More than 15 minutes ko nang hinahaplos ang likod ni Chester pero wala pa rin siyang sinasabi kahit na isang salita. Nag-aalala na ako. Na-trauma yata si Chester ng dahil sa akin. Does he have acrophobia?
Naupo ako sa tabi ng bestfriend ko, "Chester, please tell me you are okay."
Nilingon niya ako at bigla akong niyakap ng mahigpit, "Elle, akala ko mamamatay na ako kanina. Akala ko mahuhulog ako."
"I'm so sorry. Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi na kita niyaya sumakay."
Nanatili kaming magkayakap ng ilang minuto bago ko naramdaman ang unti-unting pagluwag ng kanyang yakap sa akin at saka niya ako hinalikan sa noo.
"Okay ka na ba?"
Tumango si Chester at saka niya kinuha ang bote ng mineral water sa pagitan namin. Ininom nya iyon hanggang sa makalahati.
"Uwi na tayo?" pagyaya ni Chester sa akin.
"Kaya mo na ba magdrive?" nag-aalala kong sagot.
Hinawakan niya ang pisngi ko at saka ngumiti, "Opo."
Kinaumagahan, 6:00 pa lang ng umaga ay gumising na ako. Kagabi pag-uwi namin ni Chester, usapan namin ni mommy ay sasamahan ko siya sa palengke today. Naghalf bath lang ako ng mabilis dahil naligo naman ako kagabi at nag shampoo, pagbalik namin mamaya at saka ako ulit maliligo kasi siguradong didikit sa akin ang amoy ng palengke. Nag denim pants, black baby tee at Birkenstock slippers lang ako.
Pagbaba ko, narinig ko na may tao sa kusina kaya naisip ko na naroon si mommy. Laking gulat ko na naroon din si Chester.
Humalik ako kay mommy, "good morning," at saka ko binalingan si Chester, "Bakit nandito ka?"
"Sasamahan daw n'ya tayo mamalengke," si mommy ang sumagot bago tuluyang ubusin ang kape sa mug nya.
Chester is wearing black Nike Training shorts, white t-shirt, and Birks. Napalunok ako dahil halos hapit sa katawan niya ang t-shirt at pansin ang V-shape niyang katawan.
"Hindi ka ba magkakape muna?" Tanong ni Chester na agad tumayo para kuhanan ako ng kape sa coffee maker.
"Pagbalik na lang natin."
Bumili si mommy ng dalawang kilo na shrimps, crabs, mussels, squid, pork liempo for bbq and chicken wings. Pagdating namin sa bahay, tinulungan ko si mommy maghugas ng mga pinamili namin at saka ko itinago sa chiller para ma-preserve and freshness ng seafoods. Tinimplahan ko na rin ang liempo para mamaya iiihaw na lang bago ako umakyat para maligo dahil super amoy palengke ako.
Dumating sina Ate Marigold at Kuya Geoff kasama ang pamangkin ko na napaka cute bago mananghali kaya sabay-sabay kaming nagtanghalian at super na-miss ko ang ganitong eksena. Mula kasi nang mamatay si Daddy, nagdecide si ate na magstay sa province dahil lagi niya naaalala si Dad at wala na siyang ginawa kundi umiyak gabi-gabi. Sa province na rin niya nakilala si Kuya Geoff at doon na rin sila ikinasal.
"Sino- sinong mga bisita natin mamaya?" Tanong ni ate sa akin.
"Hindi naman ako nag-invite, ate."
Agad namang sumabat si mommy, "Sina Chester lang."
Napatingin sa akin si ate, "Sila pa ba nung girlfriend niyang paranoid?"
Natawa kami ni Kuya Geoff sa sinabi ni ate Mari.
Agad namang siyang pinanlakihan ng mata ni mommy para suwayin sa sinabi niya, "Mari!"
"Totoo naman," humaba ang nguso ni ate at saka ito tumingin sa akin, "Insecure yun kay Elle kasi siguro ramdam niya na mas importante ka kay Chester."
BINABASA MO ANG
Twenty Reasons To Unlove You
RomanceNickelle Atienza and Chester Sy have been best friends since they were kids. Chester is the average boy best friend, who is overly protective of Elle. With all of Chester's efforts and care for his best buddy, Elle falls in love with him, even thoug...