Napatitig ako sa mga nagtataasang mga gusali habang binabaybay namin ang kahabaan ng EDSA patungong Channel 10.
Bata pa ako ay pangarap ko na ang maging artista. Kaya naman lagi akong sumasali sa lahat ng theater plays noon. Magaling ako umarte, sumayaw at kumanta. Maganda naman ako at tama lamang din ang height.
"Ma'am, nandito na po tayo."
Naputol ang pag-iisip ko at nilingon ang aking paligid.
"Kuya Mario, ite-text ko po kayo kapag tapos na ako."
"Sige po."
Narinig ko ang pagbukas ni Kuya Mario sa lock ng mga pinto at agad na bumukas ang pinto ng van.
"Good morning, Ma'am," pagbati ng guwardiya.
"Good morning po."
"Ma'am, sa Studio 1 po ang press conference," nakangiting saad ng guwardiya sa akin.
"Opo kuya, salamat," sabi ko at saka ibinalik ang isang ngiti sa kanya.
Binaybay ko ang daan patungong Studio 1. Nang marating ko ang malaking pinto ay bigla akong kinabahan. Kakayanin ko ba ang magsalita sa harap nila? Baka mahiya ako, pumihit ako patalikod at saka tiningnan ang aking relo, quarter to 10:00 am.
"Ms. Nickelle Atienza?" ani ng isang tinig ng babae mula sa aking likuran.
Inihanda ko ang aking signature smile at saka humarap. Isang babae na slim at fair skin ang nakangiti ngayon sa aking harapan.
"Yes, I am Nick Atienza."
"Hi Nick! I am Rikki!"
Napangiti ako. Si Rikki ang manager ng talent center ng Channel 10, ang pinakamalaking television network sa bansa.
"I've been waiting for you!"
Napalingon ako sa kanyang sinabi. Ngumiti lamang siya.
"Nick!"
Sabay naming nilingon ni Rikki ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses.
"She's been looking for you," pabulong na sabi ni Rikki at saka ako iniwan doon.
"Na-traffic ka ba?"
"Hindi naman po," sagot ko rito at saka ako ngumiti.
"Nandiyan na sina Lloyd at Anna sa loob."
Nakaramdam ako ng kaba. Sila Lloyd Martinez at Anna Reyes ang pinakasikat na love team ngayon.
"Mag-interview ka na," seryosong sabi ng boss ko. "Sige na, dito lang muna ako sa mga amiga ko."
Ako ay baguhang Associate Editor ng Showbiz Mag at narito ako ngayon sa Channel 10 para mag-attend ng press conference para sa bagong teleserye na pagbibidahan nina Lloyd at Anna, ang Just the Two of Us.
Huminga ako ng malalim at saka pumasok sa loob ng Studio.
Nakita ko sina Lloyd at Anna na nakikipagkwentuhan sa iba pang members ng press. Nagtatawanan sila. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan nila, ngunit bago ko pa marinig ang kanilang topic umakyat na ang emcee sa mini stage.
"Good morning! May we invite Lloyd and Anna on the stage together with Direk Joy Molina?"
Tumayo sina Lloyd at Anna at nagpunta sa harap habang nagpulasan ang mga press at naupo sa kanya-kanyang mga silya.
Naupo ako sa isang bakanteng tiffany chair. Inilabas ko ang aking cellphone at pinindot ang voice recorder.
Saktong patapos na ang presscon, nang mag-ring ang aking phone at lumabas ang pangalan ng aking boss sa screen.
BINABASA MO ANG
Twenty Reasons To Unlove You
RomanceNickelle Atienza and Chester Sy have been best friends since they were kids. Chester is the average boy best friend, who is overly protective of Elle. With all of Chester's efforts and care for his best buddy, Elle falls in love with him, even thoug...