Part 13

1 0 0
                                    

Five years....

Ako kasi...basta hahahaha nagenjoy kami nina Ernest at Mikaela dito sa SoKor.

Tapos malakas kaming kumita kasi ba naman panay ang overtime tapos nasa farm kami ng sabado at linggo tumutulong, magaan lang ang trabaho sa factory lang medyo mabigat at kailangan doble ingat dahil gaya ako makina kaharap ko tapos minsan nagbubuhat din.

At sa isang kuwarto apat kami at kasya naman dahil dalawang double deck ang naroon hinihigan namin at hindi rin sabay-sabay ang oras ng work namin kaya di kami hirap sa paggamit ng CR at paglalaba nakakaadjust kami.

All my communication line was cut, ay hindi pala may phone ako na sina mama lang ang may alam tapos kung magvivideocall nakikigamit ako ng account ni Mikaela. Payo na rin yun kasi ni mama para maiwasang matoxic lalo na nasa ibang bansa ako.

Basta yun na nga.....

Kaso di lang nakalusot siguro dahil....uhmmm basta one time kausap ni Mikaela ang kaklase namin at narinig kong pinag-uusap nila si Nathaniel na CEO na, single na ulit.....

Hehehe hayaan mo na yun masaya na ako okay na ako dito.

Pero ito dapat mageextend pa kami kaso pinauuwi na ako ni mama dahil sa nangyari sa akin dito.

-----------------

Ito na ako natanaw sa malayo huling sulyap ko na ito sa bansang ito.

Hinihintay ko na tawagin na kami, masaya, nakakalungkot at nakakapagod dito pero kapag nakikita ko ang napundar namin nina mama sa pagtutulungan namin pati na ni Carlo nawawala lahat ng pagod ko, nakabili kasi kami ng limang bahay at lupa na pinauupahan namin ngayon at mas okay ang shop ni mama at dahil maganda na rin ang work ng kapatid ko ang ganda ng flow ng lahat.

Bukod doon nagpainvest na rin ako kay mama sa kung saan niya naglalagak ng pera at kumikita na rin yun.

At ang bunso namin, patapos na rin kaso tumagal lang dahil nagshift ng course.

Tapos mas lalo akong nawawalan ng pagod at stress kapag papakita ni Clarisse ang mga class card niya na matataas tapos masaya daw siya noong nagpalit siya ng course mas ramdam niya na na iyon na daw talaga ang gusto niya dami niyang naaccomplish na rin, una kapag may mga contest kahit sa ibang school sila sasalang madalas silang manalo mapaacad man or sports.

Yung makita mo yung kapatid mo na may ningning sa mata kapag nagkukuwento super nakakatuwa tapos si mama iba ang glow.

Kaso si Carlo ayon hiwalay na sa gf, kaya lately laging nagkukulong sa kuwarto pero kinausap ko na siya okay naman daw na siya medyo masakit lang daw kasi mababaw lang naman ang away nila pero nalaman niya na lang na meron nang iba si girl.

Ganoon talaga siguro ang buhay.....

Si papa?

May anak na sila noong babae niya pero not so good lalo na nastroke si papa at si babae na ang may hawak ng company.

"Hey wanna hang-out later?"tanong ng kasama ko sa work na Korean na may pagkahalf-half hehehe di joke lang half Filipino siya then sila actually may ari ng factory naging friends namin siya dahil madalas siyang nandito nagsusupervise at kaedaran lang namin.

Pero ito ang malupit...

And ayaw ko sanang ishare kaso....

Ang totoo natatakot ako noong una pero hindi naman ako iba sa paranormal things pero siya kasi, pamilya nila ay.....

Nagprapractice sila ng mga rituals, mga witch crafts ba tawag doon sorry di ko alam eh basta iba ang sinasamba nila? they don't believe in God but kapag may party nagbibigay sila ng pera like Christmas party ng mga employees but they don't go.

Isama mo ako saan ka man tutungo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon