Chapter 15

213 4 0
                                    

Dumating na rin ang gabi nang pinakaaabangan nilang company party. Kinakabahan siya sa hindi mawaring dahilan. Nasa bulwagan na siya ng function room nang lapitan siya ng nakangiting si Jonas. Bumagay rito ang barong na suot. Filipiniana at Barong Tagalog ang napili nilang dress code para sa party.

"Jonas bakit nasa labas ka?"

"Hinihintay ko pa kasi ang pinakamagandang dilag sa buong Hotel."

Luminga-linga siya para hanapin ang tinutukoy nito.

"Nasaan naman? Dumating na ba?"

"Oo kadarating lang. Nasa harapan ko na nga siya eh."

Natampal niya ito sa braso nang makuha ang kahulugan ng sinabi nito.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan. Wag mo nga akong pagtripan. Umayos ka."

Puro din kasi ito biro. Matanda siya rito ng tatlong taon. Thirty years old pa lang kasi ito. At saka ayaw naman niya sa mas bata pa sa kanya ang edad. Kapag mas bata kasi sa kanya iniisip agad niyang parang kapatid na niya ito dahil lalake ang bunso sa kanilang magkakapatid.

"Its true. I'm not kidding. You're the most beautiful lady tonight. Mas bagay sayo ang walang bangs."

Naka-bun ngayon ang buhok niya. Inipit rin niya sa bobby pin ang bangs niyang tumatakip hanggang sa kila niya.

"Ewan ko sayo pero salamat na din. Kung wala ka nang hinihintay dito sabayan mo na ako sa loob."

"That would be my pleasure." Nakangising sagot nito.

Umabrisete na siya dito at dahan-dahang pumasok sa loob ng function room.

Nang nakapasok na sila sa loob inilibot niya ang paningin para hanapin si Felicity at ang mga staff niya sa department.

Nang makita niya ang isa sa mga hinahanap. Nag-excuse siya kay Jonas at lumapit na kay Felicity. Kausap nito sina Kento at Sir Arnaiz.

"Hello Madame GM. Good evening Sir Arnaiz at sayo din Kento."

Ayaw patawag ng Sir ni Kento dahil pareho naman daw silang empleyado. Awkward din daw sabi ni Felicity.

"Hi. Good evening to the most lovely lady in HR department." pahayag ni Sir Arnaiz

"Thank you po. Kapag po talaga galing sa isang Arnaiz Regis ang papuri maniniwala po talaga ako agad."

"Ikaw talaga Mara hija. Totoo ang sinasabi ko. Sabihin mo din sa akin hija kung sino ang mga maloko dito sa iyo para turuan ko ng leksyon." Nakangiting kantiyaw ng butihing matanda.

"Haha. Sige po. Gagawan ko ng memo at ipapasa ko sa inyo." ganting biro naman niya

"For sure number one sa listahan si Jonas. Bakit magkasabay pala kayo pumasok rito Mara dear?" Nakangusong tanong ni Felicity. Mainit ang dugo nito sa lalake.

"Honey don't be too harsh on Jonas. That poor guy."

Tumatawa lang si Sir Arnaiz habang nakikinig sa panlilibak nila kay Jonas.

"Oo nga ang hard mo sa tao. Baka naglilihi itong asawa mo Kento?"

Biro pa niya pero hindi na natapos ang kwentuhan nila nang magsalita na ang emcee or master of the ceremony. Bumati muna ito sa lahat ng mga dumalo sa party at nagpakilala sa sarili. Isang actor/host ang na-book nila para maging host.

"Lets call on the President and CEO of Ando Majestic Hotel the young, charismatic and most sought bachelor in town. A round of applause to Mr. Aickel Jun Ando. The floor is yours Sir."

Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat nang tawagin na ang pangalan ni Aickel. Excited ang lahat na makita ulit ang guwapong boss maging siya ay ganoon din. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Ang bilis ng pintig ng puso niya.

Bumukas ang pinto ng function room at iniluwa roon ang naglalakad na si Aickel pero hindi ito nag-iisa may babaeng nakahawak sa braso nito. Kilala niya ang babaeng ito. Ito iyong nakita niya six years ago sa labas ng suite ni Aickel. May dala pa nga itong bulaklak nang makita niya. Ito siguro ang sinasabi ni Felicity na nililigawan nito.

Para bang nadurog ang puso niya sa nasaksihan. Marabeth tigilan mo na kasi ang pagpapapantasya na mapapansin ka niya. Nakita na nga niya na may kasama itong napakagandang dalaga. Wala lang siya sa kalingkingan ng kuko nito.

Umakyat na sa entablado si Aickel. Bumati siya sa lahat ng dumalo. Kasama sa speech nito ang history ng pagtatag nito ng Hotel sa bansa. Pinasalamatan niya rin ang lahat ng empleyado mula sa mga Managers hanggang sa mga cleaners. At pang huli ang advice na ibinigay nito sa lahat. Matapos nun ay bumaba na ito at lumapit sa babaeng kasama.

Hindi man lang ito tumingin sa gawi niya. Nainis siya sa sarili dahil mataas ang expectation niya sa gabing ito. Iyon pala sawi ang beauty niya.

Muntik na siyang matisod nang biglang hinila siya ni Jonas sa kamay. Wala man lang pasabi ito nang hilahin siya.

Narating nila ang photo booth backdrop kung saan pwedeng mag-picture taking ang mga bisita. Nagpatianod siya sa anyaya nito. Baka sakaling makalimutan niya ang presensiya ni Aickel na may ibang babaeng kasama.

Naenjoy naman niya ang ala commercial model nilang pose. May serious face, pa-cute, flirty at wacky na pose ang ibinida nila. Na-entertain naman ang iba nilang kasamahan sa mga kalokohan nila. Sino ba naman ang hindi matatawa na naka-Barong at Filipiniana pero pakwela ang pag-aura.

Nag-apir naman sila ni Jonas matapos ang mga pinaggagwang picture taking. Nagkatuwaan din sila na nakikisali sa ibang department na magpa-picture. Mabuti na lang ay game din ang ibang empleyado at hindi sila napagalitan sa pakikisawsaw nila.

"Mara dear. Andito ka lang pala. Hindi ko alam na sumideline ka nang entertainer ngayon."

Komento ni Felicity habang papalapit sa kanila. Nakatawag pansin din kasi sila sa iilang empleyado.

"Bakit mo ako hinahanap?"

Dumistansiya muna silang dalawa sa kumpulan ng mga tao.

"I want to give you this."

"Para saan ito?" Hawak na niya ngayon sa kamay ang isang skyblue na invitation card.

"Invitation yan for my baby boys birthday tomorrow."

"Talaga? Bukas na agad ang birthday. Bakit ngayon mo lang sinabi wala pa tuloy akong gift."

"Its fine. Kahit wala nang gift. Sorry ha It skipped my mind. Naging busy din kasi tayo sa preparation ng party na ito."

"Uhm may bagong chika ka ba diyan?"

"Like what?"

"Like the woman who accompanied our boss."

"Oh that girl. I don't like her." Walang gatol na pahayag nito.

"Ha? Dislike mo agad? Hindi ba niya girlfriend iyan?"

"She's definitely not his girlfriend. Hindi ako boto sa babeng iyan. Kento knows that girl. Hubby said na kaka-divorced lang daw nito sa asawa nitong Hapon. I don't like someone especially a divorcee to be his better half or girlfriend. He needs a strong woman like you my dear Mara."

"Ako pa talaga ang kinompara mo. Eh may sabit na din ako. I have a kid out of marriage. Kaya hindi kami bagay nor magka-level man lang ni Sir Aickel. Gets mo?" Si Felicity ang sinasabihan niya ng mga salitang iyon pero parang ang sarili niya ang kinakastigo.

"So what. You were never married so its fine."

"Ang taas ng pangarap mo diyan Liz ha. Magpapa-lechon talaga ako sa buong Hotel kapag nagkatotoo yan."

"Ano naman ngayon kung mangarap ako ng ganun. Basta hindi ko bet ang babaeng iyan. At ikaw Mara dear wag na wag kang maglalapit sa Jonas na iyan. You deserve so much better girl. Someone like Aickel suits you."

"I don't think so." sagot niya habang ang mga mata ay nakatutok kina Aickel at sa babae na nagtatawanan sa upuan nito.

A NIGHT SHE ESCAPED (completed)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon