Chapter 42

232 5 0
                                    

Boss yumukod ang butler sa harapan ng dalaga may tawag po kayo.

Kinuha ni Alyssa ang teleponong inabot ng butler, pagkatapos ay sininyasan nya na itong pwede ng lumabas.

This is Alyssa Valdez, speaking.

Ilang besis ko bang sabihin sayo na wag kang sumawsaw sa gulo ng gobyerno!? Pinapa hiya mo lang ang pamilya!

Mawalang galang na po, pero tungkolin kong tulongan ang gobyerno, ginawa ko lang kong ano ang tama at kong ano ang nararapat.

Ang yabang mo! Ano na ba ang ipagmamalaki mo!? May nagawa kana ba para sa council!?

Wala pa po. Pero asahan nyong, hindi ako gagawa ng bagay na makakasira sa reputasyon ng pamilya at sa buhay ng ibang tao. Asahan nyong hindi ako gagawa ng bagay na katulad ng mga ginagawa nyo.

How dare you!? lolo po parin ako! Anong karapatan mong pagsabihan ako!? Bakit ano ba ang nalalaman mo!? Ang yabang mo, akala mo kong sino kana, naka upo ka lang sa pwestong binigay ko!

Hindi ko hiningi sayo ang pwesto na to, ikaw ang kusang lumapit sakin at sapilitang pinamana ang posisyon nato, bakit? dahil alam mong kaya mo kong kontrollin?Dati ko ng sinabi sayo, lilinisin ko ang mga bagay na hindi mo nagawang linisin.  Anong nalalaman ko? Marami, marami pa sa inaakala mo. Pero, wag kang mag alala dahil kahit kilan ay hindi ako tutulad sayo. Ang pagpoprotekta mo sa mga maling gawain. Pagsira ng mga ibidensya, ang pagbayad sa mga taong nais na magsalita, wag kang mag alala lahat ng yan ay hindi ko susundin, pero ako ang puputol at titigil.

Narinig ni alyssa sa kabilang linya na may nabasag na bagay, at hinihingal ang kausap nya.

Paano mo nasikmura ang mga ganon? Ganyan na ba ang nagagawa ng pera't kapangyarihan sayo!? All this time, ganito na pala ang mga ginagawa mo. Kaya ka pala galit na galit sakin lolo ni Dennise, dahil alam nya ang lahat ng mga Gawain mo. Nakakahiya! Nakakahiyang alamin na syang nasa mataas na pwesto ay sya ring nangungunang protector! Kaya pala walang tewala ang council sakin, dahil sa mga maling Gawain mo!

You Bitch!!!

Magalit ka kong gusto mo, pero kagaya ng sinasabi ko sayo noon paman, Ginagawa ko lang ang tama, at ang nararapat. Pero wag kang magkakamaling lapitan o kong ano man ang gagawin mo sa ang mga taong mahahalaga sakin, dahil hindi ako magdadalawang isip ipa alam kay nanay ang mga Gawain mo. At, wag mong hintaying tuloyan na akong mawalan ng respito sayo!

Hindi na hinintay pa ni Alyssa ang sagot ng kausap nya at pinatay na ang tawag, inis na binagsak ni alyssa ang telepono sa kanya lamesa pagkatapos ay inis nya ding nilokot ang mga papel na binigay ni ish sa kanya.

--------------------------------------------------------------------

Dalawang  linggo ang naka lipas simula ng nangyari ay hindi pa din nagpapakita si Alyssa sa mga kaibigan nya at tanging si Dennise lang kanya na kakausap.

Do you had plan to go back pa ba? O magmumukmok kalang dito sa opisena?

Not now Dennise.

Not now!? That bull shit Alyssa! Ano bang problema mo!? Mag dalawang linggo ka ng ganyan, sabihin mo Ilang linggo pa ba ako mag hihintay bago mo sabihin sakin ha!?

Just leave me alone! I never tell you to wait! I never told to come! Ano ba kita ha!? Kaylangan ko bang sabihin sayo lahat ha!? Girlfriend ba kita ha!?

Natigilan si Dennise sa sigaw ni alyssa sa kanya, habang si Alyssa naman ay nahimas masan sa kanyang sinabi.

Right, ano mo nga ba ako?

The Miracle Argle(ft. Lady Eagles, Lady Spiker And Gonzaquis)Where stories live. Discover now