Dear Diary,
Hi! Ako nga pala si Alonna Mailey Buenaflor. You can call me Alone. Ako si Alone na palaging alone. Hehe. Ayos ba? Palagi nga akong inaasar ng pangalan ko eh. Huhu.
Alam mo ba?
Unang kita ko palang sayo ang gaan na ng loob ko. Ikaw yung nagstand out sa dinami rami ng notebooks na nandun. Siguro dahil kulay black ka at isang girl na walang emotion ang cover page mo. Para tuloy nakita ko ang sarili ko sayo. *chuckles* Rinig mo ba tawa ko?
Anyways, let me give you a background of myself. Kasi kilala na naman kita ehh ako di mo pa kilala. Ikaw si Diary diba? Nyehe.
Nagmula ako sa isang simple but happy family. Hindi kami mayaman, pero hindi rin naman ganun kahirap. College na ako, 18 years old, 5'3 ang height, 43 kilos, and... what else? Oo magaan talaga ako, payat ko kasi. Ewan ko ba? Ang dami ko naman kumain pero di ako tumataba.
Elementary and high school, public school lang ako. Hindi nga kasi kami mayaman. Pero nag aaral akong mabuti at palagi akong may medal every end of school year.
Lovelife? Hmm. Wala ako. Well, i'm a manhater. Wayback in high school kasi ako lagi pinagsasabihan ng iba kong classmates na girls about their heartbreaks. Take note, "classmates" as in yung iba, di ko kaclose or di ko friends. And their reason for telling me those things was that i'm a quiet person and they know that I would listen and that I wouldn't tell others about it. And almost all of them, at the end of their cries, would tell me, "Basta ikaw Alone, wag ka munang maiinlove." and I would answer them "Of course!".
I have heard every kind of relationship problems and most of it eh yung mga panloloko, pambababae at pagsisinungaling ng mga lalaki. And the result? Tenen!! Manhater Alone! Ehrm. That "Alone" word is my name. Please don't get confused.
But you know what? I've tried it once. Yung kilalanin ang isang lalaki. Yung iconvince ang sarili ko na hindi sila parepareho. Well, alam ko naman hindi, and my father would be the best example. True love kasi nila ni mama ang isat isa.
Pero yung "try" kong yun? Sobra ko syang pinagsisihan. You know why? Because i'm a loser. Natalo ako sa larong ito na tinatawag nilang "love".
Nagmahal ako, for the first time. Nagkakilala kami sa facebook. Uhuh. Well, he's unique, and a total stranger. At yun ang dahilan kaya naisip kong maybe iba sya sa kanila.
That was vacation. And so I can have all my time chatting with him. I never get bored when I'm talking to him. Sa umaga, tanghali, sa gabi, hanggang sa oras ng pagtulog, magkausap kami. Syempre pag may time lang sya.
Kung nagkita kami? Hindi. Kasi nasa ibang bansa sya para magtrabaho. Nakausap ko pa sya noon bago sya umalis papuntang Korea. He's 20 but when I'm talking to him, parang mas bata pa sa akin ang kausap ko.
Sa tinagal tagal ng usapan namin, mas lalo naming nakilala ang isa't isa. Hindi sya mahirap magustuhan.
Hanggang sa isang araw, nalaman ko na lang na may girlfriend na sya. Syempre nalungkot ako. Naisip ko, para san yung mga oras na yun? para san yung mga sweet messages? para saan yung pagiging thoughtful and caring? bakit ganun sya sa akin?
Nung malaman ko yun, sinimulan ko nang ilayo ang sarili ko sa kanya. Pero masyado na palang huli ang lahat. Kasi habang lumalayo ako, I keep on looking back, and I just can't leave. And that was the time na narealize kong mahal ko na pala sya. Bumalik ako sa dating gawi. Chat kung kelan may oras. Pero pinangako ko sa sarili kong hindi nya malalaman kung ano man tong nararamdaman ko.
Pero dumating sa point na nagtatanong na ko sa sarili ko, "ano ba talaga kami?'" Sobrang naguguluhan ako at walang nagawa kundi iiyak na lang lahat. At siguro napansin nya yun bitterness sa bawat messages ko. Until one day na ganun na kaobvious kaya sya na mismo ang nagsabing hindi pwede.
Masakit na sa kanya mismo manggaling. Pero naging friends parin kami. Every night umiiyak ako, pero okay lang kasi nandyan parin sya. Ganun na ako kamartir. Hayh.
Days passed. Until that day na hindi na sya nagparamdam. Tinuring ko yun na isang sign para tigilan na ang kalokohan ko. At sa sobrang broken ko, nagawa kong ipaputol ang buhok ko. Shoulder level.
Well, matagal na yun. Ganun talaga ang buhay. Mahaba na rin ang hair ko ngayon. Kasi matagal na nga yun. But he's still in here. May parte parin sya sa puso ko. Tanga no? Actually may isa pang issue tungkol sa kanya pero saka ko na lang ichichika. Masakit kaya.
Friends? Meron naman. Kaso hindi ako ganun kawelcome. I never felt belongingness in them. I always feel alone. Yah mapang asar talaga ang name ko.
Well, what can I do? I'm just a nobody. tsaka kaya ka nga nandyan ehh. Kasi simula ngayon, ikaw na bestfriend ko. Okay?
Love,
Alone
I closed the notebook as soon as I finished then immediately went to my bed.
" As usual... This is how this day would end." I inhaled a deep breath and closed my eyes.
" I hate this boring life. "
BINABASA MO ANG
Diary of A Loner
Teen Fiction"Sanay akong mag-isa simula pa noon. Pero simula nang dumating sya, sila, nagbago ang lahat... Sanay ako... sanay naman ako dati."