Chapter 16
Delirious
My ballet training becomes more difficult. Mommy was so strict on my every movement. Pakiramdam ko nabawasan kaagad ang timbang ko dahil sa ilang araw na training ko. Today is Sunday, nag-aya sa akin si Syval na mag shopping kami. Ang sabi niya'y kailangan niya ng gamit sa condo niya, ako daw ang gusto niyang pumili kaya sa akin nagpasama.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mommy sa akin matapos kong magshower.
Bihis na ako at inaantay nalang si Syval para sa lakad namin. P'wede na akong lumabas. Napabalik ako sa harap ni Mommy. Inilapag ko ang pouch ko sa lamesa at kumuha ng tubig sa ref. She watched my every movement.
"May bibilhin daw po si Syval. He wants me to go with him." Saad ko.
Mommy did not say anything. Nanatili ang pangmamata niya sa akin na mistulang may malalim na iniisip. Isang tango ang isinagot niya pero hindi maalis ang tingin.
I was suddenly nervous. Did she know something? Kinakabahan ako habang pilit na binabaliwala ang ang tingin niya. I was silently praying that she's suspicious of something, not with my relationship with Syval.
"Si Syval..." She trailed when we heard a beep from our house. Natigil ako ulit sa akmang pag-alis. "He's engaged, right? Alam mo iyon... diba?"
I didn't know what she was thinking but after hearing her question. It's like I was hit with something. It was a hint that she's suspicious of us. She knows something between us two.
"A-Alam ko po, Mommy."
Gusto kong pumikit ng mariin. Kita ko sa mata ni Mommy ang kung anong panghuhusga.
"Alam mo naman siguro ang lugar mo, Sandrinna." Umiling sa akin si Mommy.
Nanginig ang tuhod ko. One question is on my mind. Paano nalaman ni Mommy. Did someone? Is it possible that Harlyn approached her? But it is too early to pinpoint someone.
"What do you mean by that, Mommy?" I asked.
She darted her eyes to me. Naglakad siya sa aming coffee table at may kinuhang envelope doon. Ibinagsak niya sa harapan ko ang iba't ibang litrato kung saan naroon ako at si Syval. I gasped so loud when I saw the stolen pictures. Mayroong magkahawak kamay kami, parehong nakangiti, nakaupo sa loob ng isang restaurant, nakahawak ang kamay ni Syval sa baywang ko habang naglalakad kami at mayroon pang habang magkahalik kami sa loob ng sasakyan niya at kinuhanan lang iyon sa konting siwang ng pinto ng sasakyan.
How is it possible to capture all of this?!
"Someone send those to me. What is this, Sandrinna?! Kailan ka pa naging ahas sa isang relasyon!" Malakas na paratang ni Mommy sa akin.
Nangilid ang luha ko habang hawak ko ang litrato sa aking kamay na unti unti ng nanginginig. I heard my phone started ringing. Para akong nabibingi sa lahat ng nangyayari. Who did this?
BINABASA MO ANG
The Forbidden Fruit
Teen FictionAlam ni Sandrinna na mali ang ginagawa nila. It is against the society. But she is tempted. Hindi niya kayang bitawan ang taong nagbibigay sa kanya ng kalayaang maranasan ang mga bagay na hindi niya nararanasan sa puder ng strikto niyang ina. What i...