Gime's Note:
I'm soooooo happyyyyyy todaayyyyyy!!!!
Kasi diba first time ko makapagpublish dito sa Wattpad then kanina nag open ako sa wattpad bigla nalang may yung parang medal tapos tiningnan ko sobrang di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko kasi when it comes to friendship rank 883 po tayo out of 42.2K stories. Di ko inexpect. Sobrang happy ko talaga ngayon Kaya ayun sinipag si ako mag UD😁Please please vote and comment po para sipagin pa ako😊
Enjoy reading! Lovelots ❤️✨Jero's POV
Naglalakad na ako papunta sa trabaho nang naghihikab. Ilang oras lang yata ang tulog ko. Ewan ko ba kahit ilang pigil ko naiisip ko parin ang nangyari kahapon. What the hell is happening to me. Huhu I don't like this feeling, di dapat ako nagkakaganito. But honestly gusto ko siyang maging kaibigan feeling ko kasi komportable siyang kasama tsaka ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya.
"Oh kulang ka yata sa tulog." Sabi ni Jay. Di ko na pala namalayan nandito nako.
"Hmm. Madaling araw na ako bago nakatulog. Ewan ko ba kahit anong position gawin ko di talaga ako makatulog." Sabay hikab na naman.
"Baka may iniisip ka na hindi mo makalimutan o ayaw lang ng sistema mo ang makalimot? Baka may nangyayari rito na hindi namin alam huh!" Sabi ni Mae na nakataas ang isang kilay habang nakasmirk. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"What? No. Ayan ka na naman eh!" Pagdadahilan ko pa.
"Halika na nga. Nawala tuloy antok ko sayo." Pag-iiba ko ng usapan hehe.
"Wala nga ba o may tinatago ka na samin? Naku pag talaga nalaman ko yan!" Sabi niya ng may mga mapanuring mata.
"Tch. Bahala na nga kayo diyan. Kung ano-ano naiisip niyo." Sabi ko sabay walk out.
"Guiltyyyyyyyyy!!!!!" Sabi pa ng dalawa sabay nagtawanan.
"Magsama kayo mga asukal na ibon!!!!" Sigaw ko pa sa Kanila habang sila naman ayun todo hagikhik. Mabilaukan sana ng laway.
Habang abala kami rito bigla na lang umupo si Leo sa katabing upuan.
"Paupo huh?" Sabay pakita ng kanyang magandang ngiti kuno.
"Tch. Nakaupo ka na nga diyan eh!"
"Sabi ko nga hehe." Sabay kamot ulo na parang nahihiya.
"What the- bakit pa kasi gumaganyan."
"Huh? May sinasabi ka?" Sabi Niya pa. Bigla na Lang nanglaki ang mata ko at napasapo nalang sa noo. Nasabi ko na naman kung ano ang nasa isip ko Lang. Ahhhh!!!! What a bad habit!
"Ahh Wala yun hehe!" Sabay ngiti sa kanya.
"Ehem! Baka usto mo kaming ipakilala diyan sa kaibigan mo kuno." May pa tikhim pang nalalaman ang bruha.
"Ayyy oo nga pala sorry. Hehe. Hmmm Leo mga kaibigan ko, siya si Leo bagong kaibigan ko." Sabay pakilala ko at tinuro turo ko pa talaga.
"Hiii!" Sabay pa talagang sabi nilang tatlo kaya ang ending ayun nagtawanan kaming apat.
"Ahh nga pala. Pakilala mo naman yung kaibigan mo para naman tayo tayo nalang magkakasama para mas masaya."
"Ahhh Yun. Wag nalang may sariling mundo Yun HAHA."
"Anong sariling mundo yang sinasabi mo diyan. Ayyy by the way, I'm Jasmine unfortunately kaibigan niya." Sabay turo niya kay Leo kaya natawa nalang kami sa inasal niya. Eh sa biglang sumulpot. Magkaibigan ngang talaga.
"Wowww! Nahiya naman ako sayo. Parang gustong-gusto kong maging kaibigan ka!" Pabalang din niyang Sabi.
"HAHAHAHA. Ehem. Upo kana muna rito." Sabay turo ko sa tabi ko kasi may espasyo pa naman sa inuupuan ko.
"Huh? Ahh ikaw nalang dun. Dyan nalang ako uupo sa inuupuan mo." Sabay kindat niya pa kay Leo tsaka may binulong pa na di ko naman naintindahan. Bahala sila hehe. Kaya ayun si Leo ang tumabi sakin. Tsaka naman biglang bumilis tibok ng puso ko. Na Naman! Kanina pato eh, kinakabahan ako baka may sakit na ako sa puso wag naman sana naku po.
"Wala na ba kayong ginagawa?" Napahinto tuloy ako sa iniisip ko sinabi ni Mae.
"Ahhh. Meron naman pero napagod kaya ayun nakikitambay na lang sa inyo." Sabi naman ni Leo.
"Tulungan na kita diyan." Sabi niya pa.
"Ahh hindi na. Pagod ka diba? Kaya nga kayo tumambay dito eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Asuss. Umiiskor lang yan." Dugtong pa ni Jasmine na parang nagpaparinig.
"Huh?" Sabi ko naman kunyari nalang na di ko narinig.
"Wag mo nalang yan pansinin. May saltik kasi yan Kaya kung ano-ano nalang sinasabi." Natawa tuloy ako sa sinabi niya.
"Wowww! Nagsalita ang hindi baliw!" Sabay tingin niya sakin ng makahulugan na di ko naman magets. Bakit ako tinitingnan niya? Ako ba ang pinapahiwatig niyang baliw o di ko lang talaga magets? Nakita ko Naman na pinanglakihan ng mata ni Leo si Jasmine habang ang isa naman ay biglang nag zip ng bibig patunayan na titikom na siya at di na magsasalita. So ayun sila lang nakakaintindi.
"Hello!!!! Andito pa kami. Baka nakakalimutan niyo di namin kayo maintindihan sa mga patingin tingin lang." Sabi naman ni Jay na sawakas nagsalita na rin.
"Akala ko naman pipi ka!" Sabi ni Mae sakanya Kaya nagtatawan tuloy kami sa inasal ng jowa niya.
"Eh sa wala akong masabi. Kaya ayun pinupukos ko nalang Yung sarili ko sa ginagawa ko. Pero nakikinig naman ako at panaka-nakang tumitingin sa inyo."
"Nag explain ka pa talaga eh no?" Pambasag trip din tong si Mae eh. Kaya ayun natawa na naman kami hanggang sa sinuway na kami ng nagbabantay samin. Kaya napatahimik tuloy kami pero di parin matapos tapos ang tawanan kaya sinisita kami palagi. Hanggang sa pinabalik na silang Leo at Jasmine dahil sa nakakaisturbo na raw kami sa iba. Kaya Yung dalawa no choice na umalis pero bago umalis may pahabol pa si Leo.
"Sabay nalang kami sa inyo kumain mamaya huh? Nakakabitin kasi kwentuhan natin."
"Sige ba. Kita nalang tayo sa baba mamaya." Sabay smile ko Kay Leo na siya rin namang ginawa niya.
Nung maglunch time na bumaba na kami agad para salubungin sila Leo. Pero pagbaba namin wala pa sila Kaya naghintay kami saglit para sabay-sabay na kaming kumain. At ayun nga nakita na namin sila na pababa na ng hagdan pero habang pababa sila bigla nalang natuon ang atensyon ko kay Leo. Parang biglang nag slowmo nalang lahat pati pagngiti niya sakin ay parang iba yung dating sakin. Yung mga mata niyang pagtumingin ka parang matutunaw ka. Bigla akong napahawak sa dibdib ko.
"Shiiittt!!!!" Di ko nalang namalayan naibigkas ko na pala ang katagang iyon. Di alintana Ang mga nakarinig dahil mas malakas parin ang kabog saking dibdib.
"Andwae! Maldo Andwae!" di to pwede. Mali to eh. Siguro namamangha lang ako sakanya, oo yun namamangha lang ako sakanya.
"Ayan kana naman sa mga alien mong di namin maintindihan. Ano ba kasi tiningnan mo dyan. Ikaw nalang hinihintay namin. Nakatutunga ka na naman." Sabi ni Jay sabay tapik sakin at dun din nabalik ang wisyo ko. Matagal ba akong napatunganga? Ako nalang pala ang hinihintay nila.
Sabay-sabay kaming kumain. Sa isang oras nayun ang dami naming napagkwentuhan. Doon ko mas nakilala si Leo. May isa siyang kapatid na babae at ito'y panganay. Magkasundo raw sila sa lahat ng bagay. Yung papa naman niya di sila parati magkasundo. Magkasalungat daw ang kanilang prinsipyo kaya ayun parati silang nag-aaway hanggang sa doon nalang siya tumira sa bahay ng ate niya. Dun daw mas kumportable pa sya tsaka nailalabas niya lahat ng saloobin sa ate niya. Ako naman naikwento ko sa kanila na dalawa nalang kami ng mama ko. Na siya yung naging instant kapainatay(kapatid, nanay, at tatay) ko. Pero kuntento naman ako sa buhay ko ngayon kasi di naman nagkulang sa pagmamahal ang mama ko. Si Jasmine naman pamysterious wala masyadong sinasabi. Sumasagot lang pag tinatanong. Kaya kami nalang ni Leo ang nagkwento hanggang sa maubusan kami ng oras at bumalik na sa ginagawa.Hope you like it😊
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
عاطفيةThis is a BL story. Sana suportahan niyo bago lang po kasi ako sa Wattpad world. And also subaybayan niyo po ang kwento ni Jero at Leo. Lovelots❤️✨