Alone's POV
It's been a week since that day happened.
Isang linggo na rin akong nabubully.
Yep. Nagpatuloy ang pambubully nila sa akin sa kabila ng paglayo ni Clyde sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit. Siguro dun lang sila masaya. Yung makitang nagdurusa ang isang tao.
Masaya ba ako? Hindi ko rin alam.
Malungkot? Siguro..
Ewan.
" Aww. The poor Alone is eating alone. " kumakain ako sa cafeteria nang marinig kong may nagsalita sa tabi ko. Nilingon ko lang sya. Sina Ashley.
Nagtatawanan lang sila.
" Wag kang mag alala sweetie.. Sasamahan ka ng spaghetti ko para naman hindi ka malungkot. " and with that, naramdaman ko na lang ang unti unting pagpatak ng spaghetti sa ulo at balikat ko. Kasabay nun ang pagtatawanan nila.
" Oh my goshh! Alam mo bagay sayo! Hahahaha. Pero mas bagay kung lalagyan pa natin yan ng juice! " sabi ng alalay ni Ashley. Pagkatapos naramdaman ko naman ang malagkit at malamig na juice na umaagos mula sa ulo ko hanggang sa mukha.
Wala na akong reaksyon. Sanay na naman ako ehh. And the last time na nanlaban ako, pinagtulungan lang nila ako at mas lalo pang napahiya.
Kung minsan, bigla bigla na lang may papatid sa akin sa daan, may mambubuhos ng slimes, or magkukulong sa akin sa isang kwarto at saka lang ako makakalabas kapag nagcheck na ang maintenance.
Do I really deserve this? Ginawa ko na naman ang gusto nila. Mag isa na ako gaya ng dati. At maging si Clyde, Drake at Lance, hindi na rin ako pinapansin at nilalapitan gaya na rin ng sinabi ko. Ni hindi man lang nila ako magawang tingnan kahit pa magkakalapit lang kami ng upuan.
Choice ko naman to diba? Kaya wala akong karapatang magreklamo.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi ko na lang sila tiningnan. Hindi ko na rin pinansin ang spaghetti at juice sa katawan ko.
Sanay na naman ako sa ganitong kahihiyan.
" Huh! Kawawa ka naman. Buti at alam mong wala na ring magagawa ang paglaban mo. Kasi hanggang hindi ka umaalis dito, hindi ka namin titigilan. " Ashley.
Kanina pa rin kaming pinapanood ng ibang estudyante dito sa cafeteria. Ang iba sa kanila, walang pakialam, yung iba tumatawa.
Patuloy lang ako sa pagkain at hindi sya pinapansin.
" Tingnan mo ko kapag kinakausap kita!! Isa ka lang basura kaya hindi ka dapat umaasta ng ganyan sa harap namin! " napatayo na lang ako sa higpit ng hawak nya sa braso ko.
Naiiyak na rin ako. Masama pa ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit nanghihina ako nitong mga nagdaang araw. Siguro dahil na rin sa kakaiyak at paulit ulit na pambubully nila.
" Ganyan! Hahahah! Nakakaawa ka talaga! Isa kang walang kwentang tao kaya iniwan ka na rin ni Clyde. Wala kang kaibigan at kahit kelan hindi ka magkakaroon! " nagtawanan na naman sila.
Tuluyan na akong napaiyak. Sobrang sakit na ipamukha sayo lahat. Na maging sa sarili ko ay nagagalit na ako. Yung araw araw kang nagsasuffer pero wala kang ibang mapagsabihan kundi ang isang diary.
Kahit sa mga magulang ko hindi ko sinabi. Ayaw ko silang mag alala. Ayaw ko..
Sobrang sakit na ng braso ko at feeling ko ay tatagos na ang mga kuko ni Ashley sa balat ko kaya naman napahawak na ako sa kamay nya. May spaghetti nga pala ang kamay ko.
" A-aray.. " ungot ko pero mukhang mas lalo lang syang nainis.
" Gosssshhh!! Don't touch me with your dirty hands!! Ewwww!" at pagkatapos nun ay itinulak nya ako nang malakas ngunit dahil nahihilo na ako ay nawalan ako ng balanse.
BINABASA MO ANG
Diary of A Loner
Teen Fiction"Sanay akong mag-isa simula pa noon. Pero simula nang dumating sya, sila, nagbago ang lahat... Sanay ako... sanay naman ako dati."