Hinila na niya sa kamay si Felicity. Ang bagal kasi nitong maglakad parang napipilitan pa itong sumama sa okasyon ngayon.
"Bakit ba parang bad mood ka Liz?" untag niya rito. Nakakunut ksi ang noo nito. Hindi naman stress ang trabaho nila dahil hanggang ngayon nagtutulangan pa rin sila sa mga task sa HR department. Nagde-decide pa daw si Aickel kung saan ilalagay ang isa sa kanila.
"Kasi naman eh. Nakita ko na naman na magkasama si Aickel at Marika na iyan. Nakakainis na ha feeling close ang girl na iyan."
Natatawa lang siya dito mas umaakto pa itong nagseselos kesa sa kanya. Kung alam lang nito ang totoo.
"Pwede ba wag kang malisyosa. Nagte-training lang iyang si Marika dahil siya ang papalit sa posisyon ni Aickel sa japan. At isa pa alam mo namang matagal nang magkaibigan ang dalawang iyan."
Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis sa iniakto ng kaibigan. Masyado kasi nitong binibigyang pansin ang mga babaeng umaaligid kay Aickel.
"Napapansin ko rin na feeling close ang girl na iyon sayo." Tiningnan siya nito ng masama.
Praning din itong kaibigan niya. Masyadong selosa kapag nakikipagngitian siya kay Marika. Natutukso na siyang sabihin dito ang totoo kaya lang pinipigilan niya. Gusto niya kung malaban man nito ang namamagitan sa kanila ni Aickel. Dapat pati na ng buong Hotel staff. Ibang klase pa naman ito. Daig pa ang showbiz insider. Kapag nakarinig ng news agad ibinabalita sa madla.
"I like her and she's friendly. Wala namang masama doon diba."
"I still can't believe that na nagpa-dinner si Aickel sa lahat ng mga managers. He was not like this nang hindi dumating iyang babaeng iyan." Hininaan nito ang boses nang narating na nila ang private room sa restaurant na pgdadausan ng dinner.
"Mara sit here beside us." anyaya ni Marika na nasa malapit sa pinto nakaupo at katabi sa kaliwa nito si Aickel. Sa kanan ni Aickel ay bakante pa.
"Thanks but I'll sit here in the middle with Liz." Ngumiti siya rito. Tumaas naman ang kilay ni Aickel at humalikipkip na nakatingin sa kanya.
Pasimple siyang umiwas ng tingin dito at lumingon kay Felicity. Isa pa naeenjoy kasi siyang tuksuhin si Felicity na magkatabi sina Marika at Aickel kahit wala namang ibang ugnayan ang dalawa kundi magkaibigan lang
"Hi Ms. Mara. Ang swerte ko naman. Magkaharap pa talaga tayo ng upuan. Sigurado akong mabubusog ako nito." Kumindat pa ito sa kanya.
Nagsimula na ring kumain ang lahat. May kanya-kanya nang pag-uusap ang mga ito.
"Ikaw talaga Jonas puro ka biro. Salawahan ka na ngayon ha. Paano na lang ang Team PALONAS ha?"
"Failed Ms Mara. Hindi mabenta. Lugi sa takilya" saad ni Paloma na natatawa pa
"Eh di MARANAS na lang ulit ngayon. Enjoy kaya iyong song number niyo dati. Ang ganda ng boses ni Ms Mara." singit ni Andy
"Patawa ka rin Andy ha. Nakakahiya kaya score ko dati sa videoke."
"Whats MARANAS?" singit na tanong ni Marika
"Ah its a name combination of Ms Marabeth and Jonas po." sagot ni Paloma
"Oh? What's it for? Is that a game?"
"No. It was just for entertainment." sagot niya
"They made a gag out of Mara. Which is unfavorable because it doesn't make any sense." mabilis na sagot ni Felicity. May galit talaga ito kay Jonas at Marika.
"Ms. Felicity naman. Hindi naman ganoon iyon. Don't believe it Ma'am Marika. We do no harm on Ms. Mara. She is such a beautiful soul."
"Ehermm..." bigla namang tumikhim si Aickel.
Napatingin naman dito si Marika. At ngumiti.
"Hmm. So I have an entry."
"What is it Ms. Marika?" tanong nila Jonas
"What do you think of Marckel. Its more cute right." kumindat pa si Marika sa kanya.
"Oh Marika and Aickel." hula naman ni Paloma
"No its lame." malakas na tutol ni Felicity. Pinandilatan naman ito ng asawang si Kento. Ito ang umupo sa bakanteng upuan katabi ni Aickel
"Bakit Madame? Sinong mas bagay kay Sir Aickel. May ship ba kayo?" tanong ni Andy
"Yes. Marckel din pero Marabeth and Aickel. Diba Aickel mas cute iyon."
Tumango at ngumiti si Aickel. Pasimpleng sinenyasan niya ito.
"Ms Mara anong gusto niyong inumin?" tanong ni Andy kakatapos na din kumain ng lahat.
"Ha?" seryoso naman ang mukha ni Andy kahawig na nito si The Rock sa laki ng ktawan
"Coke, Sprite, Beer, Vodka, Iced Tea or me?" maharot pang saad nito
Natatawa siya sa hirit nito.
"Ako may entry din." singit ni Jonas. Hindi naman patatalo. Mukha siya na naman ang pinagdidiskitahan.
"Ano?"
"Anong parte ng lechon ang gusto niyo Ms Mara?"
"Parte ng ribs, parte ng pata, parte ng buto o parte ng buhay ko."
Nagtawanan at naghiyawan ang lahat maliban ky Aickel. Naakakunut ang noo at nakakuyom ang mga kamao.
"May entry din ako sayo Jonas." si Felicity
"Wow Ano yon Ms Felicity?" excited na sagot nito
"Lechon ka ba?" pabalang na tanong nito
"Hindi po. Bakit?" gulat na tanong ni Jonas
"Tutuhugin sana kita." sabay nguya ng apple
Sinaway niya si Felicity. "Relax ka nga diyan."
"Hahaha hindi talaga boto si Ms Liz sayo para kay Ms Mara, pareng Jonas " natatawang sabi ni Andy.
"I have an entry too. Its for you Mara." singit ni Yuji
"Who's more handsome me or Aickel?"
"Ha? Of course you." ngumiti siya dito. Nagwalk naman si Aickel.
Problema nun?
"Hala ka Mara dear. Nagalit ang butihing boss."
"Hindi naman siguro baka nagCR lang."
Totoo ang hinala ni Felicity. Nang makauwi na sila sa bahay. Hindi man lang siya nito pinansin. Nagtampo pala ito nang sabihing mas guwapo si Yuji sa harap ng marami.
Kaya hayun nilambing niyang maigi ang asawa nang papatulog na sila. Kasalanan din naman niya. Hindi siya tumabi rito sa company dinner at nakipagbiruan pa sa ibang mga kasamahan.
Ang hirap palang suyuin ng asawa niya. Pinapangako niyang hindi na ito bibiruin pa o bibigyan ng sakit ng ulo. Magagawa kaya niya.
BINABASA MO ANG
A NIGHT SHE ESCAPED (completed)✓
RomanceUpang maiwasan ang kanyang High School Reunion nakapagdesisyon si Marabeth na mag-out of the country vacation sa loob ng tatlong araw. Kasama ang supportive niyang bestfriend napili nilang magtour sa Tokyo Japan. Nakahinga siya ng maluwag dahil hind...