Chapter 44

281 6 1
                                    

Anong nangyari?

Hinalikan ni Alyssa sa noo si Dennise na kasalukoyang nasa sala kasama si Kianna, rad at jov. Nilapitan ito ng kanyang kapatid at kinuwento ang buong pangyayari.

Sorry, hindi ko naman akalain na ganon ang magiging reaksyon nya eh.

Bakit mo nga kasi sinabi yon?

Para mataohan nga sya, ang hirap kayang tignan na nag iiwasan silang dalawa, habang nasa isang bubong lang naman sila.

Ewan ko sayo Kianna. Napa iling si dennise paano kong may nangyaring masama kay bea? Ano sasabihin natin sa mga magulang niya?

Tama na yan Dennise ang importante ay okay lang si Bea

Tama ang ate mo Den, sabi naman ni Doc Gomez ay na pwersa lang ang sugat ni Bea kaya dumugo, at wala tayong dapat na ipag alala.

Lumapit si alyssa kay dennise at pailing natinignan ang kaibigan nila

Lakas kasi ng trip. Sa dinadami dami ng pwedeng imbintohing kwento bakit yong aalis at lilipat pa ng eskwelahan si jho.

Eh, yon lang ang paraan na naiisip ko eh.

Wag mo ng uulitin yon Kianna ha, ilalaglag talaga kita sa rooftop kapag muli mong ginawa yon.

Opo ate Rad hindi na po talaga mauulit. Tinignan si Dennise na inis na inis sa kanya Den sorry na, hindi ko talaga sinasadya. Gusto ko lang naman maging okay sila, yong aminin nila na mahal nila ang isa't isa.

Hindi naman ako galit, bakit ka nag sosorry. Kay Bea mo dapat sabihin yan, loko loko ka kasi.

Napa kamot si Kianna sa kanyang kilay, habang ang apat na dalaga naman ay napa iling nalang. Magsasalita sana si Rad ngunit nakita yang pababa ng hagdan ang isang manlalaro nya.

Des, may kaylangan ka ba?

Natigilan si Kianna ng marinig nya ang pangalan ni Des, kita naman ng mga kasama ng dalaga ang pagbago ng expresyon nya.

Cr lang po ako.

Nagtaka naman sina Alyssa sa pagbago ng mood ni Kianna, habang si Des naman ay hindi pinansin si Kianna na dumaan sa kanyang gilid. Mas lalong nagtaka sina Den ng hindi man lang nagpansinan ang dalawang dalaga at parang hangin lang ang mga ito sa isa't isa.

Des... Okay ka lang ba?

Opo ate rad, bakit nyo po na tanong?

Wala wala.... Sya nga pala, may sasabihin ka ba?

Opo, gising na po si Bea ate, at pinapasabi nya po, na wag nyo pong pagalitan si Kianna, dahil wala po daw itong kasalanan.

Mabuti naman, sya sege aakyat din kami mayamaya lang, sabihin mo na din sa iba na magpahinga na sila.

Sege po ate. Good night po sa inyo.

Tumalikod na si Des para umakyat ng tawagin ito ni Jov.

Des muling humarap si Des sa apat na dalaga kapag may problema ka, pwede mong sabihin samin, wag mong kimkimin Des ha, nandito lang kami na mga ate mo.

Ngumiti lang ng maliit si Des, pero kita nina Alyssa sa mata nito ang sakit at lungkot, muli ay nagpaalam ng umakyat si Des, na syang pagbalik ni Kianna sa sala.

Tagal ah, kala namin naka tolog kana.

Matotolog na nga sana eh, kaso naalala ko banyo pala yon.

The Miracle Argle(ft. Lady Eagles, Lady Spiker And Gonzaquis)Where stories live. Discover now