Enjoy reading🤗
Jero's POV
Naiinis ako. Di ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Nalaman ko lang na di pala siya nanood. Nawalan na ako ng ganang kausap siya. Kaya umalis nalang ako at pumunta kina Mae. Okay lang naman sa'kin na hindi siya manood eh pero ewan ko ba kung ba't nainis talaga ako. Mas naiinis na ako ngayon sa sarili ko. Mas lalong nahuhulog na ang loob ko sakanya. Kailangan ko na talagang lumayo, pero last day naman na, siguro di na kami magkikita nito. Ang mas nakakainis pa wala man lang akong masabihan tungkol sa nararamdaman ko kaya mas di ko alam anong gagawin ko. Natatakot din kasi akong umamin kina Mae at Jay, takot akong ma judge. Sobra.
"Huyyy, lalim yata ng iniisip mo ha? May problema ba? Palagi ka nalang namin nakikitang ganyan. Alam mo naman na andito kami diba? Handang makinig, handang damayan ka. Pero di kana namin tinanong baka kasi ayaw mo pang sabihin." Sabi ni Mae na alam kong nag-aalala na.
"Kaya siguro naman pwede mo ng sabihin samin yang mga iniisip mo? Mas lalong bibigat yang nararamdaman mo pag ikaw lang yung namomroblema diyan. Alam naman namin na kaya mo na pero walang masama kung sasabihin mo na yang nararamdaman mo." Sabi naman ni Jay na kitang kita ang pagkasensero sa mga sinasabi niya. Ako kasi yung tipong di nagsasabi ng mga problema, ako yung di masyadong nagpapalabas ng saloobin. Siguro sanay na akong mag-isang nahaharap ang problema. Nagsasalita lang ako pag okay na, yung tipong di na nila kailangang mag-alala sa'kin. I know I have friends whom I can always lean on but I still don't want to be a burden to them.
"Je, matagal ka na naming kilala. Kung ayaw mo pang sabihin sige lang pero kung di mo na talaga kaya andito lang kami. You know you can always count on us." Sabi naman ni Mae habang tinatapik ang balikat ko.
"I'm sorry. Natatakot lang kasi ako na.. na pag sinabi ko sa inyo ay baka pagtatawanan niyo ko or worst layuan niyo ko." Naluluhang sabi ko sa kanila.
"C'mon we've known each other for too long. Magagawa ba naming layuan ka? Sige nga, sabihin mo samin lahat-lahat at tingnan natin kung anong magiging reaction namin ni Jay."
"Pwede bang sa labas tayo mag-usap? Maingay kasi." Nahihiyang sabi ko sa Kanika at sila naman ay natawa sa inasal ko. Habang naglalakad kami papalabas panay buntong hininga ang ginagawa ko. Kinakabahan ako at the same time natatakot.
"Okay na siguro rito."
"Je, we're a family. Malamang di ka namin iiwan, pagtatawanan? Pwede pa pero yung layuan ka namin? Malabong mangyari yun pre." Bungad agad ni Jay habang umupo sa isang tabi. Sumunod din naman kami sa kanyang umupo. Kitang kita ko ang sinsero sa kanyang mga mata. Bumuntong hininga pa ako ulit bago nagsalita.
"Natatakot ako. Natatakot ako na pag sinabi ko sa inyo bigla niyo kong iwan. I.. I'm scared of telling you this because even my self can't understand what's wrong with me. Pati sarili ko tinatakutan ko na kasi... Kasi alam kong mali tong nararamdaman ko. Dapat di ko nararamdaman to. Natatakot ako na kapag nalaman niyo mag-iiba nalang bigla yung trato niyo sakin." Di ko na napigilan ang sariling mapaluha sa harapan nila.
"What you mean is you having feelings with Leo? Right?" Gulat akong napalingon bigla kay Mae dahil di ko inaasahan ang sasabihin niya.
"Mae you know? Why? I mean how did you know?" Nalilito paring tanong ko sakanya. At bigla nalang sila natawa.
"HAHA ehem. Look pre, obvious na obvious ka kaya. Napaghahalataan ka na may gusto ka kay Leo. Nasa indenial stage ka lang talaga." Pati si Jay? Ganun na ba talaga kahalata yun?
"Di kana namin tinanong kasi di pa kami sigurado. Pero kasi sa tuwing nakikita ka namin na kasama mo si Leo, ibang-iba ang kislap ng mga mata mo." Sabi pa ni Mae na may mga ngiti sa labi.
"Di kayo galit? I mean sa nakikita ko sa inyo parang natural lang eh. Pero kasi lalaki kami pareho-"
"So? Di porket pareho kayo ng kasarian bawal na agad? Ganun? Je, love maybe difficult to understand but love is love. Kasehodang lalaki kayo pareho kung mahal niyo naman ang isa't isa, bakit niyo pa pipigilan?"
"Bago kasi sa'kin to lahat. Alam niyo naman na di ko pa to naranasan kaya di ko alam ang gagawin."
"Edi hayaan mo lang. Maging natural ka kasi kusa naman yang lalabas eh. Kasi pag mahal mo, di muna kailangan ang papitiks pitiks kusa mong mararamdaman na kahit ikaw mismo maguguluhan sa nararamdaman mo."
"Tsaka pre, kahit magmahal ka pa ng lalaki di naman na magbabago yung pagtrato namin sayo. Elib pa nga ako sayo eh kasi nasabi mo yung nararamdaman mo samin kahit mahirap."
"Basta Ito tatandaan mo palagi na kahit anong mangyari were on this together. Sino-sino pa ba namang magtutulungan, tayo-tayo lang din naman. Kaya kaming bahala sayo. Gagawan natin ng paraan para maangkin mo si Leo HAHAHA." At bigla kaming nagtawanan tatlo. Ang sarap lang sa pakiramdam. Parang nawalan ng tinik, yung tipong tinatakutan mo biglang nawala at napalitan ng tuwa. I was amazed at the same time I am blessed. Blessed to have a friend like them. Wala na akong ibang mahihiling pa. Basta andyan Lang sila palagi sa tabi ko kuntento nako. Di ko man inexpect na ganito pala ang kalalabasan ng kwentuhan namin but still I'm happy at least now I have someone to talk to at hindi ko na kailanman sasarilihin.Gime's Note:
Yan lang po muna. Naging busy kasi ako lately. HekhekDon't forget to vomment❤️✨
Lovelots ❤️💙
BINABASA MO ANG
The Unexpected Love
RomanceThis is a BL story. Sana suportahan niyo bago lang po kasi ako sa Wattpad world. And also subaybayan niyo po ang kwento ni Jero at Leo. Lovelots❤️✨