Alone's POV
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasa ibang lugar na ako. Sa isang... pamilyar na lugar.
Ospital.. Tama, nasa ospital nga ako. Madalas ako sa ospital nung bata pa ako. Sakitin kasi talaga ako.
Bumangon ako at napangiwi sa naramdaman kong hapdi sa binti ko.
" Gising ka na pala... " sabi ng lalaking kakapasok lang sa pinto. May dala syang isang supot ng mga prutas.
Si Drake.
Hindi ko alam pero nung nakita ko sya, naiiyak ako.
I don't know why. Siguro dahil nandito sya. Na sa panahong kelangan ko ng tulong ay dumating sya.
Isang lalaki. Nakakatawa na bilang isang manhater, isang lalaki pa ang magliligtas sa akin sa panahong kelangan ko ng tulong.
At mas nakakatawa na pakiramdam ko ngayon, utang ko ang buhay ko sa kanya.
Matapos nyang ilapag ang supot sa table na katabi ng kama ay humila sya ng isang upuan at naupo roon habang nagbabalat ng isang apple.
" Ahhm. D-drake... A-ano... Salamat. Salamat talaga.. S- " hindi ko na kayang ituloy ang sasabihin ko kasi ang sakit na ng lalamunan ko at naiyak na lang ako.
" Tsk. Iyakin. O kainin mo yan. " and now he's wearing that same face again. Pokerface.
Inabutan nya ako ng binalatan nyang apple. Kinuha ko yun pero tinitigan ko lang.
" Salamat talaga Drake. Salamat sa tulong mo. " pinilit kong magsmile sa kanya kahit feeling ko nanghihina parin ako.
" May kapalit yun. Anong akala mo? Makakalibre ka? Walang libre sa panahon ngayon Alonna Mailey Buenaflor. " then nagsmirk naman sya.
With that, parang medyo nainis ako.
" HAHH?! " napasigaw tuloy ako. >_< Bwiset na lalaki to. Tutulong tulong hihingi pa pala ng kapalit.
" TSK. WAG KA NGANG SUMIGAW! NAKAKAIRITA! "
" WAG KA RING SUMIGAW! AKALA KO PA NAMAN MABAIT KA TALAGA! "
" IKAW NA NGA ANG TINULUNGAN NANINIGAW KA PA! "
" WALA KANG PAKIALAM KUNG GUSTO KONG SUMIGAW! "
Pagkasigaw ko nun bigla namang may pumasok sa pinto.
" Princess! Wag mo naman sigawan si Drake. May utang na loob ka pa sa kanya. "
" Mama? Papa? " yup. Sila nga, and now i'm worried sick about how they would react.
Medyo OA kasi ang parents ko kasi nga only girl ako. Malamang palipatin nila ko ng school pag nagkataon.
" Psh. Princess huh? " rinig ko namang bulong nitong balugang nilalang na to. Di ko na lang pinansin.
" Princess, kumusta pala ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? Gosh, I couldn't even look at your wound. " si mama na maluha luha na. There she goes.
" Princess, we are really worried about you. Umuwi ako kaagad nung malaman kong naospital ka. " si papa naman.
So alam na ba nila? Ayokong lumipat ng school kahit sa kabila ng mga nangyari. Mahirap mag adjust kung sakali.
" Ma, Pa, let me explain.. I-- "
" You don't have to explain Princess. Napaliwanag na sa amin ni Drake. " si Papa.
" Pero po-- "
" Princess okay lang. Matagal na naman nating alam na may pagka clumsy ka talaga. Hahaha! "
Ehh? Ano daw?
BINABASA MO ANG
Diary of A Loner
Teen Fiction"Sanay akong mag-isa simula pa noon. Pero simula nang dumating sya, sila, nagbago ang lahat... Sanay ako... sanay naman ako dati."