Chapter 31

68 11 17
                                    

Dahil sanay na kami ni Chester sa ugali ng isa't isa, napaka-smooth ng relasyon namin sa nagdaan na mahigit isang buwan. Parang routine na rin na susunduin niya ako para sabay kaming pumasok sa trabaho at ihahatid niya ako pauwi. Hindi rin nagbago na tuwing Miyerkules ay sabay kaming nanananghalian at araw-araw sabay naghahapunan. Bumalik na rin ang nakasanayan naming noong mga bata kami na tuwing Linggo ay magsisimba kami sa paborito naming simbahan, minsan nanonood kami ng sine, minsan kakain lang sa labas. Sa lahat ng ito, ang pinakapaborito ko na hindi nabago sa role ko sa buhay niya mula noon—ang tulungan siyang linisin at pagandahin ang Condo Unit niya.

"Mahal ko, pakiabot yung long nose," ani Chester habang nasa itaas na bahagi ng foldable ladder. Ikinakabit nito ang bagong metal pendant lights sa counter ng kitchen.

Dinampot ko naman ito agad sa toolbox at iniabot sa kanya.

"Hindi yan, cutter ang tawag diyan. Yung isa, mas mahaba."

"Heto ba?" Sabay dampot ng isang tool.

"Yes, mahal!"

Nang maiabot ko ay iniwan ko na siya para ituloy ang paglilinis ko sa sala. Medyo maalikabok na ang bookshelves at iniisa-isa kong punasan ang mga collection niyang mga libro. Mayroon siyang set ng Harry Potter books, Agatha Christie, Dan Brown at ang paborito niya mula noong mga bata kami na Goosebumps.

Kay Chester ko nagaya ang pagiging mahilig magbasa ng libro. Noong mga bata kami, linggo-linggo ay humihiram ako ng goosebumps sa kanya kaya nahilig din ako sa Fantasy at Horror. Pero noong umuwi kami ni Mommy sa Zambales, romance novels na ang nakahiligan ko basahin.

Matapos naming maglinis at mag-ayos ng unit niya, naupo kami sa couch.

"Napagod ka?"

"Hindi naman."

"Talaga?" Sabay sundot ni Chester sa tagiliran ko kaya bigla akong napaigtad at sinubukan kong salagin ang kanyang kamay para hindi niya ako tuluyang makiliti.

"Hindi nga." Nangingiti kong sagot.

"Mabuti naman. Baka kasi kung anu-anong ipabili mo sa aking pagkain, grabe ka pa naman mapagod," Pang-aasar nitong sabi.

Bahagya kong iginalaw ang aking labi, "Ay ibang usapan ang pagkain."

"Sabi ko na nga ba!"

"Ramen na lang, mahal."

"Large bowl?" Natatawa nitong tanong.

"Regular lang," inis kong sagot.

Bahagyang kumunot ang noo ni Chester, "Yun lang lunch mo?"

Sandali akong napaisip, "Samahan mo na rin ng Ebi Maki at Tempura."

Tumango ito at saka pumindot sa kanyang phone, "45 minutes."

"Sige, maliligo na lang muna ako. Nangangati ako sa alikabok nung shelf," komento ko at saka ako umakyat sa taas nang hindi nililingon si Chester.

"Tawagin kita kapag nandiyan na ang food."

Kinuha ko ang isang set ng damit ko sa cabinet. Buti na lamang lagi akong may extra clothes dito sa unit ni Chester. Binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang facial wash, may sabon at shampoo naman sa CR. Matapos ko maligo at magbihis, nakita kong nakahiga si Chester sa kama at tila nakaidlip na. Nakaligo na rin ito at nakapagpalit na ng damit. Hindi na siguro ako mahintay sa tagal ko maligo kaya yung CR sa baba na ang ginamit. Naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko kaya nilapitan ko ang lalaki para gisingin.

"Basa pa buhok mo, bakit nakahiga ka?"

Hindi ito sumagot. Ang bilis naman yata nitong nakatulog. Inilapit ko ang mukha ko upang pagmasdan ang mga mata ng lalaki kung gumagalaw, baka kasi niloloko lang ako.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon