Part 10

1 0 0
                                    

Nakatanaw ako ngayon sa malayo, mahangin ngunit hindi kaaya-aya ang amoy dahil ito ang amoy ng siyudad. Ang amoy ng modernisasyon ng mundo. Sampung minuto bago ang pagsisimula ng OJT namin sa company na sana hindi dito ang napuntahan ko hindi ko naman kasi alam kung paano pero andito na ako.

Kanina nga ay tinatawag akong sir ng mga empleyado pero sinaway ko sapagkat ayaw kong umarte dito at ang nais ko lang ay ituring nila akong estudyanteng nagtratraining upang matuto sa field na pinili.

Tatlo kaming narito sa company na ito, kasama si Jane, Ernest at ako.

"Clint tara na tawag na tayo ni Mam Esther"tawag sa akin ni Jane.

Agad naman akong tumalima sa kanya. Pagdating sa marketing department office utos agad sila sa amin ni Jane, photocopy ng mga report tapos mag-aayos ng folder na ibibigay sa mga head ng bawat department. 

"Pakidalian ang kilos huh dahil marami tayong gagawin at sasama kayo sa meeting mamaya magtake-down ng notes tapos bigyan nyo ako ng reflection nyo regarding sa meeting at yung kasama ninyo si Ernest ba iyon kasama siya ng team sa field."tumango na lang kaming dalawa ni Jane at agad kumilos. Anim na folder ang ipreprepare namin, medyo kinabahan din dahil makakasama ko si papa sa meeting mamaya.

"Di ba Clint papa mo si Sir Alberto eh di dapat big time ka pero bakit pansin ko since first year natin para kang haggard lagi?"showbiz police ba ito?

"Ah eh training-oo training sa amin ni papa ayaw niya kasi asa lang kami sa pera, we need to learn to stand on our own para kapag nasa position na kami mas makita namin ang importance ng bawat bagay."paliwanag ko kay Jane.

"Wow very good pala papa sabagay may point"pumunta na kami sa printing office.

Yung isa iniwan ko kasi tulog pa noong umalis ako, dahil 10am pa daw sila pinapapasok today. 

At balik dito alam mo yung ayaw mong magpakilala kaso ang laki ng ID namin kita agad ang name namin para kang journalist. Tapos nakakarami na ang nag tatanong kung kaano-ano ko si Sir Alberto owner ng company. Ayaw ko man magsalita, hindi rin ako makagawa ng kuwento may hawig din kasi ako kay papa kaya ayon pero siyempre di ko naman sinabi na kung paano ako napunta dito at anong nangyari di ba dapat may privelage ako, etc......

Sa gitna ng aming ginagawa natahimik ang paligid iyon pala may dumating napatingin ako sa may pinto na gawa sa salamin, nakita ko si papa may mga kasama, isang babae na balot ng ginto at dalawang lalake halos kaedad niya pero yung babae for sure bata pa.

Bumalik na lang ako sa gawain ko para matapos kaagad, matapos maprint ang mga flyers inayos na namin ito at nilagay sa kahon, matapos noon pinaupo kami sa cubicle sumagot ng mga email na scripted at mga tawag.

Maya-maya din ang utos na "Pakitype naman ito", "Photocopy mo nga bhe", "Bhe pakikuha ang report sa ganito".....at sa dami ng utos di namin namalayan na off na namin.

3:15 P.M ng hapon doon lamang ako nakapagcheck ng phone, binasa ang message ni Nathaniel. Napapangiti lang ako kasi ang sweet talaga niya pero may banat dami daw silang assignment patulong daw mamaya...hayst ako din maraming gawain tapos magsusulat pa ng journal namin about sa aral na ito.

"Jane una ka na may kakausapin lang ako huh diretso na rin ako school after at wait nasaan si Ernest?"sabay kaming bumaba ng lobby ni Jane.

"Di ba field siya sabi niya nagtetext siya sayo na diretso na siya sa school di ba?"

"Ay oo nga"actually di ko nabasa kasi ang binasa ko lang ay sa boyfriend ko.

At isang masayang lalake at babae ang lumabas ng elevator daldal  namin kaya di kami agad nakaalis.

Si papa at yung babae, teka yung babae? Kanina pa silang magkasama?

 Para silang lovers kung mag-usap......

Ng dumaan sila sa aming harapan napatingin si papa sa akin, ang sama ng tingin nito sa akin.

Iwas agad ako ng tingin.

Parang pakiramdam ko ako pa dapat ang mahiya sa tagpong ito.

"Hoy okay ka lang ba?"

"O-okay lang wala namang problema."

"Di ba papa mo yun, teka mama mo ba kasama niya?"

"Alam mo tara na alis na tayo baka malate pa tayo eh"

Lumakad na rin kami palabas.

Ito ba iyong kinukuwento ng mga multo?

Hindi ko alam paano magrereact, gusto kong magalit pero parang wala akong karapatan, gusto ko siyang pigilan pero sino ba ako sa kanya?

Paano nga ba?

"Hoy okay ka lang ba?"

-Hoy baba na tulala pa eh!
Nagising ang diwa ko sa sigaw ni manong.

"Buong biyahe natin tulala ka iniisip mo ba iyong nakita mo?"lumilipad ang utak ko halos wala ako, pero naririnig ko si Jane.

"Sige hindi na kita kukulitin mukhang  wala ka sa wisyo at sa totoo lang mahirap din magreact sa ganoon"ng tumapat na kami sa cr nagpaalam ako at sinabihan siyang mauna na.

Dali-dali naman akong pumasok sa cubicle, nagsara ng pinto, umupo at umiyak.

Okay na sa akin na apihin niya ako dahil sa nagawa ko pero ano bang kulang kay mama?

Ang hapdi ng dibdib ko, ang sakit lang kasi...ako kasi okay na ako na hanggang ngayon basura ang tingin niya sa akin.....

"Mama.....mama..."paulit-ulit kong banggit habang nakatakip ang kamay sa bibig upang hindi marinig ang paghihinagpis ko.

Maya-maya ang dating ng mga estudyante para magcr ako nanatili lang na nakaupo at umiiyak.

Hanggang sa tumunog ang bell, inayos ko ang sarili ko bago lumabas.

Natapos ang tatlong klase ko, na parang wala lang, ayaw kong makinig, ang gusto ko nga umuwi na at magkulong sa kuwarto.

Hindi ko namalayan kung ano dapat ang meron hanggang sa makauwi ako.

"Wala pa siya"mas nakadama ako ng lungkot ng makarating ako ng apartment na wala pa si Nathaniel.

Wala akong gana kaya diretso sa kuwarto at humiga. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan lamunin ng dilim.

Itutuloy......





Isama mo ako saan ka man tutungo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon