Part 12

1 0 0
                                    

Bumili lang ako ng t-shirt para di halata na di ako nagpalit.

Pumasok ako, nag-exam at kinausap ang prof ko about sa OJT, next semester sa ibang company naman.

Pero....

"Nak bakit ganito ang evaluation ng CEO sayo?"binasa ko ang nakasulat.

"Uhmmm ginawa ko po best ko sir at saka di po totoo yang nakasulat"hanggang dito ba naman.

"Okay nak i believe in you naman and don't worry kilala ko si Ms. Chel assistant ng HR Head and she gave the best score to you, and sorry ah ganoon ba kagalit ang papa mo sayo? i mean di ako tsimoso since naopen na rin ito ni Ms. Chel na mainit pala ang dugo ng papa mo sayo i hope nak you work better and be stronger okay sa course mo always set your weakness aside and always shine like a star bawal ang mahina okay, isa ka sa magiging buhay ng isang company or business. Masakit man nak pero we can't always control things all we can do is do our part and do it in the best way your effort can give, i believe in you nak you've been through a lot bawal sumuko ah lumaban ka."di ko mapigil pero may tumatakas sa mata ko.

Parang pamahid sa kumikirot na kalamnan ang mga winika at payo si Prof. Alvin sa akin. Tama siya bawal mahina dapat laban lang...

Sa paglabas ko ng faculty sa hindi inaasahang pagkakataon naroon sa labas si Nathaniel pero ngumiti lang ako at sabay iwas.

At sobrang salamat dahil narito yung mga classmate ko hinila ako dahil may kailangan daw gawin, pasuprise daw sa prof namin.

Set your weakness aside and always shine like a star.

Masakit at mahirap man pero tatayo ako kahit may pingas na ang puso ko. Pagkatapos ko sa pag-aaral kakayod ako ng husto at gagawin ko lahat mabuhay lang ng maayos at lalayo na rin ako sa kanila para wala ng malas at pabigat sa kanila.

---------------------

"Ui friendship manlibre ka naman tapos na finals natin eh kumusta grades mo sa OJT?"kinukulit ako ni Ernest.

"Kaya nga malamang mataas grades mo papa mo ang CEO"si

Inabot ko ang kopya ng evaluation mula kay papa at nanlaki ang mata nila.

"Grabe naman to? Dami nga nating ginawa eh."binalik na sa akin ni ang papel at mukhang iba ang datingan ng nalaman niya kita kasi sa mukha umiba din ng dating ng awra niya kesa kanina.

"Ayos ka lang ba friendship?"

"Sanay na ako ano ba kayo alam ninyo kain na lang tayo unli wings at magmilk tea para masaya"sumama naman agad ang dalawa may masarap kasi restaurant dito na nag ooffer ng unli wings at milk tea.

----------------------

Ngumingiti lang ako tuwing nagkakasalubong kami, pero siya biglang iiwas o yuyuko. One last semester at ito na makakatapos na ako. 

Nasa bagong company para magOJT mas matrabaho pero walang pressure ng katulad sa company ng ama ko.

Ang totoo mga kaibigan wala talaga na akong makuwento, drain na ako sa OJT at sa pag-aaral sa gabi at drain na rin kakakuwento ng mga kapatid ko na lumalala na daw ang awayan nina mama at papa.

Hindi naman na nakakabigla at hindi na rin bago. Masyado lang kung kumapit si mama sa papa dahil nga mahal niya eh. 

Ako ba may nararamdaman pa ba sa papa ko? Papa ko lang siya pero wala ng iba.

Sa mga sandaling ito nakakaramdam na naman ako ng lungkot pero dapat pa bang makaramdam ng ganito? Kay Nathaniel at kay Papa? Ewan anong dapat pa bang isipin ko shit ayaw ko na.

"Hoy!"napatingin ako sa taong umupo sa harapan ko.

"Yes?"sagot ko sa kanya.

"Wow english hehehe tara na kain tayo"si Ernest with Mikaela jowa niya.

Isama mo ako saan ka man tutungo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon