Chapter 5

25 3 1
                                    

Clyde's POV

Maaga akong nagising.

Excited kasi ako! ^_______^
Susunduin ko ngayon si Sungit.

Hmmm. Bakit ko nga ba sya kinukulit? Kasi... Ahh-- ehh-- Ewan ko din! ^____^

Ang cute cute nya kasi kapag naaasar na sya. Lumalabas yung maliit nyang dimple sa ilalim ng left side ng labi nya.

Tapos ang bilis bilis nya pang mapikon. Nag eenjoy tuloy ako. ^_______^

Nasa labas na ngayon ako ng bahay nila sungit.

Kung paano ko nalaman? Tinanong ko kasi sa guard ng village. Buti na lang sila lang pala ang Buenaflor dito.

Teka, paano pala nya malalaman na andito na ko eh wala pa nga pala akong number nya.

Aww. Puro kagwapuhan na lang kasi ang pinapairal mo Clyde. Minsan nakakalimutan mong gamitin ang utak mo. ^___^ V

Maya maya naman ay may babaeng lumabas sa bahay nila.

" Good morning po! Nandyan pa po ba si Alone? Susunduin ko po kasi sya. " tanong ko sa kanya.

Nakatulala lang sya sa akin. Siguro nanay to ni Sungit. Parehong pareho ng reaksyon nya pag natutulala.

" A-ahh? I-iho... n-nililigawan mo ba ang anak ko??! " hehehe.

" Hehe. Hindi po. Pero pag iisipan ko po yan. " napakamot na lang ako sa batok ko.

After nun marami pa syang itinanong sa akin na mga kung ano ano. Tapos pinapasok nya na din ako.

Tulog pa pala si Sungit. -_____- Pero okay lang kasi maaga pa naman. May 2 hours pa bago ang first class namin. Mabuti na lang pala maaga ako.

Rinig na rinig ko ang tawag ni tita kay sungit. ( sabi nya tawagin ko daw syang tita ehh. )

* Princess!! Wake up! Andito na ang prince charming mo! " * nasa taas kasi sila. Samantalang ako naman andito sa sala.

Natawa na lang ako. May bago na naman akong itatawag kay sungit. ^______^

*****

Alone's POV

" Princess!! Wake up! Andito na ang prince charming mo! " nagising ako sa sigaw ni mama.

Ugh.

" Come on! Bangon ka na dyan. Wag mong pag intayin ang prince mo. Ang gwapo gwapo pa naman nya!! Iiiiihhhh!! Dalagang dalaga na talaga ang princess ko! " tinapik tapik pa ako ni mama na para bang kinikilig.

Matagal ko na namang tanggap yung ganitong morning sickness ni mama. -___-

" *chuckles* Ma... Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Baka nananaginip ka pa. Tulog mo na yan. " sabi ko habang nakapikit at nakayakap sa garfield pillow ko.

Antok pa ko ehhh. >3< Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa cyanide na yun.

" Wala! Susunduin kita bukas. Bye! "

" Wala! Susunduin kita bukas. Bye! "

" Wala! Susunduin kita bukas. Bye! "

" Wala! Susunduin kita bukas. Bye! "

" Wala! Susunduin kita bukas. Bye! "

Paulit ulit kong naririnig sa utak ko yung sinabi nya kahapon.

Napamulat na lang ako nang maalala ko si cyanide.

Napabalikwas ako ng bangon at tumungo kaagad sa pinto hanggang sa hagdanan at napatigil na lang ako nang makita ang isang cyanide with that same smile.

Diary of A LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon