Chapter 21

87 13 7
                                    

Lunes. Maaga akong tinawagan ni Ma'am Mitch para sabihing dumiretso ako sa Channel 10 para mag-interview sa dating child actor turned police news beat heartthrob na si Yohan Galvez. Isa siya sa nakatanggap ngayong taon ng Pulitzer Award, one of the most prestigious journalism awards sa buong mundo.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na ako kumain ng breakfast, hindi pa naman ako gutom. Sayang din sa oras kung magluluto pa ako. Sumama kasi si mommy kina ate Mari pauwi kahapon sa Zambales dahil tutulong daw s'ya sa mga kailangang asikasuhin sa binyag ni Katana sa Sabado. Susunod na lang kami ni Chester doon. Ninong pala si Chester tapos hindi ako ninang ng pamangkin ko. Magtatampo pa sana ako kay Ate pero sabi n'ya automatic naman na daw na ako ang second mom ni Katana.

Dahil hindi ko inaasahan na ako ang ipapadala ni Ma'am Mitch sa nasabing biglaang interview, nag-book na lang ako ng grab car papuntang Channel 10 para makapag-research pa ako sa daan. Nakasanayan ko kasi na magbasa ng husto tungkol sa subject ko bago siya ma-interview para alam ko na din kung anu-ano ang kailangan kong impormasyon sa kanya para mabuo ang naiisip kong story tungkol sa subject ko.

"Ma'am, puwede po ba ako magpa-autograph?"

"Po?" Gulat kong sagot sa grab driver. Wala naman nagpapa-autograph sa akin dati dahil hindi naman ako artista o singer. Commercial model lang naman ako at hindi rin naman ako sikat.

"Fan niyo po ako," nakangiting sabi pa ni kuya driver na sumusulyap-sulyap sa akin gamit ang rearview mirror.

"H-hindi naman po ako artista, kuya," pagpapaliwanag ko.

"Hindi po ba kayo yung nasa commercial ng Mcdo dati? Ikaw din yung endorser ng Aloebest Shampoo at ng simple smile toothpaste," sagot ni kuya driver.

Napasinghap ako sa mga sinabi nya. Fan ko nga ba talaga ito? Ngayon lang ako nakarinig na may fan ang commercial model. Maliban sa Mcdo at sa clothing line ni Gideon, hindi naman sikat yung ibang products na inendorso ko.

"Pinapanood ko rin lahat ng launching ng new collections ni Gideon Sanchez dahil alam kong nandoon ka," dagdag pa niya. "Okay lang po ba?"

"S-sige po, kuya," sagot ko at saka ako ngumiti. Kung talagang fan ko siya, deserve naman niya ang isang autograph, hindi ba?

Nang makarating kami sa Channel 10 ay iniabot ko sa kanya ang isinulat kong message sa aking jotter pad. Masayang-masaya naman si Kuya Driver, ayaw pa sana niya tanggapin ang bayad dahil masaya na daw siya sa autograph pero hindi ako pumayag.

Tumagal ang interview ng thirty minutes dahil masaya namang ka-kuwentuhan si Yohan Galvez. Napansin ko din na well- versed siya sa mga social issues sa bansa kung pagbabasehan mo ang mga sagot nya sa mga issue na hiningian ko ng reaksiyon. Matapos ang interview, nasa lobby na si Kuya Mario para sunduin ako. Pinasundo raw ako ni Ma'am Mitch.

"Salamat, kuya Mario," ani ko bago ako umakyat sa opisina.

Pagpasok ko sa opisina agad akong dumiretso sa cubicle ko at naupo.

"Nick, good morning!" masayang bati sa akin ni Flor.

"Good morning!" sagot ko.

"Hindi na d'yan ang cubicle mo," nakangiting sabi ni Flor.

Napakunot ang noo ko. Mga gamit ko pa rin naman ang naroon. Binuksan ko ang mga drawer at kumpleto naman ang lahat ng gamit ko. Binalikan ko ng tingin si Flor ngunit wala na ito sa desk nya.

Lumapit sa akin ang isang cleaning assistant na may dalang box, "Miss Nick, tutulungan ko na po kayo magtanggal ng laman ng mga drawers nyo."

"Ha? Bakit?" Nagtataka kong sagot.

Twenty Reasons To Unlove YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon