Chapter 8

38 3 2
                                    

Drake's POV

Alone's family is really nice. They're almost perfect indeed.

Yun yung bagay na kahit kelan hindi ko naranasan. Maswerte sya na meron syang masayang pamilya.

Anyways, let's cut the drama off. Psh.

It's monday at papasok na ngayon si Alone. Umuwi na din sya nung sabado at hindi na nagpa examine kasi ayaw nya talaga.

Psh. Isip bata. -_-

Papasok na ako kanina ng classroom nang may madaanan ako sa hallway.

Napatigil na lang ako at kinuha ang bagay na yun.

Napangiti na lang ako. Alam ko na yung hihingin kong kapalit sa babaeng yun.

Alone's POV

I can't believe na papasok na naman ako sa school na to matapos yung nangyari. Well, life goes on and we can't change that.

Masakit pa yung binti ko at may benda parin kasi hindi pa masyadong magaling kaya naman pinagtitinginan ako ng mga estudyante habang naglalakad ako.

Ang iba siguro sa kanila ay may alam sa nangyari.

Pinipilit ko namang maglakad nang maayos kahit masakit

Balita ko nasuspend sina Ashley at mga alalay nya. Mas okay na rin kasi hindi pa ako handang mabully ulit.

Hanggang sa makapasok ako ng classroom ay ramdam ko ang mga matang kanina pang nakamasid sa akin. Do I really look stupid?

Nandoon na sina Drake, Clyde and Lance.
Sumulyap ako saglit kay Drake pero nakapikit lang sya habang nakaheadphones.

Kanina kinakabahan kasi talaga ako kung anong mangyayari. Kung papansinin nya ba ako o kung iiwasan. Ugh.

The day went well. Hindi talaga ako pinansin ni Drake buong klase. Okay lang naman kasi wala naman akong inaasahang pumansin sa akin kagaya ng dati. Maging si Clyde.

Palabas na ako kanina ng classroom nang may biglang humila sa akin.

" H-hoy! Bitawan mo ko! "

" Tsk. Wag ka na ngang magsalita! "

" Loko ka! Anong gusto mo? Kinakaladkad na nga ako pero wala man lang akong imik? "

" Tsk. Akala ko ba hindi ka nagsasalita? Pag nasa klase naman ang tahimik mo! "

" Paanong hindi eh wala namang kumakausap sa akin! "

" Eh bakit ka nagsalita hindi naman kita kinausap? "

" Reaksyon ko yun! Tsaka hinila mo ko! "

" Teka nga! Bakit ka na naman ba sumisigaw? "

" Ewan ko! Kasi sumisigaw ka din! "

" Ikaw ang naunang sumigaw! "

" Eh bakit ba? Gusto kong sumigaw eh!! Gusto kong sumigaw!!!! " halos maluha na ako sa pagsigaw noon. Nagsisigawan kasi kami habang hila hila pa ako ni Drake.. Buti na lang at wala na masyadong estudyante.

Tumigil sya at tumingin sa akin.

" Eh di sumigaw ka. " simple nyang sabi

" Kyaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!! Bwiseeeeeeettttttt!!!! " pagkasabi nya nun kaagad agad akong sumigaw.

Hinihingal ako matapos kong sumigaw. Grabe. Gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.

" Ha. Ha. Ang galing! Sumigaw ako!! Woooohhhh!! Achievement yun!! " ngiting ngiti naman ako. Ang saya palang sumigaw. Ngayon ko lang yun nagawa sa buong buhay ko!

Diary of A LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon