Napaangat ang ulo niya nang may kamay na nag-abot sa kanya ng iced coffee.
"Thanks Suz."
Alas tres ng hapon nasa opisina siya. Subsob na subsob sa trabaho. Tatlong araw din ksing naiwan ang mga trabaho niya kaya nakatambak na.
"Jetlag?" tanong ni Suzy.
Panay kasi ang buntung-hininga niya.
"Oo. Hindi pa nakakabawi ang katawan ko sa pagod ng biyahe."
"Okay lang yan Marz. Makakarecover rin ang katawan mo."
Nginitian niya ito.
'Makakarecover nga ang katawan ko pero ang puso ko hindi.' sigaw ng isip niya
Walang nakakaalam sa extreme night na nangyari sa kanya kasama ang guwapong lalaking iyon na nagngangalang Airel ba iyon. Kung tama man ang rinig niya.
Bumalik ulit sa alaala niya ang nangyari. Kung bakit naunsiyami ang umuusbong nilang love story o kung yun man ang matatawag nun.
Maaga siyang naligo. Nagpaganda din siya ng husto. Ilang beses din siyang nagpalit ng damit na isusuot.
Nasa 18th floor na siya kung saan ito nakalagi. Naglalakad na siya patungo sa suite nito nang makita niya ito sa labas na my kausap na magandang babae. May bitbit pa itong bouquet of flowers. Mukhang intimate ang dalawa. Magkahawak ang kanilang dalawang kamay. Ang kanang kamay naman ni Airel ay nakapatong sa balikat ng babae.
Kumikirot ang puso niya sa nasaksihan. Ang tatamis ng mga ngiti nito sa isa't-isa. Ito ba ang tinatawag nilang panibugho. Ang ganda-ganda ng babae. Bagay na bagay ito kay Airel. Samantalang siya simple at natural lang. Trying hard pang magpaka-fashionista. Nakabusiness suit si Airel. Ang babae naman ay naka red dress. Kesa magpakita siya sa mga ito at lokohin ang sarili niya. Dahan-dahan siyang naglakad palayo.
Ang gabing namagitan sa kanila marahil hanggang doon na lang iyon. Hindi na madudugtungan pa. Pinahid niya ang luhang naglandas sa mukha niya.
"Earth to Marabeth. Hello!"
Pumitik sa hangin si Elaina kaya nabalik ang isip niya sa kasalukuyan.
"Oh Elz ikaw pala."
"Thrills! Anyare sayo Marz? Daydreaming sa kasagsagan ng hapon?" sarkastikong tanong nito.
"Daydreaming ka diyan! Natulala lang ako sa dami ng trabahong naiwan ko dito. Buti ka pa may papasyal-pasyal ka pa sa ibang department." biro niya rito.
"Nag-inat lang ako noh. Same as you busy din ang kumare mo. Sumakit nga ang puwet ko sa kakaupo eh."
"Marz ang sabihin mo nakikitsismis lang iyang Elaina na yan kasi binigyan ka kanina ni Warren ng bouquet of red roses. Inggit ang isa dito. Kasi waley ang jowa sa kapatagan. Andoon siya sa karagatan bwahahah." tukso pa ni Suzy rito.
"Excuse me nagkita kami ng Dandan ko sa Tokyo."
"Oh eh di mabuti at nadiligan ka. Masyado kang natuyo nang mga nakaraang buwan amiga."
"Tss bakit si Marabeth. Wala naman iyang naging jowa ah. Ako pa rin pinupunterya mo?"
"Eh sa ngayon pa lang iyan nagdadalaga. Kita mo naman bagong outfit, bagong hairstyle at magbabagong jowa rin. Samantalang ikaw papatanda na ang halamanan sa hardin." panunukso ulit nito.
Natatawa siya sa dalawa. Si Elaina kasi ang laging pikon sa kanilang tatlo. Samantalang si Suzy ang alaskador sa kanila. Siya naman ang audience at tagatawa sa mga kalokohan ng mga ito.
"Hmp eh mas matanda ang edad ni Marabeth sa ating dalawa."
"Naku amiga wala iyan sa edad. Nasa mukha ang kompetisyon. Kita mo si Marz babyface iyan."
"Para mo na ring sinabing mas matanda ang face ko kesa kay Marz, Suz ah!"
"Wag na nga kayong magtalo diyan. Bumalik na lang kayo sa mga trabaho niyo."
Bumalik na nga ang mga ito sa kanya-kanyang department. Ibinalik ulit niya qng atensiyon sa trabaho. Mabilis lang lumipas ang oras. Alas sais y media na sa wristwatch niya.
Tumayo na lang siya sa cubicle niya. Nakakahiya pa naman dahil hinintay siya ng dalawang kaibigan.
"Oh anong issue ng meeting nating ito?"
"Siyempre ikaw." Mabilis na sagot ni Suzy
"Ano na ang status ninyo ni Warren boy?" si Elaina
"Kayo naman iha-hotseat niyo pa ako?"
"Marz lahat ng kaopisina natin alam ang hayagang panliligaw ni Warren sayo. Ano pa ang hinahanap mo stable naman iyong tao."
"His two years younger than me."
"Sabi ko nga age is just a number. Hindi naman halata dahil mas mature si boy tingnan kesa sayo."
"Marz isipin mo na lang na malapit ka nang mawala sa kaledaryo. Why are you so afraid to try?"
"Oo nga i-try mo lang Marz. If it doesn't work out then you can call it quits. Hindi naman siguro makitid ang utak niya para pigilan ka niya sa desisyon mo."
Tinimbang niya ang lahat ng sinabi ng kaibigan niya. Susubukan lang niyang mkiapgrelasyon. Baka makatulong ito sa kanya na makalimutan ang lalaking nakilala niya sa Japan.
Lumipas ng one week nakabalik na si Warren sa main office. Audit manager kasi ito kaya kung saan-saang branch pinapadala.
Sinagot na rin niya ito. Sa katunayan matagal na rin itong nanliligaw sa kanya. Palagay rin namn ang loob niya rito. Sa loob ng dalawang buwan na mgkarelasyon sila wala silang naging away dalawa. Araw-araw yata silang magkasama. Kung may overtime siya, nag-oovertime din ito para magkasabay sila at maihatid siya nito sa apartment.
Ganun ito kadedicated na nobyo sa kanya. Ngunit parang kulang pa rin iyon sa kanya. Para bang hindi umaabot sa puso niya ang mga effort nito.
"Marz matamlay ka yata?"
"Masama ang pakiramdam ko Elz."
"Ano bang kinain mo kanina?"
Umiling-iling siya naisuka niya ang kinain niya nung breakfast.
"Iyan ang napapala mo sa kaka-overtime. Hindi na siguro kaya ng katawan mo. Magpacheck up ka mamaya sa doctor. Maghalfday ka na lang Marz." singit no Suzy
Hindi na siya pumalag sa suhestiyon ng mga ito. Nagleave nga siya sa hapon at dumiretso sa ospital.
"Congratulations Mrs. Aragon your two months pregnant." nakangiting pahayag ng isang middle aged na doktora sa kanya.
"Po? Ako buntis?" manghang tanong niya.
"Yes kaya I advise you to buy this vitamins na irereseta ko and refrain yourself from stress para walang masamang mangyari kay baby."
Nakauwi na siya sa apartment niya pero hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman.
Siya? Buntis? Paano na ngayon iyan?
Paano niya ito sasabihin sa mga magulang niya? Pati na sa mga kaibigan niya? Anong sasabihin niya kay Warren? Anong iisipin ng mga katrabaho niya?
Matagal siyang nag-isip ng paraan. Napabuntung-hininga siya nang makaisip ng ideya patungkol sa problema niya.
Nagtext siya kay Warren para makipaghiwalay dito. Gumawa din siya ng resignation letter para isubmit sa HR head niya bukas.
BINABASA MO ANG
A NIGHT SHE ESCAPED (completed)✓
عاطفيةUpang maiwasan ang kanyang High School Reunion nakapagdesisyon si Marabeth na mag-out of the country vacation sa loob ng tatlong araw. Kasama ang supportive niyang bestfriend napili nilang magtour sa Tokyo Japan. Nakahinga siya ng maluwag dahil hind...