“Kamusta?” si Natasha na ang bumasag ng katahimikang namumuo dito sa kwarto ko. Mas gusto ko dito na lang kaysa sa labas.
“Ayos lang. Hindi ka na nagpakita ah?” bigla kong nasabi. Ang alam ko’y nakauwi na siya pero ni hindi man lang siya dumalaw sa bahay tutal nakalabas na rin ako nun ng ospital.
“Masasaktan lang ako.” Narinig kong binulong niya. Oo, alam ko. Si ellise? Hindi ba siya rin iyon? Ng malaman ko yun ay nasaktan rin ako. Bakit ang pinsan ko pa? Marahil siya ay nasaktan ko rin. Nasa akin ang lalaking minahal siya at minahal rin niya. Mas nasasaktan ako e, naiipit ako.
“Hindi ko na kasalanan yun e.” biglaan kong nasabi na ikinagulat niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.
“Oo jes, alam ko. Pero naiinis ako sayo.” Nanahimik ako sa sinabi niya. Kinaiinisan nya ako?
“Bakit? Dahil ba kay Inigo? Ang babaw mo naman natash--“
“OO JES! DAHIL NASAYO SI INIGO! NASAYO NA ANG LAHAT! MAY MAALAGA KANG MAGULANG, MGA KAIBIGAN! LAHAT NA! PATI NA RIN ANG PAGMAMAGHAL NG LALAKI NA DAPAT AY NASA AKIN!” nakita kong ang pang gigigil niya na parang gusto niya akong patayin. Hindi ko lubos maisip na simula’t sapul ay ganyan na pala ang tingin sa akin ng isang pinsan na tinuturing ko ng kapatid.
“Bakit? Kasalanan ko pa ba yun? Naiingit ka sa kung anong meron ako? Hindi mo alam ang pinagdaanan ko e. Nakaranas pa ako ng mga pangaapi bago magkaroon ng mga kaibigan! Nagaral ako ng mabuti para matuwa ang mga magulang ko.. at yang lalaking sinasabi mo? ..
Kung sanang hindi mo siya pinakawalan.. edi sana wala siya sa akin ngayon!
Sinong may kasalanan ngayon? Di ba ikaw? Wag na wag mong kinukwestiyon ang mga bagay na meron ako dahil hindi ko na kasalanan pa ang mga iyon!”
nangilid na ang mga luha ko. Na kahit anong oras ay pwede na silang pumatak. Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako ng mga bagay na hindi ko naman sinasadyang mapasakin. Sabihin niyo nga sa akin! KASALANAN KO PA BA YUN?!
“Alam mo, gusto ko ng maayos na usapan. Pero kung sa ganito lang rin tayo mapupunta.. Mas mabuti pang wag na lang.” nang gigigil kong sinabi.
Lumabas ako ng kwarto at padabog kong sinara ang pinto. Naiwan siya sa loob WALA AKONG PAKIALAM. Bumaba ako at tumakbo palabas. Ayoko ng istorbo gusto kong mapagisa.
Naiinis ako sa mundo, bakit laging ganito? KAILAN BA AKO SASAYA?!
Dumiretso ako sa isang bakanteng lote dito sa may subdivision namin. Madamo at tahimik doon.
Gusto kong mapagisa. Umupo ako at umub-ob sa tuhod ko. Hindi ko na napigilan at kusa ng bumagsak ang mga luha sa mata ko.
Galit ako..
Inigo’s POV
Balak kong puntahan si Jessy ngayon. Tutulungan ko siyang bumawi sa ga kulang niya matagal tagal rin siyang hindi nakapasok. Actually matagal ko ng na prepare to, ung mga projects na hindi niya nagawa ay ako na ung gumawa para sa sakanya.
Pupunta ako sakanila para ibigay ito. Ang gagawin na lang niya ay ipasa itong mga ginawa ko ara naman makabawi siya sa mga grades niya.
Matapos ang klase ay uwi na ako para kunin ang mga iyon, nagbihis ako at sumakay na sa kotse.
Nag drive na ako papunta sakanil
Sa pag dadrive ko ay may nadaanan akong bakanteng lote. Ang alam ko parte it ng subdivision nila jes. Nilagpasan ko iyon..
Pero sa paglapas ko ay para bang ay nakita ako..
Hindi ako nagkakamali. Si jes nga. Anong ginagawa niya doon?
Kinuha ko ang ga ibibigay ko at pinark ang ktse sa hindi kalayuan. Naglakad ako papunta sa kinaroronan ni Jes. Napatigil ako ng ilang saglit dahil sa napansin ko..
Ang pagtaas at pagbaba ng balikat niya. Umiiyak ba siya?
Anong problema?
Muli akong naglakad at tinawag ang pangalan niya. Pero hindi niya inangat ang ulo niya. Tinawag ko ulit siya pero parang hindi niya ako naririnig.
“Jes.” Mas malakas ang pagtawag ko sakanya at buong buo ang boses ko. Gaya ng kanina, binalewala niya lang ako.
Umupo ako tabi niya at inilapag muna ang mga dala ko.
“Jes, anong proble--“
“PROBLEMA KO!? HA!? IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!” iniangat niya ang ulo niya at nakita ko ang mga mata niyang nanlilisik. Pulang pula ang mukha niya at basing basa ng mga luha niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at kumuha na lang ako ng panyo sa bulsa ko..
Pinunasan ko ang pisngi niya pero tinabig niya ang kamay ko at lumapag ang panyo sa sahig.
“Anong nangyay--“ gaya rin ng kanina, hindi niya na ako pinatapos.
“WAG KANG MAGPANGGAP NA WALANG PROBLEMA! TSs, HAHAHAH. Sana noon pa’y inayos niyo na yang lovestory niyo ng lecheng pinsan ko ng hindi ako naiipit ngayon!” kitang kita ko ang galit na galit niyang expression. Nagulat ako sa mga sinasabi niya. Si ellise? Bakit? Ano ba ang meron?
“YAN! YANG PINSAN KONG SI NATASHA NA SI ELLISE PALA, Tsk. SINISISI NIYA AKO! ALAM MO KUNG BAKIT?! DAHIL YUN SAYO! DI BA DAPAT SAKANYA KA NAMAN TALAGA!? Hay, Bakit ba kasi nasa akin ka?!” hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya pero nakaramdam ako ng iba. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.
“SAGABAL AKO E! KAYA PARA MATIGIL NA YANG HIMUTOK NG PINSAN KO… Mabuti pang balikan mo na lang siya.. gusto ko ng sumaya.. tama na.. Para walang away, balikan mo siya.”
Pinaaalis ba niya ako? Anong niyang sabihin?
“Jes, hindi mo alam ang sinasabi mo.” Tumawa lang siya ng marahan at tinitigan ako. Inaasahan kong sasabihin niyang joke lang pero hindi.. ikinagulat ko ang sinabi niya..
“Umalis ka na.. Hindi kita kailangan..” namumugto na ang mga mata niya. Seryoso siya sa mga sinasabi niya.
“Jes, hindi ako aalis. Pag usapan natin.”
“Hindi.. hindi na. Umalis ka na. Please.”
“Jes, hindi ko magagawa yan. Hindi ka sagabal. Ginusto ko ito, mahal kita.”
“Tama na. Umalis ka na.”
“Pero Jes--“
“UMALIS KA NA! P*NYET@! IWAN MO NA AKO!”
Jessy’s POV
Masakit man sa akin, sinabi ko na ang dapat sabihin. Lumayo ka na Inigo. Tama na.
Mahal ka niya e. Minahal mo rin naman siya di ba? Kayo na lang.. utang na loob, naiipit ako.
Gusto kong sumaya, buong buhay ko lagi nalang akong malungkot. Utang na loob.
Mahal kita Inigo..
Pero kung ito ang paraan para lang matahimik na..
Gagawin ko..
Pinapaubaya na kita..
I Love you, Goodbye.
[Sorry po sa mga typo.]
--------------------------
NOTE: BASAHIN NIYO ITO, PLEASE!
ANYWAY, almost 6k reads na ang Nerdy Brat! Emeged! THANKS! ILoveyouall ! Nga pala, magmessage kayo sa akin, kadami pang chapters na walang dedication. Gusto niyo bang mag apply? Message niyo ako. Okay?
Salamat!
-MsByutipul.