Karen’s POV
Mabilis lang ang oras at nailipat na rin sa Jessy sa Regular room. Hay, hindi parin siya nagigising. Kailangan pa siguro niya ng pahinga.
Mula kanina, hindi ko pa nakita si Inigo. Mag iisang araw na rin actually. San ba nagpunta un? Tsk. Kala ko ba mahal niya si Jes? Bakit hindi na bumalik?! NAKO, mga lalaki talaga. -.-
Nasa loob lang kami at binabantayan si Jessy. Kasama ko si Julia ngayon. Wala si Gwen at Miko dahil umuwi muna sila at kumuha ng mga gamit nila. Baka kasi magtagal pa kami dito sa ospital. Wala ang parents ni Jes dito sa pinas kaya kami ang nag aalaga sakanya. Nag pa excuse na kami sa mga klase namin kaya ok lang.
Medyo hectic dahil nga graduating na kami. Gorabelles! Kaya natin to!
Tulog si Julia kaya wala akong kakwentuhan. Hmp.Naghintay na lang ako ng kasama ko.
Maya maya bumukas ang pinto at pumasok si Manang.
“Ay hija, asan sila? Bakit kayo lang ang narito?” bungad ni Manang sa akin.
“Umuwi po si Gwen at Miko para kumuha ng mga gamit.” Matipid kong sagot.
Nacurious na ako kaya tinanong ko si Manang. “Manang, nakita niyo ho ba si Inigo?”
“Ang sabi ho kasi magpapahangin siya.. Pero hindi na bumalik” dagdag ko pa.
Hinintay kong mag isip isip si Manang at nagsalita siya..
“Ah oo, Kanina kasama niya ung pinsan ni Jessy. Kadadating lang din ng pinsan niyang iyon.” Pag eexplain ni Manang. Nge? Sinong pinsan kaya iyon?
“Tska hinabilin ko siya kay Inigo. Ang sabi ko pumasok sila dahil nasa loob naman kayo.”
Nge? Bakit ganun? Hindi na sila bumalik..
What’s wrong?
-------
Miko’s POV
“Uhm.. Gwen..” nagaalinlangan kong sinabi. Nasa sasakyan kasi kami ngayon. Hahatid ko siya sakanila para makakuha siya ng gamit.
Tahimik siya at nakasandal sa may bintana ng kotse.
“Gwen.. *Pindot sa Braso*” kinalabit ko ang braso niya pero dedma parin.
Tulog ata? =___= Ngayon pa naman ako nagkalakas ng loob na sabihin sayo..
“Tinulugan mo naman ako. Hmp.” Mukha akong tanga na kinakausap ang tulog na si Gwen.
“Alam mo ba..” sabi ko. Medyo nakita kong gumalaw siya ng konti paharap sa akin. Baka gising na!
Waiting.. Waiting..
Wala, tulog talaga siya. -____-
“Kahit ang sungit sungit mo sa akin.. Hindi ako nagagalit.” Sabi ko.
“Ewan ko ba sayo.. Dati close naman tayo ah. Bakit ngayon, ganyan ka?” mukha na talaga akong tanga. Hay.
“Nakakainis, salita ako ng salita.. Hehe. Hindi mo naman naririnig. Wala ring kwenta.” Dagdag ko pa..
“Pero atleast. Nabawasan ung tinatago ko dito oh.. *TURO SA MAY DIBDIB*” Medyo lumuwag ang pakiramdam ko sa ginagawa ko.
Tumahimik ako ng ilang saglit.. at pinagmasdan ko lang ang mukha niya..
“Kahit na hinahampas hampas mo kahit wala akong kasalanan. Ok lang..”
Hay, Tama na MIKO! MUKHA KANG TANGA. Tinuloy ko na lang ang pag dadrive ko.