Chapter Thirteen

15.5K 222 8
                                    

Chapter 13

Engagement


Hindi ko alam kung paano kung ano ang ipapakita ko sa mga nakakakilala sa amin ni Syval. Simula noong may nangyari na naman sa amin sa condo niya ay hindi na siya humihiwalay sa akin. Minsan pang nagalit si Daddy dahil halos apat na araw akong hindi umuwi sa bahay. Pero isang dahilan lang ni Syval ay nakalusot na kaagad ako.

Natapos ang final examinations namin ngayong araw at mamayang hapon ay nagkayayaan kaming magtungo sa isang pribadong isla na pag-aari ng pamilya ni Hunter para sa aming semestral break.

Si Syval ang nagpaalam sa akin. Kami lang nila Poly, Vana, Alexis, Syval at Hunter ang naroon sa limang araw stay namin, may mga mag-aasikaso sa aming mga tauhan nila Syval kaya ayos lang.

"Oh my gosh! I'm so excited!" Saad ni Vana.

Nakasuot na siya ng summer dress at handang handa na ang luggage ng magkita kita kami sa lagi naming tinatambayan na Café.

Nakahawak ang kamay ni Syval sa bewang ko habang hila hila niya sa kabilang kamay ang pinagsama naming gamit.

Nakasimangot sa akin si Poly ng makita ang p'westo namin. She pulled my other hand making Syval to tighten his grip on my waist.

"No, Poly." Masungit nitong sabi.

Mariin ang tingin niya kay Poly at busangot na ang mukha. Kung hindi lang siguro babae si Poly, baka nakatikim na siya ng suntok.

"Hihiramin ko lang, Syval! Saka hindi ba't si Harlyn naman ang girlfriend mo ngayon? Bakit ipinagdadamot mo si Sandrinna?" Matalim na pahayag ni Poly.

Kita ko ang pagsasalubong ng kilay ni Syval dahil sa sinabi ni Poly. He clenched his jaw and licked his lower lip before glancing back at me.

"Pinapaselos ko lang si Sandrinna... Hindi ko girlfriend si Harlyn." He said in between his deep sigh.

Napamaang ako sa kanya. Now that he's telling me his reason, I can't stop thinking of my jealous days. Iyong maaga akong uuwi para lang isipin buong gabi kung gaano sila kalapit ni Harlyn. Nagtagumpay siya sa ginawa niya. I was so damn jealous.

"Pwes, hindi siya nagseselos! As if naman!" Mataray na saad ni Poly at tuluyan na akong hinila.

Bumubulong bulong pa siya ng mga hinanakit niya habang hinihila ako palapit sa isang hammock. Nakasunod si Syval sa amin dahil ng lingunin ko siya ay naroon lang siya sa likod. Sumenyas ako sa kanya na pumunta nalang siya sa resthouse at dalhin ang gamit namin. He sighed deeply before he listened.

"Kung makadikit noong nakaraang linggo kay Harlyn parang linta. Ngayon naman para siyang tigreng bantay sarado sa biktima niya. Tsk. Boys can't stand having only one woman in his life. Kaya talaga dapat lang na ganoon rin kapag babae!"

Tuloy tuloy ang reklamo ni Poly habang marahan kong idinuduyan ang aking hammock. Nililingon ko lang si Poly sa tuwing may itatanong siya at sumasagot lang.

"Pinapaselos ka lang daw. Tsk. Siya nga iyang hindi nakatiis, e." Irap pa ni Poly.

In the end, I found her funny. Mas marami pa siyang reklamo kaysa sa akin. Parang iyong dapat na sinasabi ko ay siya na ang naglalabas.

Nagluto ang tatlong lalaki ng para sa tanghalian namin. As usual, nakadikit si Syval sa akin habang kumakain kami ay siya pa mismo ang nag-aalis ng tinik sa isdang kinakain ko. Kahit na pinagbabalat ko siya ng hipon ay ibinabalik niya rin iyon sa akin.

Kinahapunan ay nagpasya kaming magswimming. Ang tatlong lalaki ay naglalaro ng volleyball habang kaming girls ay nagtatampisaw sa dalampasigan. I enjoyed our stay there. Iyon nga lang hindi ko inaasahan ang balitang bibitawan ni Mommy pagkauwi ko sa bahay. We were eating our dinner when Mommy told me about the news. Sa gulat ko hindi ko alam ang isasagot ko.

The Forbidden FruitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon