Simula

10 3 4
                                    

Simula

My mom is out again, trying to find some money to buy herself a beer. It has always been like this. I could see the blood on my right knee. I ignored it and continued to pick up some pieces of the broken beer.

Lumalabas ang luha sa mga mata ko at pumupula na din ang pisngi ko dahil sa kakaiyak. Umiiyak pero tahimik lamang.

Pinagpapawisan na ako at dumudugo ang mga paa ko dahil sa mga nabasag na mga baso at bote ni Mama.

Lumabas siya at markang marka pa ang sampal niya na binigay sa'kin kanina. Tiniis ko na lang..

Huminga ako nang malalim nang matapos na sa pagwawalis sa mga nabasag. Nilagay ko ang walis tambo sa lalagyan at inayos na din ang basura na sinipa ni Mama kanina.

Amoy alak siguro ako ngayon, kailangan ko munang magbihis..

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko. Hinubad ko ang mga damit ko at derestong naligo. Wala akong oras para umupo lang dito, lalabas muna ako saglit dahil baka masaktan na naman ako nito.

Kawayan lang naman ang bahay namin, kahit ito'y ganito ang pagkagawa, maayos pa naman at hindi basta-basta natutumba nang mga bagyong dumadaan. Nag-alala ako kay Mama kung saan na naman ito na hantong, baka nakikipag-utang na naman siya sa mga tindera at bumibili nang alak. Wala na kaming pera, at unti-unti na itong nauubos. Gusto kong tumulong at nagagalit all sa sarili ko dahil wala akong magawa at kahit anong subok at pilit ko sa mga tindihan o labada man lamang ang trabaho kahit araw-araw na ay hindi ako tinatanggap.

Kahit man lang hindi ako makapagpahinga sa sarili, titiisin ko.. Magka-pera lang ako at mapatigil ko si Mama sa pagbibisyo.

Hindi nila ako tinatanggap dahil sa rason na ang papa ko'y kriminal noon.. Patay na si Papa dahil sa isang sakit, ngunit hindi tumigil ang mga isyu nito. Hindi parin ako tinatanggap at parang randam ko na rin na parang kriminal na din ang kanilang pagturing at pagkakita sa'kin.

Sinasabi pa nila sa'kin na ako'y nagmana sa tatay ko... At ba'ka pa daw maging kriminal ako.. Hindi ako ganoon... At hinding hindi ako magiging ganoon..

Hindi ko alam ba't ganoon ang pag-tingin nang mga tao sa'kin, nirerepesto ko sila at hindi ako komo-komento sa mga sinasabi nila, kahit ito'y masakit na.. Hindi naman ako ganoon makatingin o makaisip sa kanila nang kung ano. Ang pagtingin ko lang sa kanila at nahihirapan din dahil pobre sila kagaya namin at naawa din ako sa kanila dahil takot sila sa amin at wala silang magawa kundi tumira dahil wala silang sapat na pera pampa-lipat.

Kahit anong sabi ko na hindi kami ganoon, hindi sila naniniwala at sinasabi pa nila. Na iyon daw ang sinasabi sa mga taong hindi tanggap ang pagiging kriminal. Sinabi nila iyon dahil sa tingin nila ang dugo namin ay dugong kriminal.. Nanliit ako sa sarili ko, umalis nalang ako nang walang sabi at hindi na sila muling nilingon.

Pati ang mga kaibigan dapat mayroon ako ay pinagkait. Pamilya ko'y pinagkait.

Hindi kailaman ako nagsalita tuwing sinisigawan ako ni Mama at inaabuso pa minsan minsan kapag nadadala na siya sa kanyang emosyon. Tinuturo niya ako kapag may nangyaring masama sa kanya at tuwing naalala niya si Papa. Kung bakit namatay ito.

Nalulungkot ako at gusto ko nalang sabihin sa panginoon na kunin na lamang ako, dahil sa tuwing nakikita ako ni Mama halos itulak na ako, nagagalit siya tuwing nakikita ako. Galit siya kay Papa dahil magkamukha kami at galit siya dahil pinili ni papa magpakamatay at iwan kami dito. Punong puno kami sa utang at tinuturo ni Mama si Papa na responsable niyang bayaran ang lahat nang iyon, samantalang siya naka higa lang sa bahay habang palaging umiinom nang alak.

Hindi siya naiyak at umiyak sa pagkamatay ni Papa..

Kinausap ko siya at tinanong kung anong iniisip niya, sinusubukan kong kausapan at hagkan si Mama.

Kissed By The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon