Part 8

1 0 0
                                    

"Ayos lang po mama, kayo po ba kumusta po?"tumawag si mama kasi naghulog ito ng pera sa account ko.

"Third day na po ma"

"Hala ma okay na po ako na lang dapat namalengke kaya ko na po iyon naabala pa kayo eh dami po ninyong ginagawa"

"Ayyyiieee hahaha sige na nga mama"

"Sige po mama I love you"

Binaba ko na ang tawag, bumalik na ako sa kuwarto. 8:45 P.M na 7:00 P.M pa natapos ang session namin.

Seminar about work, sa field at sharing of experiences, tapos nagkaroon din ng team building, nakaroon din ng bible study, naiyak ako sa usapan doon kasi I thought mabigat na yung pinagdaanan ko but may narinig pa akong worst.

Yung isa na schoolmate namin, malakas ang dating, confident, palangiti at active sa mga activities ng school pero ang dami niya palang struggles mula pagkabata. Iniwan sila ng tatay nila, may times na hindi kumakain, papasok na masusuka ka na nahihilo at nanginginig ang katawan at young age niya nagtrabaho na siya, tapos binubully din siya ng elementary at high school dahil luma ang damit at walang baon. Yung bumabagyo pero hindi sila makatulog dahil any moment mawawalan sila ng bubong, dahil tagpi-tagpi lang ito. Pero dahil sa buti ng Diyos yung dalawa niyang nakakatandang kapatid ay nakapagtapos naging working students din sila at dito rin sa university namin sila nakatapos naiyak din ang isa namin professor kasi naging student niya ang isa sa mga iyon.

Though working student pa rin siya pero sa bahay, mas maganda na ang bahay nila, lagi ng may pagkain sa bahay, nakakabili na ng damit, then he gave thanks to his friends sa university na nagpupush din sa kanya.

Siyempre ako naiyak ako, though hindi ganoon kasakit ang akin.

At dahil maagang natapos ang activity namin sa hapon nagkaroon kami ng two hours na free time bago magkaroon ng prayer time bago magdinner. Nakita ko si kulogo at ang mga kateam niya na lumabas at hindi ko alam anong kasunod then kanina after dinner dahil ang magkakatabi sa table ang mga magkakateam after kumain nadinig ko ang ibang table na magkakaroon sila ng barbeque at kuwentuhan na supervise ng mga prof namin hindi ako sumama tumuloy na lang ako sa kuwarto.

Umupo ako sa kama at saka pumikit para magdasal.

Sa kalagitnaan ng pagdadasal ko narinig ko ang pagbukas ng pinto, kaya awtomatiko itong nagbukas upang makita kung nandito na si kulogo.

Pero wala.....bumuntong hininga na lang ako at saka pumikit ulit para ituloy ang pagdadasal.

Nakarinig naman ako ngayon ng pusa, sa loob ko "huh pusa paano?"muli kong minulat ang aking mata ngunit wala naman akong nakita kahit ginala ko na ang sa paligid.

Kaya ayon muli akong pumikit para magdasal.

Nakatapos na ako at saka humiga. Pipikit na sana ako ng marinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto, napabangon ako pero wala sarado pa rin ang pinto.

"Please tigilan nyo ako inaantok na ako, ayaw kong makipaglaro sainyo at wala akong ginagawang masama sa inyo tantanan nyo ako!"madiin at matapang kong wika at muli na akong bumangon.

Tumagilid ako ng paghiga, dumaan ang ilang minute hindi pa ako nakakatulog pero tumahimik na rin ang paligid ko.

Pero bigla akong nakaramdam ng lungkot, marahan kong binuksan ang mata ko at saka umupo. My life become less dramatic lately, pero hindi ko pa rin maalis yung lungkot na nasa loob ko. Hindi ako galit kay papa, hindi na at hindi na dapat kailangan kong magmove-on bahagi na lang iyon ng buhay ko. Ewan ba gusto kong umiyak ngayon.

Tumayo ako at saka niladlad ang kurtina at bumungad ang dilim ng paligid, mga naglalakihang puno na nakabalot sa dilim ngunit sa pagtingala mo makikita mo ang mga bituwin sa langit. Sana lumaki ako ng close at madalas kaming nagbobonding ng pamilya ko, sana hindi ko naramdaman ang mga treatment na iyon kay papa, sana hindi ko na lang kinuha ang bola hindi bale ng magtampo si Carlo pero hindi siya pilay ngayon.

Isama mo ako saan ka man tutungo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon