6

11 2 0
                                    

kabanata 6

Friend

We were quiet inside his car. I did not even have the energy to speak kasi iniisip ko na baka ihihinto niya ang kanyang sasakyan ngayon at ibaba ako. Hindi naman sa hindi ko gusto, he can stop his car anytime he wants at maglalakad nalang ako. I don't know, baka lang naman. Sa ugali niya pa lang ang hilig niyang mam-buwesit ng tao.

"I'm just doing this for madam, don't think about anything." Biglaan niyang sabi.

Hindi naman ako nag-iisip ng kung ano, ano ba sa tingin niya ang iniisip ko?

Hindi ko siya nilingon. "Hmm, kung napipilitan ka, puwede mo naman akoang ibaba kahit kailan. Ayokong maabala ka pa."

Hindi siya umimik. Tumikhim siya. He turned the steering wheel. Napataas ang kilay ko nang dumaan siya sa walang gaanong sasakyan ang dumadaan, maluwag din ang daan at hindi traffic. He speeds up the car. 

Paminsan-minsan may tumatawag sa kanyang cellphone at isinasasagot niya naman nang walang pag-aalinlangan habang nagdra-drive. 

"Yes, Madam?" 

Napabaling ako sa kanya. Bumaling siya sa'kin at ibinalik din ang tingin sa daanan. Si Tita ba ang kausap niya?

"Yes, she's with me right now." He went silent for a minute. His brows met. Bumigat ang kanyang ekspresiyon habang nakikinig sa kausap.

Si Tita Vinda? I tilt my head while I watch his irritated face. Pinakawalan niya ang mabigat na hininga. Napaatras ang kaluluwa ko nang tumingin siya sa'kin. He glared at me.

"Madam, we need to talk about this. Why don't you trust me, Madam? I'm sure-

"Trust?! I just heard from my men that one of your exes was trying to get vengeance on you! By ruining your family's name! That was absurd already! I can't handle it anymore! She's trying to commit suici-

Naririnig ko na ang tinig ni Tita Vinda, napatingin nalang ako sa bintana at nagkunwaring walang narinig. Kahit, bumagabag sa isipan ko ang mga iskandalong pinagagawa niya.

"Hindi naman mag su-suicide iyon, Madam. She wanted pleasure and I gave what she wanted, but the next day she acted like I'm his loving and caring husband, she's delusional. Sinabi ko na sakanya na ayaw ko sa kanya and that was just a one night stand but she was in-denial." He lazily said. 

"Diyos ko naman, Kairos! Sinabi ko na saiyo na mag-ingat ka sa pinipili mong mga babae! Last month, you were accused of being the father of your ex-girlfriend's child! And it's funny how the next day you just go to a bar and flirt with a bunch of girls. Make up your mind already, Kairos! Stop giving me headaches!"

Hindi ko napagilang takpan ang bibig ko sa narinig. Nagulat ako. 

"Umayos ka na, hijo! Dios ko naman! Ayokong umabot sa puntong hindi na ako makalakad at ganyan pa rin ang mga pinagagawa mo!"

Nagtagal iyon nang ilang sandali, mas ako yata ang nag focus ng maayos sa mga sinasabi ni Tita kaysa sa kanya. Wala lang naman siyang ekspresiyon, balewala lang talaga sa kanya.

Mahihirapan ang mapapanga-asawa nito, panigurado.

"I will end this call now. Ihahatid ko pa ang studyante mo. Bumisita ka na rin sa condo, Madam. It's boring." Aniya ang kasunod na iyon ay hindi ko na muling narinig ang tinig ni Tita Vinda, mukhang hininaan niya na ang boses ito.

"Yeah, yeah. Take care, I'm sorry for all the trouble. Send my regards for Tito." he added.

Hindi na niya muli akong binalingan nang natapos ang tawag. Tahimik ang sasakyan at ang tanging naririnig ko lang ang mabibigat niyang hininga. Ilang minuto, nagsalita siya.

Kissed By The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon