Naging abala ang buong opisina sa mga sumunod na araw bilang paghahanda sa Anniversary ng Showbiz Mag. Sa akin naiatas ang paghingi ng anniversary greetings ng mga sikat na artista. Dahil tuwing Linggo natitipon ang mga sikat na artista sa variety show ng bawat network, dalawang magkasunod na Linggo ko ini-schedule ang paghingi ng greetings.
Last week, sinamahan ako ni Layla sa Channel 10. First time ko siya makasama sa trabaho sa labas ng opisina at sobrang nag-enjoy ako. Pero ngayong araw, si Vanessa ang kasama ko. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko baka kasi sa Channel 21 naman niya ako ipahiya tulad ng ginawa nila ni Angel sa Watsons dati. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pagsigaw ng konduktor ng sinasakyan kong bus.
"Ortigas! Yung mga bababa diyan ng Ortigas!"
Agad kong pinindot ang button upang ipaalam sa driver na may bababa. Tumayo ako at saka lumapit sa estribo. Pagbaba ko ng bus maingat akong tumawid sa sakayan ng jeep patungo sa opisina. Doon ang meeting place namin ng crew ng advertising department at ni Vanessa.
Pagbaba ko sa back entrance ng building, nasa baba na ang crew. Maya-maya ay dumating na din si Vanessa. Narinig ko si Ivan, ang videographer, na may kausap sa phone at sinasabing kumpleto na kami. Hindi kasi available si Kuya Mario kaya ang service ng Advertising Department ang gagamitin namin.
Makaraan ang dalawang minuto, isang puting Starex Platinum na heavily tinted ang nagpark sa harap namin. Agad na kumilos ang dalawang assistant ni Ivan at dinampot ang mga gamit. Binuksan nila ang likod at saka ikinarga ang tripod at ilan pang gamit. Nanatili kami ni Vanessa na nakatayo at nagmamasid lang. Siguro tulad ko ay nahihiya rin si Vanessa na sumakay agad sa van dahil hindi naman sa Publishing Department iyon.
"Bakit sosyal ang service van ng Advertising, sa atin mas mumurahing klase," mahinang saad ni Vanessa. Nagpanggap akong walang narinig.
"Ms. Nick, Ma'am Vanessa, tara na!" Pag-aya ni Ivan na akmang magbubukas na ng pinto sa tabi ng driver.
Naunang naglakad sa akin si Vanessa na agad naupo sa unang hilera ng upuan, nang papasok na ako ng van, agad akong pinigilan ni Ivan, "Ms. Nick dito po kayo sa harap.
Napakunot ang noo ko. Binuksan na din ni Ivan ang pinto kaya sumunod na lamang ako. Akmang hahakbang na ako para makaupo sa harap nang mapatingin ako sa nakangiting driver sa akin. Nagulat ako sa pamilyar na mukha.
"Wala bang good morning?" Nakangiting bati ni Marco.
Napansin ko ang pagkagulat ni Vanessa na nakaupo sa likod ni Marco pero hindi ko na lang pinansin.
"Bakit ikaw ang magda-drive?" Hindi ako makapaniwala na mismong si Marco ang kasama namin mag-shoot today.
"Nagkasakit yung anak ni Mang Nestor, kailangan dalhin sa ospital kaya sabi ko ako na lang sasama sa inyo," nakangiti pa rin nitong sagot sa akin.
Nang makaupo ako nang maayos at maisuot ang seatbelt muli akong lumingon sa kanya, "Hindi ba nakahihiya at naistorbo namin ang weekend mo?"
"Wala naman akong gagawin sa bahay ngayon. Kukulitin lang ako ni mama," sagot ni Marco habang nakatingin sa daan.
Napatango na lamang ako at hinayaang magmaneho si Marco. Napansin ko na mas mabilis siya magpatakbo kumpara kay Chester na maingat magmaneho. Bigla kong na-miss ang bestfriend ko. Halos isang buwan na mula nang makauwi si mommy sa bahay kaya sa condo na n'ya ulit umuuwi si Chester at tuwing Friday na lamang kami sabay na umuuwi. Hindi pa rin kami nakalalabas para mamasyal dahil pareho kaming busy ngayon.
Pagdating namin ng Channel 21, agad kaming dumiretso sa Studio 10 kung saan ginaganap ang variety show na Linggo-linggo ang Saya!
"Saan tayo?" tanong ni Ivan sa akin.
BINABASA MO ANG
Twenty Reasons To Unlove You
RomanceNickelle Atienza and Chester Sy have been best friends since they were kids. Chester is the average boy best friend, who is overly protective of Elle. With all of Chester's efforts and care for his best buddy, Elle falls in love with him, even thoug...