Enjoy reading😊
Leo's POV
Di ko talaga makalimutan yung pag-uusap namin kahapon ni Jero. Tas Ang lambot pa ng kamay niya. Kahapon habang pabalik ako sa pwesto namin di talaga mawala yung saya na nararamdaman ko dahil sa wakas nakausap ko na siya ng masinsinan. Parang ang romantic lang. Tapos bonus pa sakin nung sinabi niya na pwede akong magbigay sakanya ng mga piraso ng mga walang laman na plastic. I guess this is the turning point of getting to know him well.
"Matatapos ka talaga sa ginagawa mong yan." Sabi ni Jasmine habang nagkacut ng papel.
"Ke aga-aga pa lang tulaley kana. Iniisip muna naman si Jero. Nakuuuu delikado na yan." Habang diniinan pa talaga Ang pangalan ni Jero
"Sige lakasan mo! Nahiya ka pa!" I said while I roll my eyes. Bunganga talaga nito napaka walang kwenta. Di ko Alam Kung bakit naging kaibigan ko to eh.
"Eh kasi naman imbis na yan yung unahin mo, nauna pa yung pagmumuni muni mo. Alam kong gustong-gusto mo siya pero unahin Muna natin to. Ayaw mo nun mas madaling matapos mas may oras ka para maglandi." Sabi Niya na may halong pang aasar. Napahawak nalang ako sa sintido ko.
"Ewan ko sayo. Wala kang kwentang kausap. Bahala ka diyan." Tumayo nako para bumili ng tubig. Nauhaw tuloy ako sa mga pinagsasabi ng isang to.
"Huyyy san ka pupunta? Wag mong sabihing-" di ko nalang pinatapos Alam ko naman na ang sasabihin niya.
"Pag yang bibig mo napasukan ko ng papel humanda ka talaga. Bibili Lang ng tubig Kung ano-ano na pinagsasabi mo." Iniwan ko nga nakakaimbyerna na kasi.
Pabalik na sana ako ng Nakita ko sila Jero na naghahanap ng mga walang laman na mga plastic ng chichirya. Bigla akong napangisi sa gusto kong gawin.Jero's POV
"Kaloka ang kunti lang ng nahanap natin na mga plastic. Sure na naman ako na magmumuni muni na naman tayo nito dahil sa ubos na Yung guguntingin natin." Sabi ni Mae habang nakapameywang. Kasalukuyan Kasi kaming naghahanap ng mga plastic eh sa kunti lang yung nahanap namin. Kanina pa kami paikot ikot pero Ito lang yung nahanap namin. Di na naman to aabot sa hapon. Mamaya talaga maghahanap ako sa bahay para di na kami mapagod sa kakahanap para diritso nalang sa pag gunting. Medyo na palayo na ako ng kaunti sakanila sa pagbabakasakali na may mahanap pa ako. Habang paatras na lumalakad di ko namalayan na may nakabangga na pala ako.
"Aray! Di kasi tumitingin sa dinadaanan eh!"
"Sorr- Leo? Hala sorry Leo, sorry talaga. Di ko Alam nandiyan ka pala. May masakit ba sayo? Patingin nga." Nakaluhod na ako ngayon habang dinadaluhan si Leo feeling ko talaga may sugat siya eh kaya tiningnan ko- sa braso, sa kamay, sa siko.
"May masakit ba sayo? Dalhin Kaya Kita sa clinic para matingnan" Sabi ko ng may halong pag-aalala.
"Okay lang ako. Grabe clinic agad? HAHA but seriously okay lang talaga ako (sabay thumbs up) natumba Lang naman ako pero di naman masyadong masakit. Pero dito masakit." Sabay turo sa kanan niyang pisngi.
"Patingin nga. Saan banda ang masa...... (Sabay lingon naman niya papunta sa side ko at nagkatinginan kami) kit" Ang ganda pala sa malapitan ng mga Mata niya. It feels like I'm drowning and I can't stop to stare at his eyes.
"Ehem. Kaya pala may hindi nakabalik agad. Sinasabi ko na nga ba." Agad akong napalayo kay Leo at napatayo. Tinulungan ko siyang makatayo.
"Are you really okay?"
"Nah I'm fine! Don't worry wala akong sugat. Tsaka natumba Lang naman ako." He looks at me with a reassuring smile.
"Pero sabi mo may masakit sayo-- Nah never mind. I'm glad you're okay. I'm so sorry again. Ahmmm. Mauna na ako sa inyo." Nagmamadali ang paglakad ko para makalayo agad sakanila. What was that? Awkward. Buti nalang talaga dumating ang kaibigan niya. Bumabalik parati sa aking isipan ang nangyari. What the hell! Di ko dapat to naiisip pero ang ganda kasi ng mga mata niya ahhhh erase erase. Di ko dapat to nararamdaman. Tsaka may sinabi pa si Leo na hindi ko na narinig ano kaya yun.
Leo's POV
Sht feeling ko hanggang ngayon pulang pula parin ng mukha ko.
"Tsk. Tsk. Tsk. Naglalandi na naman ang bakla." Napapalingong sabi niya habang nakapameywang.
"Ayos-ayosin mo yang sinasabi mo. Tadyakan kaya kita diyan. Tsaka kahit kailan napaka pakialamera mo talaga eh no. Basag trip ka. Tabi ka nga" inirapan ko nga
"HAHAHAHA sorry naman." Sabi niya habang may mapaglarong ngiti. Sarap kutusan nito. Naglalakad na ako nang huminto ako at tinanaw si Jero na naglalakad di kalayuan samin.
"Balang araw magiging akin ka." Sabi ko habang may ngiti sa mga labi. Wala eh natamaan na yata ako. Di ko pa man siya lubusang kilala may nararamdaman na agad ako sakanya. Tsaka nung isang araw sinundan ko siya habang siya naglalakad pauwi sakanila. Sinadya ko talagang sundan sya para Alam ko Kung saan sya nakatira. Nung nasa kanyang bahay na si Jero huminto ako sa kanto pero nakikita ko naman siya dun.
"Ahhh ale, Sino po ang nakatira dun?" Sabay turo ko SA bahay ni Jero. Kahit alam ko na nagtanong parin ako. Pake mo ba.
"Ahhh Yan ba. Bahay yan ni Lorna. Alam mo ba kawawa nga sila eh kasi dalawa nalang silang nakatira diyan. Nag iisang anak kasi si Jero. Tsaka wala na rin ang papa niya. Pero napakabait ng batang yan. Mahal na mahal niya talaga mama niya." Napangiti ako sa sinabi nang ale sakin. Atleast kahit kunti may alam na ako tungkol sa kanya. Bago ako umalis napalingon ulit ako sa bahay nila sabay sabing...
"I hope you'll give me a chance to know you more."Gime's Note:
Another update for today. Bumabawi lang ilang araw din akong di nakapag update. Sana nag enjoy kayo😊
Don't forget to vote and comment 😁
Lovelots ✨
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
RomanceThis is a BL story. Sana suportahan niyo bago lang po kasi ako sa Wattpad world. And also subaybayan niyo po ang kwento ni Jero at Leo. Lovelots❤️✨