1

13 0 0
                                    

kabanata 1

Job

"Hindi nga kami tumatanggap nang mga labandera!" 

"Pero kailangan na kailangan ko pong trabaho na ito, ma'am." Pagmamakaawa ko. "Kahit- Bawasan niyo na lang po ang sweldo ko, ma'am! Mag o-overtime po ako, araw-araw. Lalabhan ko po lahat nang mga damit niyo, po."

Lumapit ang ginang sa'kin, iritang-irita na siya sa'kin at pakiramdam ko mapuputol na ang kanyang ugat dahil sa init nang ulo niya. 

"Ayoko nga sayo, sabi!" Sigaw niya. Tinuro niya ang labas hudyat na pinapaalis ako. "Umalis ka dito, kung ayaw mong masunod sa tatay mong kriminal."

"W-wag naman po kayong ganito-

"Ah, talaga ba?!" Singhal niya at tinulak ako. "Umalis ka na!"

Malakas na isinara niya ang pintuan nang kanyang bahay. Napayuko at napa-buntong hininga. Palagi nalang itong nangyayari, hindi ko alam kung saan pa ako makakahanap nang trabaho. Minsan napapagod ako, pero tatayo ulit dahil kung walang trabaho, wala tayong makakain, walang bubuhay kay inay.  

Sanay naman ako sa ganito, ngunit napapagod akong maghanap dahil sa magkaparehas na rason lamang. Hindi nila ako tinatanggap dahil inaasahan nilang susunod ako sa yapak nang ama ko. 

Medyo nadumihan pa ang maputing polo ko dahil sa pag inom ko nang juice kanina, may mantsa ito sa dibdib ko, maliit lang naman pero kitang kita dahil kulay dilaw. Napailing ako at nagdesisyon na hubadin nalang ang aking polo. Inalagay ko ito sa itim na silng bag ko at nagpatuloy sa paglakad. 

Dala-dala ko ang papeles para sa ka-kailanganin sa pag a-apply nang trabaho, hindi ko na sana ito dadalhin ngunit napag-isipan kong tatangihan na naman ako kaya nagdala nalang ako nito. Nakuha ko ang impormasiyon na ito sa mga kaklase ko, dahil nag apply daw ang kanyang ate sa kompanya nang mga Ximenéz. Medyo nag-alangan pa ako sa pakikinig dahil mga Ximenéz iyon, yung nag-mamay-ari sa bahay-bahayan na pinupuntuhan ko. Nag-alangan pa ako dahil ayoko nang makinig sa apilyedong iyon, inis-iwasan ko na. Naalala ko kasi yung pangyayari sa bahay-bahayan.

Ngunit, may narinig ako na mas nakapagbibigay chanza sa pagkakaroon ko nang trabaho. Kaya nung nalaman ko, deretso kong inisakaso ang mga papeles.

Naglakad ako papunta sa ibang lugar at paniguradong malayo na ako sa bahayan namin. Muntik pa akong nawala, kaya nagtanong-tanong ako. Hindi naman ako nila kilala kaya ngiting-ngiti sila habang kinakausap ako. Iba ang nararamdaman ko ngayong hindi ako kilala nang mga tao. Minsan tinatanong pa nila, sa'kin kung artista ba ako o foreigner o may dugong hapon.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong nang lalaki sa'kin. Nakataas ang isang kilay niya habang tinitigan ako. Nakasuot siya nang apron mukhang siya ang nagluluto dito, nagtataka nga ako kung ba't siya lang ang nandito at walang tao. Tinanong ko kung may nagtatanggap ba na janitor dito. Sabi niya 'oo' at sinabing siya daw ang nag-mamayri nang bakery ito. May pagdududa ako ngunit pinalagpas ko nalang at kinausap siya.

"17 po.."

"17? Aba't bata ka pa, ah."

Napangiwi ako. "Oo nga po, pero kailangan ko po itong trabahong ito, po." Napakunot ang noo ko nang hindi siya nakikinig sa sinabi ko at nakatingin siya sa dibdib ko. Tinakpan ko ang dibdib ko at umatras. Hindi ko man lang napansin ang distansiya namin.

Madilim ang kanyang titig sa'kin, nahihiya ko naman siyang nginitian. "P-po?"

Ikinagulat ko ang biglang paghawak niya sa aking siko. Pinaalis ko ang kanyang kamay sa aking siko, dahil hindi na ako komportable at tama nga ang hinahala ko na hindi siya ang nagmamayri dito at binabastos niya lang ako. 

Kissed By The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon