglakad papasok.

Napapayakap ako sa sarili ko ang lamig ng pakiramdam.............

"Hoy!"nagulat ako na may umakbay sa akin.

"A-Allen ikaw pala"kaibigan ko, makulit kasi kahit anong gawin kong pagtahimik at paglayo andiyan siya lagi.

"Bakit parang nilalamig ka eh ang init ah"

"Alam mo na iyon?"

"Natatae ka ba?"

"Sira!"

"Hindi ka pa ba sanay sa kanila?"

"Sanay naman kaso ayaw ko iyong nararamdaman ko kapag nakakasalubong ko sila"

"Andito naman ako kaya magiging okay ka na"

Nakapasok na kami sa gate ng paaralan at maya-maya ay narating na naming ang kuwarto namin.

Papasok na kami ng dumating si Darcy.

Ang babaeng crush ni Allen.

Pumasok na ako sa loob, umupo at kinuha ang notebook ko at nagreview.

Hindi ko man sadya pero naririnig ko silang masayang nag-uusap.

Naiinis ako na nalulungkot............

"Selos............"may bumulong ng ganoon salita sa tenga ko.

"Hindi!"

"Selos hahahahaha"bulong ulit nito.

"Hindi nga eh"

"Hahahahahaha nagseselos ka!"parang mas nairita ako sa tunog ng boses niya.

"Sinabi ng hindi eh!"napalakas na ang boses ko.

"Hoy sinong kaaway mo?"napatingin na lang ako sa kaklase ko, shit ito na naman sila.

"Hahaha wala sorry."

"Hey may kaaway ka Clint?"tumabi na si Allen sa akin.

"Wala sige na magreview ka na"

Nagpokus na ulit ako sa pagbasa hanggang sa dumating ang teacher namin.

Hirap akong sumagot bukod kasi sa sakit ng tiyan ko may mga ingay pa akong naririnig sa paligid.

"Clint kalma lang tapusin natin exam na ito okay kalma"paulit-ulit kong sabi sa sarili ko.

Nakakapagod ang environment sa bahay pati ba naman dito sa eskuwela, mabuti na lang naiibsan kasi may isa akong kaibigan na nakakausap ko at nabibigyan ako ng payo.

First year...

First year high school kami ng magkakilala, nawirduhan siya sa akin dahil lagi daw akong nasa sulok, tahimik, tipid ngumiti at kahit tuwing lunch sa room na lang nakain or sa quadrangle malayo sa karamihan.

Pero medyo nagbago ako ng kaunti dito sa school kasi ayan dahil nga kay Allen at kay Silver. Si Silver ang nag-iisa kong kaibigan na babae kaso masaklap lang ibang section siya ngayon huling taon namin sa high school, magaling at matalino kasi iyon ako pasabit sabit lang, at itong si Allen kung anong section ako andoon siya kahit wala siya sa list napapalipat siya kung nasaan ako. Hindi rin mabarkada ito si Allen, may tropa naman siya dito pero ewan ano bang term doon, sabi pa nga niya mas gusto niya akong kasama.

Kaya lang lately dahil nga dumating sa paligid namin ang transferee na si Darcy, maganda, maganda ang katawan, maputi pero hindi ko gusto ang angas niya, pero gustong gusto siya ni Allen.

May aaminin ako pero wag kayong maingay, si Silver alam niya iyong.

May gusto ako kay Allen, pero straight si Allen at si Darcy ang gusto niya at hanggang kaibigan lang kami.

(Next)

Isama mo ako saan ka man tutungo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon