Chapter 43

224 10 0
                                    


Napatingin ang dalagang si Dennise kay Alyssa, kita nya ang sakit at lungkot sa mga mata nito, dahil alam nya kong gaano ni alyssang iniidolo ang lolo nito at kong gaano nya ka mahal ang matanda.

Si lolo ang nasa likod kong bakit hindi mahuli huli ang pamilya nila. Tumulo ang luha ni alyssa simula... simula ng naloklok si lolo sa pwesto nya sya na ang nagbibigay proteksyon sa mga evangilista. Hindi ko alam Den, hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Ang hirap ang bigat bigat sa dibdib...

Agad na nilapitan ni Dennise si Alyssa at niyakap ito ng makita nyang nagbreak down na si alyssa, awang awa si Den kay alyssa dahil ramdam nya ang sakit at takot sa mga salitang pinapakawalan ng dalaga.

Hindi ko alam kong ano sasabihin ko ly, for now huminahun ka mona.

Anong gagawin ko Den? Anong gagawin ko?

Gawin mo ang tama ly, hayaan mo na ang batas ang humusga sa ginawa ng lolo mo.

Pero makukulong si Lolo Den, masasaktan ko si nanay. Ayaw ko ng ganon den, mahal ni nanay si Lolo.

Hindi alam ni tita?

Walang may nakakaalam Den, kahit pa sina ate jov at ang mga kapatid namin ay hindi ito alam.

Muling niyakap ni Den ang dalaga at hinagod ang likod nito upang patahanin.

Baka may matinding dahilan ang lolo mo kong bakit nya ginawa yon ly, Mabuti pang kausapin mo mona sya siguro bago mo tuloyang sabihin sa pamilya mo ang nalaman mo. Hinawakan ni dennise ang magkabilang pisngi ni alyssa pagkatapos ay tinignan ito sa mga mata. Pero tandaan mo ly, hindi ibig sabihin na ginawa ng lolo mo yon ay katulad ka din nya. Hindi dahil ginawa nya yon ay ginusto nya na, pero hindi ibig sabihin non ay tama ang ginawa nya. Tandaan mo ly, ano man ang dahilan ng lolo mo, mali paring pinagtakpan nya ang pamilya Evangilista. Umaasa akong magiging patas ka ly, dahil simula noon ay ganyan ka naman. Sana ay manatili kang ganyan, isipin mo lang ang mga innocenting tao, na naging mapangahas dahil sa mga maling Gawain nina Nico.

Umiiyak na patango tango si alyssa kaya naman niyakap ito ni Dennise at muling hinagod ang likod nito

Andito lang ako, hindi kita iiwan. Tutulongan kita, hahanap tayo ng paraan na makakabuti sa lahat.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Isang lingo ang naka lipas simula ng mag usap si Dennise at si Alyssa habang magtatlong araw na din simula ng makalabas si bea sa hospital

Hoy... kinalabit ni Kianna si Bea, na kasalukoyang nasa rooftop. Anong ginagawa mo dito? Balak mo bang bumalik muli sa hospital?

Ikaw, balak mo ba akong ibalik sa hospital?

Hindi syempre, pero kong gusto mo, pwede kong sabihin kina Alyssa at Dennise na gusto mo.

Eh kong ihampas ko kaya yang upoan sayo, gusto mo?

Kalma lang, highblood agad eh...

Tigilan mo nga ko Kianna, ano bang kailangan mo?

Wala napatingin sa malayo si Kianna, pagkatapos ay napa singhap ng hangin at napa ngiti. Naisip ko lang umakyat dito.

May problema ba?

Eh, ikaw may problema ba?

Kilan pa naging sagot ang tanong sa tanong, Kim Kianna Dy?

The Miracle Argle(ft. Lady Eagles, Lady Spiker And Gonzaquis)Where stories live. Discover now