Chapter 1

34 2 11
                                    


Almira Ierayh


"You should stop smoking" 


I rolled my eyes. Lumayo ako sa mga pinsan ko para hindi na marinig ang kanilang mga pangaral sa akin. Hindi ko alam kung bakit ba palaging nakiki-alam sa life ko. 


"Let's go" kinuha na ni Rivs ang kaniyang bag na pinabantayan sa akin bago sumakay sa kaniyang kotse. "Mauna na kami. Make sure na makakabili ka ng mga school supplies mo, Aliyah" 


I rolled my eyes again. Bakit ba ayaw nilang trust sa akin. Mukha ko ba silang lolokohin? 


Andito kami sa bahay namin. Wala ang parents ko dahil nasa ibang bansa sila, business trip as always. 


Sunod na lumabas ng house si Kevin at Felicity. I smiled at Felicity before she leave. Sa lahat ng mga pinsan ko ay siya ang pinaka favorite ko. Almost all of our parents were addicted to business so kami lang magpipinsan ang palaging together, except sa Mama ni Felicity na umiba ng path. 


"Send me your location agad kung nakapili na kayo ng bar" pahabol ko sa kanila. Umakyat muna ako ng kwarto ko at nahiga. I don't have plans pa na lumabas ngayong tanghali dahil baka magka-sunburned lang ako. 


Nang lumipas ang ilang oras ay tsaka ako nag-shower at dumiretso sa aking closet. I randomly picked up my dress na p'wede kong suotin mamaya kapag sumunod ako sa mga pinsan ko sa napili nilang bar. 


I just put a denim jacket on my dress because it was too early to show off my beauty. I want to be a sweet girl at the mall. Napatitig pa ako sa mga collection ko ng bags and shoes dahil hindi ako makapili. Parang gusto kong dalhin lahat. 


Normal na sa amin ang mag bar ng isang beses sa isang linggo kapag kasama ko ang mga pinsan ko pero hindi nila alam na nakaka-tatlong beses ako sa isang linggo. Wala din naman akong parents na magsasaway sa akin kaya laban lang ako ng laban sa inuman. 


Nagtagal pa ako sa sa harap ng salamin dahil nagandahan ako sa napili kong dress. Ayos na ito para makakuha ng attention ng mga boys later. 


I got in my car and headed straight to the mall. It's only a few days and the school year is about to start so I need to buy my school supplies. Good thing is nakita ko si Khriana, my first friend that I met nung nag enroll ako sa new school ko. 


We ate together but hindi ko inexpect na dadalhin niya ako sa isang fastfood chain. Mula bata kasi ako ay sinasabihan na ako ng parents ko na hindi healthy ang mga pagkain dito pero wala akong choice. Si Khriana na ang nag insist na magbayad ng aming na eat. Alam ko na hindi siya ganoon kapera dahil she is trying to be one of the scholar student nong nag enroll kami pero nilibre pa din niya ako. I think she is just repaying noong nag eat kami together after namin mag enroll. 


"Gosh! Ang gwapo and hot nung Gedrich Ferrer na 'yon. Kung nakita ko siya, ako mismo ang mag-aaya sa kaniya ng date kahit boy siya" 


Habang sinsabi ko kay Khriana lahat ng 'yon ay parang nandidiri siya. Hindi naman siya mukhang tomboy, so why naman?

Exposing The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon