7

9 2 1
                                    

kabanata 7

Secretary

Why Asteria? Just because she visited your home your gonna make her suspicious now? Really? She's just worried, alright? Worried. Stop thinking about it. Tapos na ang klase at pauwi na ako kay Boss, nandito si Evo sa tabi ko at may sinasabi na hindi ko makuha at maintindihan kasi na abala ako sa pag-iisip.

"...Sino ba siya sa tingin niya?! Hindi naman siya ganoon ka guwapo! Diba, Asteria?!"

"H-huh?"

"Nakikinig ka ba?" Umiling siya, hindi na siya nakaheadband ngayon, pero may kaunting liptint sa labi. "Hay, iniisip mo iyong boyfriend mo no?"

"Boyfriend?" I frowned.

Lahat ng mga students ay nagsilabasan na, ang iba ay dala-dala ang kanilang projects, ang iba naman ay umuupo sa may bench sa gilid hinihintay ang kanilang kaibigan. Ang iba din ay may planong tumambay muna sa school o sa computer shop. 

"Oo! Yung nagpadrive sayo papunta dito! Hahaha! Ikaw huh!" Siniko niya ako, habang may ngising aso sa mga labi. Boyfriend? No, not gonna happen. 

Umiling ako sa kaniya at tumawa nalang. "Hindi, no. Iyon boyfriend? Imposible. Tigilan mo na nga ako sa tanong na yan, Evo." Napatawa siya. "Super gwapo non, ha! Sa malayo palang super ganda na ng abs, alam mong malinamnam talaga, sarap haplusin ang abs non!"

I slapped his arm because of his remark about Kairos. Totoo naman kaso lang grabe ito si bakla, haplos talaga? 

"Ikaw kasi, Asteria! Sino ba kasi yon?! Nagdududa na ako, huh! Akala ko ba best friends tayo?"

"Akala ko din!"

Sumimangot siya. Tumawa ako. "Boss ko siya, may nag pa apply sa akin bilang maid kaya ganoon." Lumingon siya sa gilid at may nginitian at kinawayan ito.

"Maid? I mean, no offense huh. Pero sa laki ng katawan non nagpapa-maid siya?"

Napakunot ang noo ko sa kaniya, kinurot ko siya sa gilid. "Ow! Ang sakit!" Natatawa ako sa sinabi niya.

"Busy kasi siya minsan at family business ang hina-handle niya."

He pouted and nodded... "Sa bagay..." Nilingon niya ako. "May kapatid ba siya?"

"Bakit?" My brows furrowed at his question. He shrugged, "Wala lang." I silently rolled my eyes, I definitely know what he's planning to do.

Hindi namin namalayan nasa labas na kami ng gate. Nanlaki ang mga mata naming dalawa na nakatayo ang Papa ni Evo sa malayo at may kausap sa cellphone, nakatalikod ito ngunit alam na alam namin na siya Papa niya talaga iyon. Ibinigay ko sa kanya ang panyo ko at dali-dali naman niyang pinunasan ang kaniyang labi, kinuha ko ang panyo at mabilis na umiwas at sumiksik kaagad ako sa madaming mga tao. Oh my god. 

Mabilis ang tibok ng aking puso habang naglalakad ng hindi nililingon ang sasakyan ng Papa ni Evo. 

It's already 5pm at mainit parin pero mahangin.

Mabilis ang lakad ko at hindi ko na alam kung saan ako pupunta, basta lang mapalayo doon at hindi ako makita ng Papa niya. Alam kong may pandidiri ang pamilya nila sakin at hindi nila ako gusto maging kaibigan ni Evo. Napailing nalang ako.

What did I ever did to them? If my dad is a criminal, does that make me a criminal too? Is it enough reason for people to call me a criminal, a murderer?

All of my life, I've been abused and disrespected but I never said a thing to them. I did not. Why? I don't even know.

Maybe, because some inside of me... that thinks I deserved it. Because I loved my dad? That I should be sorry because I loved him and I believed that he's not that kind of person to murder someone.

Kissed By The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon