Chapter 2

12 2 0
                                    



Almira Ierayh


He waited me to answer but... why the fuck can't I answer him immediately?


"Tinatanong kita, Miss" dugtong niya. Mukhang naiinis na siya dahil hindi kaagad ako sumasagot sa mga tanong niya.


He has an aura that makes way for me not to answer him right away. Dark aura.


"Uhm... My name is Almira-"


"Hindi ko tinatanong ang pangalan mo. Anong balak mong gawin sa tricycle ko? D'yan ako kumukuha ng pambaon at pambili ko ng gamot ng Lolo at Lola" walang emosyon na tanong niya sa akin.


I'm doomed. Maraming tao ang umaasa sa kaniya at ang laking bagay ng sinira ko sa kaniya. Stupid


"Uhmm.. ano... ibibili nalang kita ng bagong car mo? Pero baka next week pa, I need to talk to my parents pa kasi" kinakabahan ako sa pagtatanong ko sa kaniya. Masyado na akong abala sa kaniya. "i can give you money para pambili mo ng medicine sa grandparents mo and allowance for you" I offered.


"Hindi. Ipagawa mo nalang ang sasakyan ko"


"Ayaw mo ng new? Mas maganda pa ang ibibigay ko sa 'yo kesa don sa luma mo" pagpipilit ko sa kaniya but he shooked his head.


"Hindi mo alam kung gaano kahalaga ang sasakyan na 'yon" matigas na banggit niya sa harapan ko. His eyes are dark this time and he even pointed me using his index finger.


Is he mad? Na-offend ko ba siya? Should I say sorry?


"Kausapin mo na kaagad ang mga magulang mo ngayon at bukas ay magkikita tayo para maipagawa mo ang tricycle ko" galit na sabi niya sa akin at tumalikod. "Mahalaga sa akin ang bawat oras ko kaya huwag mong sayangin"


May ibinigay siyang papel sa akin at nakita ko doon ang isang phone number. Siguro sa kaniya.


Naglakad na siya palayo sa akin hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Napakurap nalang ako dahil sa mga sinabi niya. He is so mysterious, I want to know him more.


"Yeah, sure" sigaw ko kahit wala na siya sa paningin ko. Nagmaneho na ulit ako ng aking sasakyan. Hanggang sa paguwi ko ay iniisip ko ang ginawa kong mess dahil lang sa alak. Na guilt ako dahil parang masyado siyang hardworking at mabait para bigyan ko siya ng problema ng ganito.


"May ganoon din palang ka gwapo na tao" bulong ko sa sarili ko habang nakahiga sa aking kama. Mukha siyang masungit na bumagay sa kaniyang itsura. "Fuck, bakit ba hindi ko nalang isipin kung paano ko siya matutulungan?"


Tumawag kaagad ako sa parents ko na nasa ibang bansa para sabihin ang nangyari.

 

"Are you okay, babe?" my Mom asked on the line. I think nasa meeting sila kaya bulong lang ang ginagawa ni Mama para makausap ako.


Exposing The PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon