Chapter 2

8 0 0
                                    

Third Person's POV

Habang masayang nag-uusap ang tatlo may isa Naman Ang panakaw-nakaw Ang tingin kay Jero. Siguro alam niyo na Kung sino. Walang iba kundi Ang isang Leo Luendel Lang naman. Siya naman ay third year college na sa pasukan. Education yung kinuha nya major in English. Ibang klase talaga eh no . Sa pagkakaalam ninyung lahat si Leo ay isang Bisexual. Naaattract sya sa babae at naaattract din sya sa lalaki. Kaya ayun todo tingin naman yung malandi(echos Lang) buti nalang di napapansin nung isa. Di Naman namamalayan nung isa na pinagnanasaan na pala sya HAHAHAHAHA joke Lang Yan. So ayun na nga sa kakanakaw niya ng tingin ay di nya namalayan na tinatawag na pala sya ng kaibigan nya.
"Leo. Huyy Leo. Nakikinig kaba?" Sabi ni Jasmine habang nakapamewang na dahil kanina pa sya dada ng dada eh di naman nakikinig si Leo.
"Huh?" Bigla na lamang syang napaigtad.
"Ayyuuunn lutang. Alam mo napaghahalataan kana. Usto mo yun?" Jasmine habang nakangisi at tinuro pa talaga si Jero.
"Huyy! Maghunos-dili ka nga. Hindi ko sya gusto okay? Tss. Ikaw talaga." Bigla nyang tinabig Ang nakaturong kamay ni Jasmine.
"Asusss! Defensiveeee HAHAHAHA. Ano na te? Jojowain mo na? Eh parang straight sya ehh. Wala Kang tsansa dyan. Kaya itigil mo nalang hanggat maaga pa." Sabi ni Jasmine. Siya Yung kaibigan na straight to the point Kung magsalita.
"Haiisstt. Bahala na." Napabuntong hininga na lamang sya dahil Tama Naman yung sinabi ng kaibigan nya.
Jero's POV
"Waaahh! Kapagod!" Sabay patapon na humiga sa kama.
Unang araw palang pero grabe. Hindi naman sa mahirap sadyang masakit Lang talaga yong likod at kamay ko. Biruin nyo yun buong araw kang mangugupit ng mga plastic. Nangangawit na nga yung pwet ko kanina eh. Pero yaan na dalawampung araw Lang naman to. Matatapos din to agad. Makaidlip nga muna masyado yatang nagamit yung katawan ko sa araw nato HAHAHAHA.
-after 2 hours-
"Je gumising kana. Kakain na tayo." Mama sabay yugyug sakin.
"Hmmm. Anong oras na ma?" Tanong ko sabay hikab.
"Alas siyete na. Kaya bumangon kana riyan at tayo'y kakain na." Sabi ni mama sabay lakad na paalis sa kwarto ko.
"Susunod na po ma." Gusto ko pang matulog. Parang ayaw ng katawan ko na bumangon parang Ang bigat. Pero pinilit ko paring bumangon, eh sa gutom na rin ako. Kaya nag ayos nako ng sarili at bumaba na para kumain.
"Musta Ang unang araw mo?" Bungad agad sakin ni mama pagkaupo ko.
"Ayuunnn. Pagod na pagod. Di pala biro humanap ng pera ma. Bago mo Ito makuha eh dadaan ka talaga sa hirap." Sabay kuha ko ng pagkain.
"Ganyan talaga Ang buhay nak, di madali. Kailangan mo talagang pagsikapan at paghirapan Ang isang bagay bago mo makamit Ang gusto mo."
"Kaya ma promise ko sayo pagbubutihin ko Ang pag-aaral ko at kapag nakatapos nako ibibigay ko talaga lahat ng gusto niyo ma. Promise ko Yan sayo." I said while smiling at her.
"Promise mo Yan huh? Wala ng bawian. Pero salamat nak. Kung Wala ka siguro matagal na Kong patay ngayon dahil ikaw nalang Ang nagbibigay sakin ng lakas. Mahal na Mahal Kita nak." Sabi ni mama ng naiiyak na.
"Ma Naman eh! Ang drama mo. Kumain na nga Lang tayo. Gabing-gabi na tas mag iiyakan pa ba tayo rito. Pero Basta ma hinding-hindi Kita iiwan. Tayo nalang dalawa Ang natira Kaya aalagaan ko po kayo hangga't Kaya ko po. Hinding-hindi po Kita iiwan." Sabi ko habang may isang umalpas na luha sa mga mata ni mama.
"Panghahawakan ko Yan anak. Halika nga rito. Payakap nga sa nagbibinata ko nang anak." Sabay lahad ng kanyang dalawang kamay para palapitin ako. At yun nga lumapit ako sa kanya sabay akap ng napakahigpit Kay mama habang Yung mga luha ko ay nag-uunahan sa pag agos. Ganito talaga ako pagdating Kay mama. I get so emotional and weak when it comes to her. Kaya gagawin ko Ang lahat maging maganda Lang Ang takbo ng buhay namin.
"Tama na nga 'to HAHA. Kakain na nga tayo. Ang dadrama na natin eh HAHAHA" Sabay pahid ng mga luha namin.

Gime's Note: ayuuunnn sana nagustuhan niyo. Probably bukas makakapag UD ako. Lovelots❤️✨

The Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon