kabanata 12
Towel
"Hi ma'am! Magandang hapon, po. Maari ko bang malaman kung anong gusto niyo?" Aniya at ibinigay ang dalawang menu.
Habang binabasa ko ang klase-klaseng order at tinitignan ang price, napansin kong hindi naman siya mahal. Sakto lang kung tutu-usin. Pero, hindi din iyon rason para uubusin ko lahat ng pera ko. Bago pa bumukas ang bibig ko para ipalaam sa waiter ang gusto ko, biglang nagsalita si Evo.
"Isang chocolate cake nga yung whole." Bumilog ang mga mata ko sa kaniyang sinabi at gumuhit siya ng circle gamit ang kaniyang dalawang daliri sa magkabilang kamay. His brows furrowed. "Nag se-serve ba kayo ng ganoon?"
"Whole po? Ah, slice lang po yung sini-serve namin..." Nahihiyang sabi ng waiter at iminuwestra niya ang kaniyang isang kamay sa labas ng café. "Pero mayroon din namang bakery sa gilid po ng shop."
"Ba't naman kayo hindi nag se-serve ng ganoon? Edi diba mas maganda iyon? Kasi mas gaganahan ang customer?" Kuryoso din ako pero kumunot ang noo ko kasi isang whole cake pero kaming dalawa lang ang kakain. Sayang yung pera! Pero pwede din naman, diba? Si... Kairos, baka gusto niya.
Boss. Boss Kairos.
"Ah, wala din po akong masabi, baguhan palang ho' ako dito." Napakamot siya sa batok.
Tumawa si Evo.
"Dalawang slice ng cake nalang po, ba? At anong flavor po ba ang gusto niyo?"
"Wag na." Iwinigayway ni Evo ang kaniyang isang kamay bilang pagtatangi. Tumingin siya sa'kin. "Bibili nalang tayo sa bakery."
"Mauubos ba natin y-"
"Ako ang magbabayad." He raised a brow. "Hindi ko yan mauubos. Pero paniguradong mauubos ninyo-" Nilakasan niya ng sabihin niya iyon. He gave me an amused grin. "- yan."
Napasimangit ako sa kaniya. He glanced on the waiter and gave him his orders, pagkatapos nilingon niya ako.
"Uh, limang donut, tatlong croissant at isang white chocolate." Sabi ko.
Tumango ang waiter sa akin at sinabing aalis lang daw siya para sabihin ang aming order. Tumango kami bilang pag-sang ayon at nagpasalamat. Napangiti ako ng tumugtog ang banda at nagsimulang kumanta ang vocalist. Malamig ang kaniyang boses at para kang hinihele, ang kaniyang kinakanta ay love song at parang nalilibang ang mga tao sakaniya dahil ngumi-ngumiti ito.
I looked down and saw his fendora hat. Doon, inilalagay ang pera para maipakitang nagustuhan mo ang musika nang iyong narinig.
"Binigyan ko siya ng 200 pesos."
Bumaling ako kay Evo, nagtatanong ang mga mata. Then, he pointed at the band using his lips. Bahagya akong nagulat, malaki iyon.
He giggled. "Gwapo kasi. Ngumiti siya sa'kin pagkatapos kong ilagay."
Umirap ako. Normal lang naman iyon, pagkatapos bigyan ng pera.
Evo sighed and cleared his throat. "Anyway, ako na ang magbabayad ngayon, ha?"
Bahagyang namilog ang mata ko at mabilis na umiling. "Hindi! Ako na. Ano ka ba! Birthday ko ngayon, Evo." I chuckled. "Tsaka, ikaw palagi yung nanli-libre."
Natahimik ang aming lamesa, iniisip kong kung wala sa pera ang problema niya nasa relasyon ng papa niya. Naawa nga ako, sakaniya. Bukod sa hindi niya ipinapakita sa'kin na nasasaktan siya, ayaw niya ring pag-usapan ang mga problema niya. He would just shrugged it off like it's nothing important.
Kapag ako naman ang magsasalita sa mga problema ko. His brows would met and the worried expression would show. Pareha lang naman kami, tinatago ang mga problema at sakit. Pero kapag hindi ko kinakaya. I would go and talk to him about it.
BINABASA MO ANG
Kissed By The Wind
RomanceAsteria Gomez is a girl who keeps being bullied due to her father's crimes, living in a small home with her abusive and unstable mother, who still lives in the past and her traumas. The daughter, who still strives for her success to help her mother...