Maaga akong nagising ngayon siguro dala ng excitement sa parating na flight ko sa weekend. Nagulat nga si Chester na naunahan ko siyang nagising gayung anong oras na kagabi ay nag-eempake pa ako. Sabado kasi ng umaga ang flight ko kaya minabuti ko nang mag-empake kagabi.
Pagdating ko ng opisina agad kong sinimulan ang mga articles for editing for June Issue ng magazine. Nakapili na rin naman kami ng cover at centerspread photos. Gusto ko masigurong tapos lahat ng responsibilidad ko hanggang sa susunod na dalawang linggo para wala naman sila masasabi sa akin kahit naka-leave ako ng matagal. Pagpatak ng alas otso ng umaga, nag ring ang telepono sa ibabaw ng mesa ko.
"Hello."
"Ms. Nick, good morning. Tawag po kayo ni Ma'am Mitch."
"Okay, Jenny. Papunta na ako."
Pagpasok ko sa opisina ni Ma'am Mitch, seryoso ang mukha nito at nakakunot pa ang noo.
"Hindi ko alam paano sasabihin ito sa iyo," pagsisimula ni Ma'am Mitch.
Bahagyang kumunot ang noo ko pero nanatili akong tahimik para hayaan siyang magsalita.
"Kinausap ako ni Paul noong Biyernes ng hapon. Nagsi-uwian na kayo noon kaya ngayon ko pa lang sasabihin sa iyo," pagpapatuloy ni Ma'am Mitch at saka niya pinagsaklop ang dalawa niyang kamay at inilapag sa kanyang mesa.
"Ano pong sinabi ni Sir Paul?"
"He filed his resignation. Sinubukan kong alukin ng mas mataas na sweldo para hindi umalis pero ayaw talaga."
Nanlaki ang mga mata ko, "Bakit daw po siya aalis?"
"Apparently, he got a better offer at Uno Media Incorporated." Napasandal si Ma'am Mitch sa kanyang upuan. Halatang disappointed ito sa pangyayari.
Bigla kong naalala ang biyahe ko sa weekend, huwag naman sana maapektuhan ang bakasyon ko. "Kailan po ang last day niya?"
"He will turn over to you everything in two weeks starting today, tapos terminal leave na sya for remaining one month."
Nangilid ang luha ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Paano ang bakasyon ko? Handa na ang lahat. Bakit naman ngayon pa?
"I am sorry, Nick. You have to cancel your vacation leave. Kapag nakapag-adjust ka na sa bago mong posisyon, I promise you ako ang sasagot sa plane ticket mo."
Tumango na lamang ako kay Ma'am Mitch. Hindi ko na rin naintindihan yung iba pa niyang sinabi. Tulala akong lumabas ng opisina niya. Paano ko sasabihin kay Chester na hindi ako tutuloy sa pagpunta sa kanya?
Matapos akong kausapin ni Ma'am Mitch, agad siyang nagpatawag ng staff meeting ng Showbiz Mag. Tulad ko, nagulat ang lahat sa balitang paglipat ni Sir Paul sa Uno Media. Hindi rin napigilan nila Vanessa, Candy at Angel ang sabay-sabay na pag-irap sa akin nang i-anunsiyo ni Ma'am Mitch na ako ang hahalili kay Sir Paul. Lalo pa silang nagbulungan nang sabihin ni Ma'am na si Layla ang magiging Associate Editor bilang kapalit ko.
"Since hahawakan pa rin ni Layla ang social media, gradual muna ang ibibigay mong trabaho kay Layla, Nick, and Marco will assist you sa management decisions sa magazine."
"Copy po, Ma'am," malungkot kong sagot.
Tumango sa akin si Ma'am Mitch na tila ba sinasabi niya sa akin na kakayanin ko ang trabaho bago siya bumaling sa lahat. "I want everyone to cooperate."
Iyon lang at lumabas na ng conference room si Ma'am Mitch.
"Wow, promotion!" Pagpaparinig ni Angel sa akin.
Napailing naman si Stan sa sinabi ni Angel at saka ako nilapitan, "Alam kong overwhelmed ka pa. Remember that my team will support you. Kaya natin ito!"
BINABASA MO ANG
Twenty Reasons To Unlove You
RomanceNickelle Atienza and Chester Sy have been best friends since they were kids. Chester is the average boy best friend, who is overly protective of Elle. With all of Chester's efforts and care for his best buddy, Elle falls in love with him, even thoug...