5

12 2 0
                                    

kabanata 5

Clothes

Napabuntong hininga ako ng humiga ako sa sofa bed. Natapos ko na lahat ng paglilinis. Inayos ko rin ang higaan ni Boss, halos tatlong yosi ang nakita ko sa kuwarto niya. Nilinis ko lang iyon at hindi na pinakaelaman ang mga gamit na nadoon.

Ginawa ko na rin ang mga takdang-aralin ko. At, andito ako ngayon nanonood ng TV.

Ganoon lang ang ginagawa ko, nang gumabi naman ay nagluto na ako nang pagkain namin ni Boss. Halos, mamangha ako sa refrigerator niya dahil pumupuno ng pagkain at mga inumin.

Gaya ng sabi niya, kumain na ako nang mag alasyete na. Matapos nito nag mop ako ulit dahil nadumihan ulit ang sahig. Inu-ulit ko lang. Pumunta ako sa ikalawang palapag at pumasok sa kuwarto ni Boss.

Hindi ko talaga maiwasang hindi tignan ang laman nang kanyang kuwarto napakalaki at.. mapag-isa. Maitim ang kanyang pader at dinaig pa ang kuweba sa dilim. Sa pagkakita ko rin ng nilinis ko ang kuwarto niya kaninang umaga ay nakasarado ang lahat ng mga kurtina niya. Mukhang hindi siya mahilig sa pagbubukas ng kanyang mga kurtina.

At kapag tinitignan ko siya, palagi siyang nakakunot ang noo at nakasimangot. Dahil ba, galit siya sa'kin? Hindi, mas lalong dumidilim ang kanyang mga mata nang galit siya sa'kin.

Wala ring respeto ang lalaking yon'. Humihingi siya ng respeto pero mismong respeto ko hindi niya ibinibigay sa'kin. Well- simula noong nagsimula ang away namin, wala na kaming respeto sa isa't-isa. Hindi ako madaling magpatalo, Boss. Nagkakamali ka diyan'.

At- ayaw na ayaw niya rin na ako ang magsisilbi at magtratrabahong maid sa kanya dahil bata ako. Gusto niya yung mga taong legal age na para habang naglilinis ito, hindi siya mabo-bored kakatingin dito.

Napatawa ako sa sarili ko habang hinahanap ang kanyang mga maduduming damit. Wala naman sa bathroom niya.

Saan niya ba inalalagay ang mga maduduming damit niya at aking malinis na.

Sinarado ko ang pintuan ng kuwarto niya at pumunta sa baba. Nang biglang bumukas ang pintuan ng condo unit. Bumungad sa akin si Boss na may malamig na ekspresiyon na naman.

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya at bumaba ang tingin ko sa dala niyang bag. Pambabae na bag. Nasa-braso niya ito, maitim ang bag at ang hati ng katawan niya ay natatabunan dahil sa pinto ng condo unit.

Nasa likod ang kanyang isang kamay kaya hindi ko makita kung sino ang kanyang dinadala dito. Mas lalong bumukas ang pintuan ng condo unit nang tinulak ito ni, Boss.

May dala siyang babae. Maiksi ang damit nito at mababa ang kanyang buhok. Matangkad din. Maputi. Bumaling ako kay Boss, nakita ko siyang ngumisi habanag pinapanood ang ekspresiyon ko at mukhang hinihintay niya ang pahayag na lalabas sa bunganga ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan at pumunta kaagad sa kusina. Kumuha ako ng dalawang plato, kutsara, tinidor at baso na rin.

Nakita kong sumunod ang tingin ng babae sa'kin. Pinanood nila ang kilos ko hanggang sa napagdesisyon kong dali-daling umalis sa dining area.

"Asteria."

Napalingon ako kay Boss ng marinig ang kanyang malalim na boses.

"Po? Ano po, boss?"

Nakaupo na ang babae habang si Boss ay nakatayo at pinapanood pa rin ang ekspresiyon ko at may hinihintay na kalabasan.

Napahinga ng maluwag ang babae ng marinig ang tinawag ko sa aking Boss at mukhang may gumugulo sa isipan niya kanina at pinag-isipan pa akong ikalawang babae sa kanilang relasiyon. Hindi ko nga malaman ang dahilan kung bakit nagkagusto ang mga babae sa kanya. Bunganga pa niyan' dinaig pa ang demonyo sa pagsasalita.

Kissed By The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon